Workers Motorcycle Riders Association - WMRA

Ang WMRA ay samahan ng mga manggagawang riders at ng mga tagasuporta nilang nakikiisa sa laban para sa karapatan, seguridad, at disenteng kabuhayan sa industriya ng transportasyon.

17/06/2025

In a big win for workers and trade unions, the International Labour Conference (ILC) has agreed to develop a binding Convention, supplemented by a Recommendation, to secure decent work in the platform economy. The decision marks the first global commitment by governments, employers and workers to es...

Pahayag-PampublikoIpinanawagan ang Mahigpit na Implementasyon ng Global na Kasunduan para sa Karapatan ng Platform Worke...
17/06/2025

Pahayag-Pampubliko

Ipinanawagan ang Mahigpit na Implementasyon ng Global na Kasunduan para sa Karapatan ng Platform Workers

Quezon City, Hunyo 17, 2025 — Ikinatuwa ng Workers' Motorcycle Riders Association (WMRA) ang naging desisyon ng International Labour Organization (ILO) na magsimulang bumuo ng isang internasyunal na kasunduan (binding Convention) na magbibigay ng malinaw at makatarungang batayan para sa karapatan at proteksyon ng mga manggagawa sa platform economy.

“Hindi kami mga ‘partner’—kami ay mga manggagawa,” pahayag ni Ka Mico, tagapagsalita ng WMRA. “Panahon na para kilalanin kami bilang tunay na bahagi ng lakas paggawa, hindi disposable o invisible.”

Nanawagan ang WMRA sa gobyerno ng Pilipinas na aktibong makilahok sa proseso ng ILO at tiyakin na ang mga bagong pamantayang ito ay maisabatas at maisakatuparan sa lokal na antas. Dagdag pa ng WMRA, lalawak pa ang kanilang kampanya upang magmulat, mag-organisa, at ipaglaban ang mga karapatan ng riders at iba pang manggagawa sa industriya ng logistics at delivery.

In a big win for workers and trade unions, the International Labour Conference (ILC) has agreed to develop a binding Convention, supplemented by a Recommendation, to secure decent work in the platform economy. The decision marks the first global commitment by governments, employers and workers to es...

TULA ng RayderSa likod ng helmet, pawis ay patak,Kasabay ng andar, kaba ay di tiyak.Motor ko'y hindi laruan ng aliw, ito...
12/06/2025

TULA ng Rayder

Sa likod ng helmet, pawis ay patak,
Kasabay ng andar, kaba ay di tiyak.
Motor ko'y hindi laruan ng aliw, ito'y kabuhayan sa araw-araw na saliw.

Gulong ng dangal sa kalsadang magulo,
Sa init at ulan, patuloy ang serbisyo.
Di lang Ako tagahatid o taga-abot,
Ako'y manggagawang may panawagang lubos.

Sa bawat pagreno, sigaw ang hinaing,
Sahod na nakabubuhay, benipisyo'y dinggin.
Hindi Kami app lang na kayang burahin,
Kami'y may buhay, may karapatang kamtin.

Kaya kapwa rayder, tayo'y magkaisa,
Itaas ang tinig, Huwag matakot lumaban.
Motor ay sandata, sama-sama'y lakas,
Organisado tayong hahawi sa bukas!

10/06/2025

ANTI-NCAP SLOGANS:
1. "Ibasura ang NCAP!"
2. "NCAP, Pahirap sa Manggagawa!"
3. "Hindi Disiplina ang Paniningil!"
4. "Makataong Trapiko, Hindi Camera!"
5. "Walang Due Process, Walang Hustisya!"
6. "No to NCAP! Yes sa Karapatan!"
7. "Hindi Kami ATM ng MMDA!"
8. "NCAP = Negosyo, Hindi Serbisyo!"
9. "Rider Ako, Hindi Kawatan!"
10. "Protektahan ang Motorista, Hindi Perahan!"
11. "Systema, Ayusin -- Huwag Kami ang Singilin!"

Mula sa wmra member. Kasalukuyang kami nandito sa UP Diliman nakikiisa sa Stop NCAP Coalition para ipakita sa gobyerno a...
02/06/2025

Mula sa wmra member. Kasalukuyang kami nandito sa UP Diliman nakikiisa sa Stop NCAP Coalition para ipakita sa gobyerno ang sama-samang lakas.

No to NCAP!

01/06/2025

Address

13-C Kamias Road
Quezon City
1102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Workers Motorcycle Riders Association - WMRA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share