29/05/2026
Bilang bahagi ng paggunita ng Mental Health Awareness Month ngayong Mayo, inaanyayahan ng Kythe Foundation ang mga magulang at tagapag-alaga sa isang makabuluhang FB Live webinar na pinamagatang “Kalmadong Koneksyon: Gabay sa Pagharap sa Stress para sa mga Magulang ng Pasyente.”
Sa gitna ng pag-aalaga at pagharap sa hamon ng gamutan, mahalagang mabigyan din ng oras at pag-unawa ang sariling emosyon at kalusugang pangkaisipan ng mga magulang. Sa webinar na ito, tatalakayin ang mga simpleng paraan ng self-regulation at co-regulation upang makatulong sa pagharap sa stress, pagod, takot, at matitinding emosyon habang sinusuportahan ang anak sa panahon ng karamdaman.
Sama-sama nating pag-usapan kung paano makakahanap ng kalma, koneksyon, at suporta sa gitna ng laban—dahil kapag ang magulang ay may ligtas na espasyo at paghinga, mas naipaparamdam din nito ang seguridad at pag-aaruga sa bata.
Tara at samahan kami sa isang usapang puno ng pag-unawa, pag-asa, at pagdamay.
Ang webinar na ito ay handog ng AIA. 🫶