29/06/2026
Isang Malungkot at Mapitagang Pagpupugay mula sa Buong FAMILIA
Kami, ang buong pwersa ng 911 SURREÑOS TST 13 – Quiapo Territory, ay nagpapahayag ng aming taos-pusong pakikiramay at huling pagpupugay para sa ating kapatid na si ALAS BADZ🕊️
(13th Disciple – Temple Street, Quiapo Territory)
Pinasasalamatan namin ang bawat sandali, bawat lakas, at ang walang katulad na katapatan na inialay mo sa ating teritoryo at kapatiran. Hindi mabubura ang iyong pangalan at ang iyong naging kontribusyon sa ating hanay.
Ang iyong paglisan ay nag-iiwan ng puwang sa aming mga puso, ngunit ang iyong alaala ay mananatiling buhay sa bawat sulok ng Temple Street.
Respeto't pagmamahal mula sa buong FAMILIA
Hanggang sa Muli Alas BADZ🫱🏼🫲🏻🫡
🚨911 SURREÑOS TST 13💎
Quiapo Territory