ANGLO KMU

ANGLO KMU Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organizations - KMU

TAUMBAYAN ANG MAGPAPANAGOT SA MGA KURAKOT! PAGKILOS ANG ALAS LABAN SA KORAPSYON AT KAWALANG PANANAGUTAN!Bukas, nakatakda...
05/07/2026

TAUMBAYAN ANG MAGPAPANAGOT SA MGA KURAKOT!
PAGKILOS ANG ALAS LABAN SA KORAPSYON AT KAWALANG PANANAGUTAN!

Bukas, nakatakdang idaos ang unang impeachment hearing ni Sara Duterte pangunahin sa maanomalyang paggasta sa kaban ng bayan bilang kalihim ng DepEd at Bise Presidente.

Bahagi ito ng nagpapatuloy na laban ng taumbayan laban sa korapsyon at sa bururkrata-kapitalismo. Ang laban para ma-impeach si Sara Duterte ay bahagi ng ating tuluy-tuloy na pakikibaka mula pa sa nakaraang SONA at sa dalawang Baha sa Luneta noong Setyembre 21 at Nobyembre 30 kung saan kumilos ang daan-daanlibong mamamayan sa buong bansa.

Nagbunga na ang ating pagkilos sa mga paunang tagumpay. Dahil sa ating paglaban, napwersa ang gubyernong Marcos na ipa-aresto ang ilang contractors, mababang opisyal ng DPWH, at si Jinggoy Estrada. Napilitan itong pausarin ang kaso ng impeachment kay Sara Duterte.

Ngunit hindi magpapalinlang ang manggagawang Pilipino sa mga palabas at matatamis na salita ni Bongbong Marcos. Batid ng mga manggagawa na si Marcos mismo ang nasa tuktok ng buong sistema ng burukrata-kapitalismo at sindikatong korapsyon. Totoong hindi niya ito “raket” dahil kabuhayan niya ito: ang pagpapatakbo sa gubyerno bilang isang malaking negosyo.

Hindi mapagtatakpan ng impeachment ni Sara Duterte ang bilyun-bilyong kikbak ni Bongbong Marcos sa flood control projects at iba pang proyekto ng gubyerno. Hindi dapat gamitin ang isyu ng korapsyon ng isang korap na paksyon upang pagtakpan ang korapsyon ng isa pang korap na paksyon. Hindi dapat ito gamitin upang magsilbi sa pansariling interes ng mga korap na pulitiko na makapanatili sa pwesto at patuloy na makapagpayaman mula sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Mga ka-manggagawa tuluy-tuloy tayong kumilos upang panagutin ang lahat ng paksyon ng mga kurakot, at hanggang ganap na mabago ang bulok na sistema ng burukrata-kapitalismo! Kitakits bukas, Hulyo 6, 2026 ganap na 1:00 PM sa Senado!

WALANG FRIENDSHIP SA AMO AT TUTA! WALANG FRIENDSHIP SA PAGIGING PAIN SA GIYERA!Napakalaking insulto sa kamalayan ng mga ...
04/07/2026

WALANG FRIENDSHIP SA AMO AT TUTA! WALANG FRIENDSHIP SA PAGIGING PAIN SA GIYERA!

Napakalaking insulto sa kamalayan ng mga Pilipino ang ilako ng Estados Unidos ang naratibong ipinagkaloob niya ang kalayaan ng Pilipinas noong July 4, 1946, dahil mismong araw na iyan naging malakolonya ng US ang Pilipinas. Ang totoo? Magmula noon, naging sunud-sunuran nalang ang Pilipinas sa dikta ng imperyalistang US, malaya man sa papel.

Gaano ba kalaking tuta ng US ang Pilipinas?

✅ Buhay pa rin ang nilagdaang 1951 Mutual Defense Treaty na kinakaladkad ang tropang Pilipino sa anumang giyerang upatin ng US sa Asya-Pasipiko.

✅ Pumasok sa Pax Silica na pinangungunahan ng US na magtatayo ng 1,619 ektaryang Economic Security Zone na nagpapalayas na ng katutubong Ayta sa New Clark City, Tarlac at magpapatindi ng pangangamkam ng lupa at pagdambong ng yaman ng bayan, siyang gagamitin sa pagmanupaktura ng teknolohiyang gagamitin ng US sa giyera.

✅ Pinayagang mangupahan ng 99 na taon ang mga dayuhang kapitalista ng mga kalupaan ng Pilipinas, isang tahasang pagsuko ng soberanya sa mga dayuhang dikta.

