19/08/2026
Nakikiisa ang Consuelo Foundation sa pahayag ng Child Rights Network (CRN) tungkol sa trahedyang naganap sa Ateneo de Zamboanga kahapon, Aug. 18.
Nakikiramay kami at nananalangin para sa paghilom ng mga nasaktan, ng mga pamilyang nawalan, at ng buong komunidad na lubos na naapektuhan.
Kaisa kami sa panawagan na panatilihing ligtas na espasyo ang bawat paaralan para sa lahat ng bata at kabataan. Sa panahon na ito ng pagdadalamhati, mamayani nawa ang pananagutan, pagkakaisa, at ang kapakanan ng bawat batang nasa kolektibo nating pangangalaga.
๐ฃ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ ๐ฅ๐ถ๐ด๐ต๐๐ ๐ก๐ฒ๐๐๐ผ๐ฟ๐ธ ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐ต๐ฒ๐ฑ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ผ ๐ฑ๐ฒ ๐ญ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ผ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ, ๐ญ๐ด ๐๐๐ด ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Taos-puso kaming nakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay sa trahedyang naganap sa Ateneo de Zamboanga University. Kaisa rin kami sa pananalangin para sa paggaling ng mga nasaktan at sa paghilom ng buong komunidad. Nawaโy matagpuan ng mga naulila ang lakas at pag-asa sa gitna ng matinding dalamhati.
Habang nagpapatuloy ang opisyal na imbestigasyon, hinihikayat ang lahat na huwag magbahagi ng sensitibong mga larawan at video, hindi beripikadong impormasyon, o anumang haka-haka. Igalang natin ang privacy at dignidad ng mga biktima at kanilang pamilya, at sumangguni lamang sa mga opisyal at mapagkakatiwalaang pahayag.
Ang mga paaralan ay dapat maging ligtas na espasyo para sa lahat ng bata at kabataan. Nananawagan kami para sa mabilis, patas, at sensitibong imbestigasyon, sapat na psychosocial support sa mga apektado, at responsableng pagbabahagi ng impormasyon. Sa gitna ng dalamhati, pairalin natin ang malasakit, pananagutan, at pagkakaisa upang mapanatiling ligtas ang bawat bata. # # #