University Hotel Worker's Union

University Hotel Worker's Union Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from University Hotel Worker's Union, Labor Union, #16 West Avenue, Quezon City.

10/09/2026

PAX SILICA, TUTULAN! LABANAN! HUWAG PAHINTULUTAN!

Habang patuloy na ibinabaon sa mababang pasahod, kawalan ng tiyak na trabaho, at mataas na presyo ng bilihin ang mga manggagawa, panibagong porma na naman ng pangingialam at pagnanakaw sa ating pambansang yaman ang isinusulong sa ilalim ng tinaguriang Pax Silica.

Sa ilalim ng balatkayong pag-unlad, high-tech manufacturing, at economic security, ibinibigay ng pamahalaan ang napakalawak na lupain sa New Clark City, Tarlac sa mga interes ng dayuhang kapital. Ngunit dapat nating itanong nang buong linaw: para kanino ba talaga ang proyektong ito? Ang pagtatayo ng industrial hub na ito ay malaking banta sa ating mga magsasaka at pagpapalayas ng mga Aeta mula sa kanilang ancestral domain. Kasabay nito ang pagwasak sa ating mga kagubatan at ang paglamon ng napakalaking supply ng kuryente at tubig na lalo lamang magpapalala sa umiiral na krisis sa kalikasan. Nais din ng kasunduang ito na manatili tayong tagatustos lamang ng murang lakas-paggawa habang minimina ang ating mga kritikal na mineral tulad ng nickel at tanso para sa napakalaking tubo ng mga dayuhang korporasyon.

Bukod dito, ang Pax Silica ay hindi nakadisenyo para sa tunay na pambansang industriyalisasyon kundi bilang kasangkapan ng Estados Unidos sa kanilang pakikipag-agawan ng kapangyarihan at teknolohiya laban sa ibang malalaking bansa. Ginagawa lamang tayong pain at base militar at pang-ekonomiyang interes ng mga dayuhan habang ipinapakain sa kanila ang ating likas na yaman.

Ang kailangan ng mga manggagawa at mamamayan ay tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon na naglilingkod sa taumbayan.

Ibasura ang Pax Silica. Alisin ang base militar ng US.
Junk VFA! Junk EDCA!


17/08/2026

UNAHIN ANG KAPAKANAN NG MANGGAGAWA, HINDI NG MGA KAPITALISTA! 85 PESOS, IBIGAY NA AT I-RETRO! IBASURA ANG TRO!

Muling kinukundina ng Sandigang ng Manggagawa ng Quezon City ang pagsasawalang-kibo at patuloy na pag-iwas at pagpapalusot ng DOLE sa ilalim ni Francisco Tolentino at ng gobyerno ni Bongbong Marcos para linlangin at patuloy na paasahin ang mga manggagawa sa 85 pesos na dagdag sahod.

Napakamakatwiran na ipatupad agad ito lalo na sa tindi ng kahirapan at mataas na presyong mga pangunahing bilihin na kinakaharap ng mga manggagawa at ng kanilang pamilya sa araw-araw. Ngunit, tila hindi ito batid ng mismong gobyerno ni Marcos Jr. at hinahayaan lang nila na patuloy na patagalin ang pagbibigay ng dagdag-sahod sa mga tunay na lumilikha ng yaman ng mga kapitalista. Pinapatunayan lamang ng mga delay na ito na ang kanilang panig ay nasa interes ng kapitalista at hindi sa mamamayan at manggagawang Pilipino. Mumo na nga ang Php 85 dagdag-sahod, pinagkait pa ito sa manggagawang Pilipino. Hindi matatamis na pangako ang kinakailangan ng mga manggagawa, kung hindi aksyon na ipatupad ang Wage Order No. 27 at i-retro ang dagdag-sahod sa lahat ng manggagawa ng NCR.

Muli't muli, hindi titigil ang Sandigan ng Manggagawa ng Quezon City na itirik ang paglaban ng manggagawa kasama ang iba pang batayang sektor ng lipunan para ipaglaban ang nakakabuhay na sahod na Php 1,200. Kailangan ilantad ang anti-manggagawa na mga pakana ng Korte, ng DOLE, at ng gobyerno ni Marcos Jr. para hindi makamit ng manggagawa ang kanilang batayang karapatan sa nakabubuhay na sahod. Gamitin ang sama-samang lakas ng boses ng manggagawa para ipaglaban ang dagdag-sahod.

