27/11/2023
๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ช๐ ๐ก๐ ๐ก๐๐ฅ: ๐ ๐๐๐๐๐๐ฆ๐, ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ง๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐ข๐!
๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ!
๐๐๐๐ผ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐ ๐๐๐พ๐๐๐ผ๐๐ ๐๐๐ - ๐๐พ๐, ๐๐ผ๐๐ผ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ ๐๐๐ 200 ๐ฟ๐ผ๐๐ฟ๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐๐ฟ ๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐ฝ๐ผ๐ฝ๐ผ ๐๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐!
ANG WIN โ NCR ay tugon sa pangangailangan na magkaisa ang manggagawang Pilipino para isulong at ipaglaban ng kagyat ang dagdag-sahod sa panahon na patuloy na tumataas ang presyo ng bilihin, mataas na inflation rate at sa hindi makabangon ang kalakhan ng mga Pilipino mula sa lockdown ng pandemya kung saan marami ang nawalan ng trabaho at maraming nagutom dahil sa kawalan ng sahod. Ang WIN-NCR bilang isang campaign network ay layunin ang mga sumusunod:
1. Magkaroon ng PHP 200 dagdag sahod bilang 'immediate wage relief' upang kahit paano ay matugunan ang napakalayo ng agwat ng tunay na halaga ng minimum na sahod sa NCR sa mataas na konsumo o cost of living ng bawat manggagawang Pilipino.
Sa matagal na panahon, hirap umahon sa kahirapan at kagutuman ang mga Pilipino.
Mula sa panahon ng lockdown ng pandemya, marami ang nawalan ng trabaho at nagsara na mga negosyo. Sadyang napilitan ang maraming mga Pilipino na gumawa ng mga paraan para magkaroon ng dagdag na pambili ng mga batayang bilihin at serbisyo tulad ng pagkain, tubig, kuryente at pambayad ng renta sa mga inuupahang bahay.
Sa ilalim ng bagong administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, napakataas pa rin ng inflation rate na umaabot na ng 8.7% noong Enero 2023. Sa NCR ang sahod ay nasa PHP 570 hanggang 610. Kalahati lamang ito ng tunay na cost of living kada araw na PHP 1,200 na pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino. Mas mababa ang pasahod sa ibang rehiyon at pinakamasahol ay sa BARMM na PHP 316 lamang.
Hindi na nakakabuhay ang sahod na binibigay sa mga manggagawa, kaya bilang kagyat na tulong sa bawat manggagawang Pilipino nananawagan kami sa lahat ng mga manggagawa at mamamayang Pilipino na makiisa sa panawagang PHP 200 dagdag sahod bilang immediate relief. Kabilang sa mga panawagan ay ang mga sumusunod:
- Magkaroon ng mga malawakang konsultahan at mga talakayang manggagawa kaugnay ng tinatanggap na sahod sa lath ng linya at sektor ng paggawa.
- Magpost ng ating mga pahayag at hinaing para sa panawagang dagdag sahod gamit ang hashtag: !
- Mamahagi ng mga polyeto patungkol sa dagdag sahod PHP 200 immediate relief
- Itulak sa Senado at Kamara ang PHP 200 dagdag sahod na kahingian ng mga manggagawa sa NCR.
2. Magkaroon ng PHP 1,200 family living wage ang bawat manggagawa sa pamamagitan ng pagtaas ng tunay na halaga ng sahod. Dahil sa mataas na cost of living sa Pilipinas, kinakailangang tiyakin na ang bawat pamilyang Pilipino ay mayroong karampatang family living wage.
Umaabot na sa PHP 1,200 ang cost of living ng pamilya. Sa pangkabuuan, umaabot sa humigit-kumulang PHP 27,000 ang buwanang gastos ang pamilya na mayroong limang miyembro. Dapat itong makamit sa pagkuha ng tunay na halaga ng sahod ng mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng national minimum wage kung saan tiyak na hindi mapupuwersa ang bawat miyembro ng pamilya, kagaya ng mga anak, sa pagtrabaho o paghinto ng pag-aaral para lamang makaraos sa taas ng bilihin. Ipanawagan sa Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na maglabas ng Executive Order para sa PHP 1,200 FLW.
3. Ilantad ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB bilang isang ahensiya ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi kinakailangan sa Pilipinas dahil pinagiiba-iba nito ang sahod ng mga manggagawa sa mga rehiyon, samantalang pareho lamang ang mga pangangailangan ng mga manggagawa sa kabuan gayundin pareho lamang ang cost of living at presyo ngmga bilihin at gastos sa mga serbisyo sa buong bansa.
๐๐๐ฎ๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฃ๐๐ง๐๐๐จ๐ ๐๐ค๐ฌ โ ๐๐พ๐ ๐ ๐๐จ๐๐ข๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐โ๐ฉ-๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก, ๐๐ง๐ช๐ฅ๐ค, ๐ค๐ง๐๐๐ฃ๐๐จ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ, ๐ข๐๐๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ง๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐ช๐ฃ๐ฎ๐ค๐ฃ, ๐ฅ๐๐๐ง๐๐ ๐, ๐๐จ๐ ๐ฌ๐๐ก๐๐๐๐ฃ, ๐ค ๐ ๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐๐ค๐๐ฎ๐๐ง๐ฃ๐ค ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐จ๐ ๐ช๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ข๐ฅ๐ค๐ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐๐-๐จ๐๐๐ค๐ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ ๐ง๐๐จ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฉ๐๐๐จ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐ง๐๐จ๐ฎ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐ช๐๐ช๐๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐จ๐๐๐ค๐ ๐จ๐ ๐๐ช๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐จ๐.