UP Cinema

UP Cinema Tayo ang Pelikula. Founded on February 25, 2004, UP Cinema is a student film organization based in the UPD CMC.

17/04/2026

HUMABOL NA! 🏃‍♂️🎬

Ngayon ang huling araw para mag-apply sa Pelikolektibo Critics Workshop! ✍️👀 Halina’t linangin ang inyong boses bilang mga kritiko at palalimin ang inyong mga pananaw at pag-unawa sa pelikula 🎥🔥

Huwag nang magpatumpik tumpik pa! Boom karakaraka na! 💥📩

Bisitahing ang link upang mag-apply: pov.upcinema.org/pelikolektibo





🎨: Cyrene Navalta

12/04/2026
10/04/2026

you seem pretty makulay for a film so kalampag… pero hanggang kailan mo itatago? 🎬💥

Last call na for POV Collegiate Entries. Don’t miss your shot. Baka ito na ang comeback mo 😉

Submit now. Before it’s too late. 📣❗️

pov.upcinema.org/submit



10/04/2026

LF: High School Student 🏫, preferably ung mahilig magsulat ng kritik 👨‍💻✍️.

Location? UP Diliman, QC.

Budget? Libre lang!!! 🥰

Isa ka bang mag-aaral mula sa high school na may hilig sa pagsulat ng kritik ng pelikula?

Magpasa na sa Pelikolektibo at baka ma-meet mo na rin ang nga valuable at pangmalakasamg mga kritiko sa industriya ng pagpepelikula.🫣 Maaaring mapabilang sa 10 mapipiling high school critics na mabibigyan ng hands-on mentorship! ❤️

Deadline ng pagpapasa ay sa April 17, 2026!

Para mag-apply, bisitahin ang pov.upcinema.org/pelikolektibo





🎨: Ea Plasabas

PAHAYAG NG UP CINEMA UKOL SA PAGDIRIWANG NG ARAW NG KAGITINGANNgayong araw, ipinagdiriwang natin ang Araw ng Kagitingan ...
09/04/2026

PAHAYAG NG UP CINEMA UKOL SA PAGDIRIWANG NG ARAW NG KAGITINGAN

Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang Araw ng Kagitingan bilang paggunita sa pagbagsak ng Bataan noong 1942 at ang Martya ng Kamatayang kumitil sa mahigit 10,000 Pilipinong parte ng humigit-kumulang 76,000 na mga bihag-ng-digmang buong giting na pinagtanggol ang bayan sa mga mananakop. Ang araw na ito ay hindi basta pagsindi ng kandila sa mga namatay, kundi isang malagim na paalala sa’tin ng kasaysayan — sa kahalagahan ng giting sa harap ng lumalalang pangdaigdigang sitwasyon — na panghawakan ang kolektibong paglaban ng mamamayan laban sa mga nag-aastang diktador, sa atin mang sariling bakuran o sa malawak na entablado ng mundo.

Sa kasalukuyan, kinakaharap ng mamamayang Pilipino ang tumitinding sosyo-ekonomikong krisis: mataas na presyo ng langis dulot ng walang habas na gyerang agresyon ng Estados Unidos sa Iran, na agad na nagpasirit ng presyo ng mga bilihin, kawalan ng sapat na tugon mula sa pamahalaan, at ang patuloy at napakalaking tanong sa usapin ng ating pambansang soberanya.

Sa ganitong kalagayan, kailangang nating itanong: ano ang ibig sabihin ng kagitingan?

Sa matagal na panahon, pinagkaitan tayo ng isang pambansang kamalayan dulot ng monopolyadong pagkontrol ng dayuhan sa industriya ng pagpepelikula sa bansa. Nanindigan tayo, mapa-hanggang ngayon, matayo lang ang isang pambansang kamalayan na anti-kolonyal at alternatibo, nang maikuwento natin ang ating mga kuwento sa ating sariling pamamaraan.

Hangga’t wala tayong tunay na kalayaan, hangga’t sunud-sunuran tayo sa hampas ng dayuhan, hindi magkakaroon ng Pilipino at maka-Pilipinong mga naratibo.

Bilang mga manggagawang pelikula at pangkultura, bilang mga iskolar ng bayan, hindi tayo hiwalay sa lumalalang krisis ng bansa.Buong giting na magpatuloy na magkwento, maglantad, at tumindig laban sa lahat ng uri ng pang-aapi — dayuhan man o tuta ng dayuhan.