Manggagawa bigkisin ang hanay: Bawiin at ipaglaban ang 85 pesos na dagdag-sahod!

17/08/2026

PAHAYAG NI KMU CHAIRPERSON JEROME ADONIS SA PAGKILOS NG MGA MANGGAGAWA SA DOLE NGAYONG ARAW

"Tolentitig, luluwa na mata mo kakatunganga! Lalong nailalantad ang pagpanig mo sa mga kapitalistang ganid sa tubo sa bawat araw na wala kang ginagawa para ipatupad ang dagdag-sahod. Hindi namin kailangan ng lungkot mo, ang kailangan namin aksyon!โ€

- Jerome Adonis, KMU Chairperson hinggil sa kawalang-aksyon ng DOLE sa pagpapatupad ng PHP85 dagdag-sahod

BASAHIN ANG BUONG PAHAYAG ๐Ÿ”— https://kilusangmayouno.com/tol-save-your-tears-for-the-pillow-kmu/

07/08/2026

UNIVERSITY HOTEL WORKERSโ€™ UNION HINGGIL SA TRO SA PHP 85 DAGDAG-SAHOD

Hindi namin kailangan ng simpatiya, kailangan namin ng paninindigan at agarang aksyon!

Nakakainsulto sa uring manggagawa ang marinig kay DOLE Secretary Francis Tolentino ang salitang "malungkot ako" habang ipinagpapaliban ang kakarampot na โ‚ฑ85 na umento. Ang halagang ito ay hindi pa nga sapat upang tugunan ang walang humpay na pagsirit ng presyo ng mga bilihin at iba pang batayang pangangailangan, ngunit ngayon ay ipinagkakait pa sa mga manggagawa.
Ang DOLE ay hindi dapat maging tahimik na tagasunod lamang. Bilang pangunahing ahensyang may mandatong pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa, inaasahan naming ipaglaban nito ang aming karapatan sa makatarungang sahod, hindi ang manatiling tagamasid habang inuuna ang interes ng iilan.

Hindi kami mabubuhay sa simpatya. Hindi kami mabubusog sa pangakong "hayaan na lang ang husgado ang magpaliwanag." Ang kailangan namin ay agarang pagpapatupad ng umento at tunay na living wage.
Patuloy kaming maniningil, kikilos, at lalaban. Sapagkat ang karapatan sa makatarungang sahod ay hindi dapat ipagpaliban, lalo na't araw-araw na ipinapasan ng mga manggagawa ang krisis sa kabuhayan.

Makibaka! Huwag matakot! Living wage, ipaglaban!

02/08/2026

BBM = BIHASANG BUMUDOL NG MANGGAGAWA

Sa halip na tiyakin ang pagpapatupad ng wage hike, hinayaan ng administrasyong Marcos Jr. na muling mabimbin ang karampot na dagdag-sahod ng mga manggagawa.

Sa pangunguna ng Readycon Trading and Construction Corporation at R-II Builders, Inc., isinampa ang petisyon upang ipasuspinde ang pagpapatupad ng wage hike sa NCR.

Ito ay malinaw na pagtatangkang unahin ang tubo ng malalaking negosyo kaysa sa karapatan ng milyun-milyong manggagawa sa disenteng sahod.

PANAWAGAN SA LAHAT! ALL OUT MOB FOR THE WAGE SUSPENSION HEARING

Agosto 3 (Lunes)

Kondukta:
- 8:00 AM โ€“ Assembly sa Plaza Rizal, harap ng Pasig Church

Kasama natin sa pagkilos ang iba pang mga unyon at organisasyon ng paggawa. Panawagan ito sa mga manggagawa, kabataan, maralitang komunidad, taong simbahan, propesyunal at lahat ng demokratikong sektor.

Kapag ang sahod ng manggagawa ang inaatake, tungkulin ng buong sambayanan na lumaban!!

Ipaglaban ang wage hike!
Ibasura ang wage suspension!
Makibaka! Huwag matakot!

02/08/2026

Tingnan ang panayam sa isang miyembro ng University Hotel Workers Union hinggil sa paglahok sa SONA ng Bayan noong Hulyo 27!

