29/03/2026
Ang pinakamalaking pagsasayang ng oras ay ang makipagtalo sa mga die-hard na tagasuporta ni Ferdinand Marcos Jr., mga taong ang katapatan ay hindi nakabase sa prinsipyo or sa kabutih ng lahat, kundi sa pera, suhol, at pansariling kapakinabangan. Para sa kanila, ang katotohanan, ebidensya, at lohika ay sagabal lang sa pagtatanggol ng kanilang paniniwala. Kahit ipakita mo sa kanila ang malinaw at kumpirmadong katotohanan, hahayaan nilang baluktutin or balewalain ito para lang magmukhang tama sila. Ang kanilang pakikipagtalo ay hindi tungkol sa pag-unawa sa realidad o paghahanap ng katotohanan; tungkol ito sa kanilang ego, pagiging ‘tama,’ at pagpapanatili ng ilusyon ng moral or intelektwal kuno. Ang pakikipagtalo sa kanila ay hindi magbubunga ng maganda, nagmumula ito sa sunud-sunod na pagtanggi, manipulasyon, at katigasan ng ulo, kung saan ang katotohanan ay naiisantabi para sa personal na katapatan at kapakinabangan lalo na sa pera . Sa huli, ang pakikipagtalo sa kanila ay hindi usapan, kundi isang pagsasayang lng ng enerhiya at paalala na ang ilang isipan ay hindi matataasan ng ebidensya, bulag sa kasakiman, pride, at walang pinipiling katapatan.”