✅ Nananatiling nakahandang base-militar ang bansa na pananggalang sa digmang inupat at uupatin pa ng US sa Asya-Pasipiko, mula sa 1947 Military Bases Agreement at 1998 Visiting Forces Agreement, hanggang sa kasalukuyang 2014 Enhanced Defense Cooperation Agreement nang walang binabayarang upa at buwis ang US, at walang pakikialam ng pamahalaan ni Marcos Jr.

✅ Sa hanay ng mga manggagawa, para makautang pa sa WB-IMF na kontrolado ng US, nagpatupad ito ng mga patakarang neoliberal, partikular ang Herrera Law na nagligalisa ng kontraktwalisasyon at Wage Rationalization Law.

✅ Sa sobrang sagad sa buto ng pagkatuta ng Pilipinas, nagpakawala ang US ng missile sa Tacloban airport at ginawang practice target ang kalupaan ng Nueva Ecija.

Ito ang tunay na State of the Nation na kailangang i-address ng rehimeng US-Marcos-Duterte, ang 80 taong walang-patid na pagkaalipin ng bayan sa imperyalistang US! Hindi tayo malaya, mahaba lang ang tanikala ng Washington sa Malacañang.

Kaya naman hinihimok namin ang lahat ng mga manggagawang Pilipino na labanan ang panghihimasok at pandarambong ng imperyalismong US sa ating bayan. Wala sa nagriribalang Marcos-Duterte ang makakasagip sa atin sa pangingialam ng US sa ating bansa. Tayo lang, kasama ang malawak na hanay ng masang Pilipino, ang kayang lumaban at maggiit ng ating pambansang soberanya. Itakwil natin ang huwad na "friendship" na yaong nagbabaon lamang sa atin sa utang, krisis, at pasismo! Itaguyod at isulong natin ang independent foreign policy!

US troops, out now!
US-Marcos shut the Pax Down!
Imperyalismo, ibagsak!

“Baryang umento, ginawa pang hulugan!” – ANGLO CALLS FOR LIVING WAGE NATIONWIDE  "While any wage increase is welcome, so...
01/07/2026

“Baryang umento, ginawa pang hulugan!” – ANGLO CALLS FOR LIVING WAGE NATIONWIDE

"While any wage increase is welcome, sobrang liit nito! Baryang umento at ginawa pang hulugan ang ₱85 wage hike na para lang sa manggagawa ng NCR! Deserve naming mga manggagawa ang living wage – across the board, nation wide!” said Gilbert Escueta, Chairperson of Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organization (ANGLO-KMU) and President of Globesco Free Workers Union (GFWU), following the announcement of the Department of Labor and Employment (DOLE) and the NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board approving an ₱85 increase in the daily minimum wage.

The recently approved wage adjustment applies only to workers in the National Capital Region (NCR), leaving millions of minimum wage earners in other regions without any corresponding increase despite facing the same burden of rising prices of food, utilities, housing, healthcare, and other basic necessities.

According to studies by the IBON Foundation, the family living wage is ₱1312 as of April 2026. This remains significantly higher than the prevailing minimum wage, reflecting the growing gap between workers' earnings and the actual cost of living. Persistent inflation over the past years has continuously eroded the purchasing power of wages, making it increasingly difficult for working families to afford their daily needs despite government-declared wage adjustments.

The Workers’ Federation also noted that the approved ₱85 increase will be implemented on a staggered basis, from ₱695 to ₱755 (₱60 increase) effective on July 19, 2026 and ₱780 (₱25 increase) effective on January 20, 2027 delaying the full benefit that workers urgently need today. At a time when the prices of essential commodities continue to rise immediately, postponing the complete implementation of wage adjustments only prolongs the economic hardship experienced by workers and their families.

“Marapat lamang na kagyat na mag response ang gobyerno sa reyalidad. Kaming manggagawa ay hindi bumibili ng bigas at pagkain, renta at nagbabayad ng mga bills ng installment. Kailangan namin ng sahod na may dignidad ngayon, hindi next month o 6 months after,” Escueta added.

ANGLO-KMU reiterated that wage policies should move beyond piecemeal and regionally isolated adjustments. While the NCR wage increase acknowledges the economic pressures confronting workers, the same conditions are experienced by employees in provinces and regional centers, where low wages continue to trap families in poverty.

The Federation renewed its call ₱1,200 wage increase to the government to pursue a national living wage policy that guarantees decent and sufficient income for all workers regardless of geographic location. Such a policy, it stressed, should be anchored on the actual cost of living and regularly adjusted to keep pace with inflation.

"As the backbone of the Philippine economy, workers deserve wages that sustain life—not merely wages that help them survive. Economic growth cannot be meaningful if the people who create that wealth continue to struggle to meet their most basic needs," ANGLO-KMU concluded.