๐˜ผ๐™ฃ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™š๐™ก ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™–๐™œ๐™–๐™ฌ๐™– ๐™จ๐™– ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ก๐™ช๐™ ๐™ช๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ข๐™ฅ๐™š๐™–๐™˜๐™๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™๐™š๐™–๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™ž ๐™Ž๐™–๐™ง๐™– ๐˜ฟ๐™ช๐™ฉ๐™š๐™ง๐™ฉ๐™š? ๐Ÿ‘ทโ€โ™‚๏ธโš™๏ธNaglunsad ng talakayan ang Ky...
16/07/2026

๐˜ผ๐™ฃ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™š๐™ก ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™–๐™œ๐™–๐™ฌ๐™– ๐™จ๐™– ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ก๐™ช๐™ ๐™ช๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ข๐™ฅ๐™š๐™–๐™˜๐™๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™๐™š๐™–๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™ž ๐™Ž๐™–๐™ง๐™– ๐˜ฟ๐™ช๐™ฉ๐™š๐™ง๐™ฉ๐™š? ๐Ÿ‘ทโ€โ™‚๏ธโš™๏ธ

Naglunsad ng talakayan ang Kyusi 4 Truth and Accountability sa mga manggagawa ng University Hotel hinggil sa impeachment ni Sara Duterte. Kaugnay sa talakayan ang kanilang pagtingin sa 85 pesos na dagdag sahod sa mga manggagawa at konsultasyon sa kanilang lagay kung sasapat ba ito sa mga manggagawa. Pero ang sagot ay: LIMOS AT BARAT ang dagdag na 85 pesos na dagdag sahod para sa kanila.

Kaya dapat lang na may boses ang manggagawa sa impeachment dahil pera ng bayan ang nilulustay ng mga kurakot. Sa panahon ng matinding kahirapan at kawalang serbisyong panlipunan ay mahalaga ang sama-samang pagkilos ng manggagawa at ng sambayanang pilipino. Hindi dapat tumigil ang pagpapanagot sa bise-presidente at ipanawagang lahat ng sangkot, dapat managot, hanggang tuktok!

"Historic" daw ang โ‚ฑ85 wage increase sa NCR? Historic ang pambabarat sa sahod ng manggagawa! Habang patuloy na sumisirit...
07/07/2026

"Historic" daw ang โ‚ฑ85 wage increase sa NCR? Historic ang pambabarat sa sahod ng manggagawa!

Habang patuloy na sumisirit ang presyo ng bilihin, pamasahe at iba pang pangunahing pangangailangan, โ‚ฑ85 lang ang idinagdag sa sahod ng mga mangagawa ng administrasyon ni Marcos Jr., sa mukha ng bagong DOLE Secretary na si Francis Tolentino. Paano magiging makasaysayang ito kung ni hindi nga ito umabot ng isang daan at hinati hati pa ang pagpapatupad nito. Historic ang pambabarat sa sahod ng mga manggagawa sa NCR -- 85 pesos lamang ang dinagdag at hinati pa ito, habang libo ang nadadagdagan sa aming mga yutilidad at araw-araw na pangangailangan.

Mas masakit isipin na habang patuloy na lumalaki ang nakamkam na salapi at limpak limpak na kita ng mga nasa kapangyarihan at malalaking negosyo, kaming mga mangagawa na sivang nagpapatakbo sa ekonomiva ay patuloy na pinagkakaitan ng sahod na sapat para sa marangal na pamumuhay.

Hindi naming kailangan ng mga salitang "historic" kung hindi naman nito tunay na binabago ang aming kalagayan. Hindi ito makasaysayan. Ang makasaysayan ay ang araw na kikilalanin ang
dignidad ng paggawa sa pamamagitan ng taas sahod na sapat para sa disente at marangal na pamumuhay. Ang tunay na historic ay pagpapatupad ng P1,200 Family Living Wage sa buong bansa - ito ang nakabubuhay para sa aming mga pamilya. Handa kaming mga manggagawa na gawin ang makasaysayang hakbang ng sama-samang paglaban para igiit ang aming karapatan para sa nakabubuhay na sahod, regular na trabaho, at karapatan sa pag-uunyon.


Address

#16 West Avenue
Quezon City
1104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when University Hotel Worker's Union posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category