13/08/2026
โฝ๐ด๐ฑ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ช๐, ๐๐๐ก๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ง๐๐๐๐ฆ๐ง๐! ๐๐จ๐ช๐๐ ๐ก๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐ก๐๐๐๐ช๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐๐ข๐!
Habang nagkakandahirap ang manggagawa sa taas ng presyo ng pagkain, kuryente, pamasahe at iba pang batayang pangangailangan, abala ang DOLE sa pagpapalusot, pananahimik at pagprotekta sa interes ng mga kapitalista.
Ang โฑ85 dagdag-sahod sa ilalim ng Wage Order No. 27 ay hindi dapat nakabitin. Hindi ito pabor. Mas lalong hindi ito limos. Ito ay bunga ng pakikibaka ng manggagawa at dapat nang ipatupad!
At dahil ipinagpaliban at hinarangan ito ng mga kapitalista at ng sistemang pabor sa kanila, malinaw ang aming panawagan: IPATUPAD ANG โฑ85! I-RETRO ANG DAGDAG-SAHOD!
Walang manggagawa ang dapat mawalan ng kahit isang sentimo dahil sa TRO, palusot at turuan ng mga ahensya ng gobyerno. Kung kailan dapat natatanggap na ng manggagawa ang dagdag-sahod, saka naman ito hinaharangan. Kaya dapat i-retroactive ang โฑ85 mula sa orihinal na petsa ng bisa ng Wage Order No. 27.
Malinaw ang tunay na mukha ng admininstrasyon ni Marcos Jr: kapag manggagawa ang humihingi ng dagdag-sahod, napakaraming hadlang; kapag kapitalista ang humihingi ng proteksyon, NAPAKA bilis ng serbisyo!
Kaya huwag nang magkunwari ang DOLE na tagapagtanggol ng manggagawa. Kung tunay kayong maka-manggagawa, ipatupad ninyo ang Wage Order No. 27 at tiyaking buo at retroactive ang โฑ85 dagdag-sahod!
Ang ganitong sistema ng pagtatakda ng sahod ay matagal nang bulok! Ang Regional Wage Boards ay naging mekanismo upang panatilihing mababa ang sahod at hati-hatiin ang lakas ng manggagawa sa bawat rehiyon.
๐๐๐๐ฎ๐ด๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ช๐ฎ๐ด๐ฒ ๐๐ผ๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐! ๐๐ฝ๐ฎ๐๐๐ฝ๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด โฝ๐ญ๐ฎ๐ฌ๐ฌ ๐๐๐ ๐๐๐ฌ ๐๐๐ฉ๐๐ก๐ ๐ช๐๐๐ ๐ก๐ข๐ช ๐ก๐!
Mga manggagawa, lalu nating palakasin ang pagkakaisa at paglaban! Kung hindi ibibigay ang dapat sa atin, manggagawa mismo ang maniningil!
โฑ85 DAGDAG-SAHOD, IPATUPAD AT I-RETRO!
WAGE ORDER NO. 27, IPATUPAD NGAYON!
BUWAGIN ANG REGIONAL WAGE BOARDS!
โฑ1,200 FAMILY LIVING WAGE, IPAGLABAN!
MANGGAGAWA, MAGKAISA! MANGGAGAWA, MANINDIGAN!
โฑ85