11/09/2026
PAHAYAG NG UP AKAY SA ILIGAL NA PAG-ARESTO AT PANANAKIT NG PUWERSANG ESTADO SA MGA PEASANT ADVOCATES, MANGGAGAWANG KULTURAL, AKTIBISTANG ESTUDYANTE, KATUTUBONG GRUPO AT MGA KASAMANG MAYKAPANSANAN
Kami, ang UP Alyansang para sa Maykapansanan Para sa Mapagpalayang Lipunan (UP AKAY), bilang isang komunidad ng mga disability self-advocates at aktibista, ay mariing kinukundena ang iligal na pag-aresto at pang-haharass ng estado sa isang iglap-protesta laban sa Pax Silica sa Hyatt Manila ngayong araw, Setyembre 10, 2026. Kasama sa mga ilegal na naaresto ay isang aktibistang maykapansanan at isang kakampi sa laban para sa disability justice.
Ayon sa KARAPATAN, pagkatapos inaresto ang mga paralegal na sina Yang, Peralta, at Castor sa Taguig City Police Station, ang mga paralegal na rumesponde sa kasong ito na sina Juliano at Placido, ay ilegal na inaresto rin dahil lamang sa paggiit sa karapatan ng kanilang mga kapwa paralegal.
Pinagpupugayan ng UP AKAY ang mga aktibistang kasama sa laban na ito. Naninindigan kami na hindi tama ang pang-aabuso ng kapangyarihan, harassment, at pag-atake sa mga higit sa limangpung aktibista, at sa ilegal na pag aresto ng limang paraligal. Nakikiisa kami sa kilusang masa na nananawagan para sa agarang paglaya ng mga bilanggong pulitikal, at sa panawagan para proteksyon ng karapatang mag protesta. Nakikiisa din kami sa mga komunidad na nananawagan na ibasura ang Pax Silica na pinamumunuan ng Estados Unidos para sa kanilang adyenda sa AI supply chain.
Hindi lamang nais ng Pax Silica ang magkamkam ng lupa ng mga 20,000 Aytas, panukala din nito ang makapinsala sa mga karatig niyang komunidad sa pamamagitan ng pag-agaw ng supply ng kuryente at tubig na gagamitin sa kanilang mga data center at pang-industriyang gamit. Sa mga pumapalibot, ito rin ay magmimina ng mga yamang lupa, magbubungkal ng mga bundok, at magkakalbo ng gubat na makakapinsala sa kapaligiran. Itong pangambang wash out sa mga pamayanan ng Ayta, kasama na ang sunod-sunod na pagkamkam ng ating mga likas na yaman sa ngalan ng “development”, ang lahat ng iyon ay magdudulot lamang ng dagdag salanta at pagyurak sa ating mahirap na ngang pasanin. Dagdag pa riyan ang mga paglason at panganib na dulot sa kalikasan ng mga naiwang produkto mula sa mga pagbibitak at pagmimina ng mga industriyang mapagkamkam. Mga sakuna, kalamidad, at matinding temperatura gawa ng krisis sa klima, na pinalala pa ng mga malawakang pagmimina at tuloy-tuloy na pagtayo ng mga data centers, lahat ng iyon ay higit na mas nakakaapekto sa mga taong Maykapansanan.
Sa kamakailang protesta, idinidiin namin ang mga karahasang dulot ng “Maximum Tolerance” ng Philippine National Police na dumadagdag lamang ng kapahamakan at pinsala sa ating mga komunidad. Sa isang pahayag ng Kalikasan, “Multiple protesters sustained visible injuries, including swollen and bandaged hands and arms, abrasions, bruising on limbs and face, and trauma from shields rammed into their bodies and blows from batons following the violent clearing operations and arrests at the protest site.” Para sa komunidad ng mga Maykapansanan, ang mga pagpinsala sa mga espasyo para sa bukas, ligtas, at malayang pagsalungat at pagsubali ay lumalabag sa Disability Justice dito sa Pilipinas, gawa ng tagubilin ng aming tagline na “walang tungkol sa amin kung wala tayo."
Masakit ring makita na iniiwasiwas ng mga miyembro ng Philippine National Police ang kanilang mga pinsala—mga pinsala na ipinalabas sa mainstream na midya upang makakuha ng simpatiya ng masa, habang hinahayaan ang karahasang ipinapataw nila sa mga taong bayan na tumutunggali sa Pax Silica. Pinapalabas na ang pagprotekta sa sarili ng mga aktibista ay kasalanan, kontra sa katotohanan na makatarungang lumaban sa karahasang sinusuportahan ng pamantasan, mga paglabag sa mga karapatang pantao, at pagpapabaya ng gobyerno.