Lubos na nagpapasalamat ang ANGLO-KMU sa paggawad sa amin ng Be Glad ng sertipiko ng pagkilala sa pagsusulong ng mga bat...
01/07/2026

Lubos na nagpapasalamat ang ANGLO-KMU sa paggawad sa amin ng Be Glad ng sertipiko ng pagkilala sa pagsusulong ng mga batayang karapatan ng LGBTQIA+ na manggagawa. Sa pagtatapos ng Pride month, ipinapaalala sa atin na parehas ang pakikibaka ng LGBTQIA+ community laban sa diskriminasyon at ng manggagawang Pilipino para sa sahod, trabaho, at karapatan. Kapwa ipinaglalaban ng manggagawa at LGBTQIA+ ang dignidad sa loob at labas ng mga pagawaan.

Sa pag-oorganisa namin ng LGBTQIA+ sa mga komunidad, hindi diskriminasyon ang unang itinambad nila sa amin, kundi ang barat na sahod, matinding kontraktwalisasyon, at kawalan ng karapatan sa paggawa. Ang daing nila ay ang nagmamahalang presyo ng bilihin at ang kawalan ng pananagutan ng mga kurakot na ibinubulsa ang buwis mula sa dugo at pawis nila sa trabaho. Tila walang saysay ang pagbibihis ng mga kapitalistang rumerespeto kuno ng kanilang karapatan dahil hindi mabili ng mga kapatid nating LGBTQIA+ ang mga produkto at bilihin sa harap ng barat na sahod, kabilang ang gender wage gap.

Walang ari ang naghahati sa uring manggagawa. Katulad ng buong uring manggagawa, iisa ang laban ng LGBTQIA+ na manggagawa para sa sahod, trabaho, at karapatan. Hindi lamang gender-inclusive na patakaran ang hinihingi nila o ang pagwakas ng gender wage gap, kundi ang pagbabago ng lipunan at pagwawakas ng pananamantala at sahurang pang-aalipin. Dahil ang LGBTQIA+ community ay hindi hiwalay sa lipunang kinaiiralan niya: ang LGBTQIA+ ay magsasaka kabataan-estudyante, maralita, at higit sa lahat, manggagawa ang LGBTQIA+.

Hindi namimili ng kasarian ang uring manggagawa, at ang tunay na tunggalian ay nasa uri, hindi sa ari. Ang problema ng lipunan, problema ng sangkabaklaan; ang problema ng sangkabaklaan, problema rin ng lipunan. At mapapawi lamang ang pananamantala ng LGBTQIA+ na manggagawa sa matagumpay na laban ng buong uring manggagawang naghahangad ng paglaya ng lipunan sa buong uring kapitalistang inuuna ang tubo.

Walang Pride para sa iilan, hanggang walang paglaya para sa lahat! Wakasan na ang lahat ng porma ng diskriminasyon sa paggawa!

Ang Pride ay protesta!
Sahod, trabaho, at karapatan, ipaglaban!
Makibeki, wag mashokot!

IBOTO ANG SM-EMI-INDEPENDENT!IPANALO ANG TUNAY, PALABAN, AT MAKABAYANG UNYON SA EMI-YAZAKI!Buong-pusong ipinapaabot ng A...
17/06/2026

IBOTO ANG SM-EMI-INDEPENDENT!
IPANALO ANG TUNAY, PALABAN, AT MAKABAYANG UNYON SA EMI-YAZAKI!

Buong-pusong ipinapaabot ng Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organizations - Kilusang Mayo Uno (ANGLO-KMU) ang suporta at pakikiisa nito sa EMI-Yazaki Independent sa paparating na Certification Election sa Hunyo 19–20, 2026.

Ang muling pagtindig ng Samahang Manggagawa ng EMI-Yazaki Independent ay pagpapanumbalik ng militanteng tradisyon ng pakikibaka ng manggagawa sa Timog Katagalugan. Mula sa pahirap sa pagtatayo ng unyon dahil sa patakarang No Union, No Strike policy, Assumption of Jurisdiction laban sa welga at extrajudicial killings sa ilalim ng rehimeng US-Arroyo, walang takot at buong-tapang na hinarap ng mga manggagawa ng EMI-Yazaki ang mga balakid na buwagin ang kanilang tunay na unyon. Nagpatuloy sa pag-oorganisa ng iba pang pagawaan at industriya sa rehiyon ang mga lider-manggagawa ng EMI-Yazaki.

Tinindigan rin ng unyon ang interes ng mga manggagawa sa bawat Collective Bargaining Agreement (CBA) at panggigipit ng kapitalista. Mulat na hindi kusang ipagkakaloob ng kapitalista ang mga karapatan at benepisyo, inambag ng unyon ang pag-ani ng malalaking benepisyo at taas-pasahod mula 2006. Hindi rin tumigil ang unyon sa pagsilbi sa mga manggagawa nang mawala ang pagiging Sole and Exclusive Bargaining Agent (SEBA) nito mula 2021.