STOP THE US WAR MACHINE! CONDEMN THE US MILITARY EXPANSION IN THE PHILIPPINES!

  to Tinulala 2026 🥳Last March 14, Cinemasters came together to celebrate UP Cinema’s 22nd anniversary with party games,...
09/04/2026

to Tinulala 2026 🥳

Last March 14, Cinemasters came together to celebrate UP Cinema’s 22nd anniversary with party games, talent showcases, laughter, and everything in between! 🎬💃🪩

Nights like these remind us that beyond films, what truly makes UP Cinema special are the people who continue to shape it year after year.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng gabing ’to, at sa lahat ng Cinemasters who continue to keep this community alive. Here’s to many more years together. ❤️🎬



photos by: ali sultan, wilza sahagun, dustin laguna

09/04/2026
07/04/2026

Totoo na talaga ‘to…😓

May ISANG ARAW 😱 nalang kayo para mag-submit sa Collegiate Category!!! Magpapatalo pa ba kayo? Hindi talagaaaa 🙅

Magsubmit gamit ang link na ito: http://pov.upcinema.org/submit





🎨: Ainsley

06/04/2026

GOODNESS GRACIOUS!! 😓 Baka nawala na kami sa isip niyo ah 😔

May DALAWA ✌️ pa kayong araw para mag-edit at mag-submit sa Collegiate Category!!!

Huwag na maghintay pa ha? Mag-submit na kayo!!! 🤩

Magpasa gamit ang link na ito: pov.upcinema.org/submit





🎨: Ainsley

Pahayag ng UP Cinema ukol sa illegal na pag-aresto kay Charlize “Ceeka” Garzon Marahang kinukundena ng UP Cinema ang ili...
04/04/2026

Pahayag ng UP Cinema ukol sa illegal na pag-aresto kay Charlize “Ceeka” Garzon

Marahang kinukundena ng UP Cinema ang iligal na pag-aresto kay Charlize “Ceeka” Garzon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Marso 29. Hindi pa natatapos ang Women’s Month, panahong dapat ipinagdiriwang ang lakas ng kababaihan, ngunit isa na namang boses ang marahas na pinatahimik.

Ano ang kapalit ng pagsisilbi sa bansa—karahasan, tortyur, at tahasang paglabag sa karapatang pantao? Sino ang tunay na terorista: ang artist-activist na nagsusulong ng tunay na repormang agraryo, o ang militar na nang-aabuso at nagpapalayas sa mga Mangyan-Buhid mula sa kanilang lupang ninuno sa Mindoro?

Ano ang katotohanan kung pilit itong tinatabunan ng mga gawa-gawang naratibo?

Hindi na bago sa pagpepelikula na ang katotohanan ay hindi laging buo. Sa labas ng lente, sa labas ng apat na gilid ng screen, may mga reyalidad na hindi lubusang makunan—ngunit sa tunay na buhay, ang pagkakait ng katotohanan ay isang anyo ng karahasan. Sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr., ang mga abusong ito ay patuloy na pinapabango at pinagtatakpan.

Ang krisis na kinakaharap ng bayan ngayon ay lantarang patunay ng pagpapasawalang-bahala ng mga nasa kapangyarihan sa mga mamamayang dapat nilang pinaglilingkuran. Ito ay bunga ng sistematikong pagpapabaya at panunupil.

Para saan ang pagpepelikula kung hindi para sa tao?

Lagi’t lagi, tayo ang pelikula.






References:
https://www.bulatlat.com/2026/04/03/family-rights-groups-slam-mindoro-artist-activists-illegal-arrest/
https://www.manilatimes.net/2026/04/03/regions/group-calls-for-release-of-artist-activist/2313256

Maging maingat tayo sa mga pinaniniwalaan nating diyos na nagkatawang-tao— mga nagdeklara sa sarili nila bilang likas na...
03/04/2026

Maging maingat tayo sa mga pinaniniwalaan nating diyos na nagkatawang-tao— mga nagdeklara sa sarili nila bilang likas na mapagbigay sa mga nanlilimos ng awa.

Habang hinihintay ang muling pagkabuhay ni Kristo, ilan ito sa mga mungkahing pelikulang maghuhubad sa barong at abito ng mga mistulang tagapagligtas upang ibunyag na sila pala ang pipilantik sa likod ng kanilang deboto, at magpapako sa kanila sa krus kasama ang kanilang mga pangako.

Basahin ang buong rebyu ng CCC rito: https://boxd.it/TDIt6


Niluwal ng iba’t ibang panahon, mula sa iba’t ibang lupalop ng daigdig, ngunit pinagbubuklod ng iisang tinig: ang kababa...
31/03/2026

Niluwal ng iba’t ibang panahon, mula sa iba’t ibang lupalop ng daigdig, ngunit pinagbubuklod ng iisang tinig: ang kababaihan ay hindi limitado sa dikta ng lipunan.

Narito ang ilang mungkahing pelikula ng CCC bilang paalala na ang pakikibaka natin sa kalayaan ay hindi dapat magtapos kasabay ng Buwan ng Kababaihan! ❤️‍🔥

Basahin ang buong rebyu rito: https://boxd.it/TAldy


Address

Plaridel Hall, College Of Mass Communication, University Of The Philippines Diliman
Quezon City
1101

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 6pm
Saturday 9am - 6pm
Sunday 9am - 6pm

Telephone

+639175745588

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Cinema posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to UP Cinema:

Share