Sa aming nakikita, itong pa-ulit-ulit na pang-aabuso sa kapangyarihan at pagbabaluktot ng naratibo sa balita at social media ay kawangis ng mga nangyari noong Setyembre 21 nitong nakaraang taon kung saan sinaktan at inaresto ang mga nagprotesta. Marami sa kanila ay mga kabataan, maykapansanan, at mula sa mga maralitang lungsod na araw-araw dinaranas ang kapalpakan ng mga polisiya at pamumuno na patuloy na isinasantabi ang mga taong itinuturing na puwedeng isantabi. Ang mas nakababahala pa rito ay kung paanong wala pa ring pag-uulat sa mga Pilipino tungkol sa mga tiyak na mga detalye ng kasunduan sa Pax Silica, kahit na ito ay isiniwalat na mula pa noong nakaraang taon. Ang madalas ay hindi nila pinapansin ang mga katanungan natin o kaya naman ay binibigyan ng mga paligoy-ligoy at malalabong mga sagot na umiiwas sa mismong mga pagsisiyasat.
Sumasama kami sa paghingi ng tulong pampiyansa sa limang paralegal na ilegal na inaresto. Inaanyayahan namin ang lahat na magpaabot ng donasyon sa mga account sa ibaba kung kakayanin at ipakalat ang mga QR code upang makamit ang kailangang pondo.
-
UP AKAY STATEMENT ON THE ILLEGAL ARREST AND HARASSMENT OF PEASANT ADVOCATES, CULTURAL WORKERS, STUDENT ACTIVISTS, INDIGENOUS GROUPS, AND FELLOW DISABLED BY STATE FORCES
We, UP Alyansang Para sa Maykapansanan Para sa Mapagpalayang Lipunan (UP AKAY), as a community of disability self-advocates and activists, fervently condemn the illegal arrests and harassments committed by state forces during a lightning rally against Pax Silica in Hyatt Manila this September 10, 2026. Among them was a Disabled activist and a Disability Justice ally.
According to KARAPATAN, right after the arrest of paralegals Yang, Peralta, and Castor at the Taguig City Police Station, respondents to the arrest Juliano and Placido, who are paralegals as well, were unlawfully detained for merely representing their associate’s legal rights.
Commending the involved activists, UP AKAY stands firmly against state violence. We condemn in the highest possible terms the flagrant abuse of power in the harassment and assault of over fifty activists, and illegal arrests of five paralegals. We stand with the greater mass movement in calling for the immediate release of political prisoners and the protection of their right to protest. We stand with the communities at large in their call to reject the US-led Pax Silica agreement and its agenda to secure the global AI supply chain.
Not only does Pax Silica stand to dispossess 20,000 Aytas of their ancestral lands, it will also harm the surrounding communities by siphoning electricity and water away from these areas for data centers and industrial use. Elsewhere, it will also extract critical minerals and make mountains barren of flora and fauna. This looming displacement of Ayta communities, along with the insistent push to extract from the environment in the name of “development” will bring disabling and debilitating consequences for all of us. Furthermore, extractive industries like large-scale mining produce toxic/hazardous tailings where they operate, causing widespread injury and illness in nearby communities where they operate. Disasters, calamities, toxification, and extreme temperatures due to the climate crisis, exacerbated by large-scale mining and rapid building of data centers, all of which disproportionately affect Disabled people more.
In the recent protest, we articulate the harassment imposed by the Philippine National Police’s “Maximum Tolerance” that has only eventuated to much more harm and incapacitation in our communities. In a statement by Kalikasan, “Multiple protesters sustained visible injuries, including swollen and bandaged hands and arms, abrasions, bruising on limbs and face, and trauma from shields rammed into their bodies and blows from batons following the violent clearing operations and arrests at the protest site.” For the Disability community, harming spaces for expressing dissent openly, safely, and freely, erodes Disability Justice in the Philippines, following our tagline “nothing about us, without us.”
We also find it offensive that members of the Philippine National Police have displayed their own injuries to the mainstream media as a ploy to gain sympathy from the people while neglecting to show the violence inflicted on protesting activists. This frames self-defense by protesters, against the inflicted by the police and blue guards, as criminal. In fact, to fight against state sponsored violence, human rights violations, and government neglect is just.
From what we can see, this repeated abuse of authority and attempts to shift the narrative using mainstream and social media are eerily similar to the events during the September 21 protests last year where protesters were physically abused and detained. Many of them were children, disabled people, and from the urban poor who directly experience the everyday consequences of policies and governance that continue to disregard the welfare of people categorized as “neglectable”. What is even more concerning is how Filipinos are still kept in the dark with the terms of the Pax Silica agreement despite already being rolled out since last year, and that any forms of inquiry are either not entertained or skirted around with vague answers.
We are joining the call for bail support for the five paralegals illegally arrested. We encourage everyone to donate through the following channels if they are able to and/or share the QR codes provided to raise funds.
ALT TEXT provided in each image