Sa harap ng tumitinding krisis sa kabuhayan, pagsirit ng presyo ng pangunahing bilihin, at pag-atake sa mga karapatan ng manggagawa, nakikiisa ang ANGLO-KMU sa panawagan ng SM-EMI-IND sa:

• Pagsulong ng P1,200 na nakabubuhay na sahod para sa lahat ng manggagawa;
• Paglaban sa wage distortion;
• Pagwawakas sa matagal nang kontraktwalisasyon at pagsusulong ng regularisasyon at seguridad sa trabaho;
• Pagsusulong ng tunay na representasyon at demokratikong partisipasyon ng kasipian; at
• Pagpapabuti ng benepisyo, healthcare, at retirement package.

Ang laban ng SM-EMI-IND ay laban ng mga manggagawa ng ANGLO-KMU at ng buong uring manggagawa. Naniniwala kami na sa tunay na unyon ang magtataguyod sa dignidad, seguridad, at karapatan ng bawat manggagawa at kanilang pamilya.

Kaya sa paparating na Certification Election, ipagtagumpay natin ang tunay, palaban, at makabayang unyon. Itayo ang tunay na mga unyon ng manggagawa na magsusulong ng interes ng mga manggagawa sa sahod, trabaho, at karapatan!

IBOTO ANG SM-EMI-IND!

TUNAY NA UNYON SA EMI YAZAKI, MULING IBALIK!

SAHOD, TRABAHO, AT KARAPATAN, IPAGLABAN!

17/06/2026
17/06/2026
Ngayong Mayo, kasabay ng pagkilala sa uring manggagawa, ating ginugunita ang buhay at pakikibaka ng dakilang lider-mangg...
14/05/2026

Ngayong Mayo, kasabay ng pagkilala sa uring manggagawa, ating ginugunita ang buhay at pakikibaka ng dakilang lider-manggagawa at makabayang mambabatas na si Crispin “Ka Bel” Beltran.

Bilang kampeon ng uring anakpawis, buong buhay niyang ipinaglaban ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa. Malaki rin ang naging ambag ni Ka Bel sa pagsusulong ng pagkakaisa ng mga manggagawa at mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo laban sa neokolonyalismo at dayuhang pandarambong. Nagsilbi rin siya bilang unang tagapangulo ng International League of Peoples’ Struggles sa pagkakatatag nito noong 2001.

Ang Crispin B. Beltran Resource Center (CBBRC), kasama ang iba’t ibang organisasyon, ay gugunitain ang ika-18 anibersaryo ng pagpanaw ni Ka Bel at ika-25 anibersaryo ng ILPS:

📅Mayo 20, 2026, 9:00 AM
📍Plaza Miranda, Quiapo, Manila
Pag-aalay ng bulaklak sa harap ng bas relief ni Ka Bel

📅Mayo 23, 2026, 9:00 AM-12:00 NN –
📍IFI Conference Hall
Tatalakayin sa isang hybrid forum ang kasaysayan, mga aral, at mga hamon sa anti-imperyalistang paglaban!

Dumalo at makiisa sa paggunita sa buhay at pakikibaka ni Ka Bel, at sa patuloy na pagsusulong ng laban para sa karapatan at kagalingan ng uring manggagawa at mamamayan!


BUKAS NA  ! 🔻📣
30/04/2026

BUKAS NA ! 🔻📣

1️⃣ TULOG NA LANG, NA!

Maghanda. Itiklop na ang mga banner. I-rolyo ang mga flag. Isalansan ang placards.

Matulog ng maaga. Magbaon ng pamalit at pamunas ng pawis. Magdala ng payong, tubig, pamaypay.

Dahil bukas MARTSA NA! Mga ka-manggagawa at kababayan, TARA NA! MAGKAPIT-BISIG, MAGMARTSA, MAGPROTESTA NGAYONG MAYO UNO!

6:00 AM - Espana Blvd cor. Vicente Cruz
9:00 AM - Mendiola

30/04/2026

"PANAHON NA, PARA MAGISING TAYO!" 📢

Panoorin, Gilbert Escueta ng Globesco Free Workers Union - ANGLO - KMU hinihimok ang mga kapwa manggagawa at iba pang sektor na gumising na at kumilos sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa bukas, May 1. 🔥



Address

13C Kamias Road, Brgy. Pinyahan
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ANGLO KMU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to ANGLO KMU:

Shortcuts

Share

Category