06/09/2026
𝗙𝗼𝗿𝘂𝗺 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘄𝗶𝗸𝗮 2026: 𝗧𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗘𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗚𝗘𝗠-𝗣𝗡𝗨 𝗣𝗼𝗿𝗺𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗜𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝗴.
Matagumpay na isinagawa ngayong araw, Setyembre 5, 2026, ang Forum Pangwika: “𝗘𝘀𝗽𝗮𝘀𝘆𝗼, 𝗕𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗱, 𝗮𝘁 𝗧𝘂𝗻𝗴𝘂𝗵𝗶𝗻—𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝘀𝗶𝗽𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗞𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼” matapos ilipat sa Alternative Delivery Mode dahil sa masamang panahon at malakas na pag-ulan dulot ng habagat.
Nakasentro ang talakayan sa mga usapin tungkol sa espasyo, balakid, at tunguhin ng wikang Filipino, kabilang ang mga hamong kaugnay ng 𝗥𝗲𝗳𝗿𝗮𝗺𝗲𝗱 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝘂𝗿𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘂𝗺 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗼𝗻𝗲𝗻𝘁 (RGECC) sa edukasyon ng bansa.
Ang talakayan ay pinangunahan ng susing tagapagsalita na si 𝗗𝗼𝗸. 𝗠𝗶𝗰𝗵𝗮𝗲𝗹 𝗗. 𝗣𝗮𝗻𝘁𝗲. Kung saan inilihad niya na hindi sapat ang kaalaman kung walang paninindigan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pag-uugnay ng mga akademikong talakayan sa aktuwal na karanasan at mga kalagayang kinahaharap ng lipunan.
Sinundan naman nito ng Katuwang na Dekano ng Fakulti ng mga Wika at Literatura na si 𝗗𝗼𝗸. 𝗝𝗼𝗲𝗹 𝗖. 𝗠𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝗻. Ang kaniyang punto ay kaugnay ng pangangailangang maghanda at kumilos sa harap ng mga hamon sa Filipino at Panitikan sa ilalim ng RGECC. At sa huli ay nag-iwan siya ng makabuluhang tanong, “𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬? 𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝?”
Matapos ito, sinimulan ni 𝗗𝗼𝗸. 𝗠𝗮. 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮 𝗖𝗼𝗹𝗶𝘀 ang malaman na pagbabahagi ng paksa na tumitingin sa iba’t ibang lente. Aniya hindi kailangang pag-awayin ang Filipino, English, at mga wikang rehiyonal dahil may kanya-kanyang lakas at gamit ang mga ito. Pinahalagahan din niya ang planadong paggamit ng wika upang mapalawak ang access at mapalalim ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sinundan ito ng pagbabahagi ng Katuwang na Dekano ng Fakulti ng Pangkalahatang Edukasyon at Pangkaranasang Pagkatuto na si 𝗗𝗼𝗸. 𝗩𝗼𝗹𝘁𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗻𝘂𝗲𝘃𝗮. Ipinaliwanag niya na ang Filipino ay hindi lamang tungkol sa gramatika at kakayahang lingguwistiko. Aniya mahalaga ang sama-samang pagkilos ng mga institusyon upang mapalawak ang espasyo ng Wikang Filipino sa iba’t ibang larangan.
Huling nagpahayag naman si 𝗣𝗿𝗼𝗽. 𝗝𝗼𝘀𝗲 𝗠𝗮𝗿𝗶 𝗠. 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗺𝗹𝗮𝗺 na mula sa Fakulti ng Agham, Teknolohiya at Matematika. Binigyang-diin niya ang pagiging praktikal sa paggamit ng Filipino, lalo na sa pagpapaliwanag ng mga konseptong matematikal. Ayon sa kaniya, hindi kailangang isalin ang bawat terminong matematikal; maaaring gamitin ang Filipino upang gawing mas malinaw at madaling maunawaan ang mga komplikadong ideya.
Matapos ang malaman na pagbabahagi ng mga tagapagsalita, nagbahagi ng pahayag ang Pangulo ng 𝗞𝗔𝗗𝗜𝗣𝗔𝗡, 𝗔𝗻𝗴𝗲𝗹𝗶𝗰𝗮 𝗛. 𝗗𝗲𝗺𝗮𝘁𝗲. Dito ay mariin niyang inilatag ang paninindigan ng kapisanan at sinabing naniniwala ito na posible ang reporma—ngunit ang repormang iyon ay hindi dapat maging pagbubuwal sa karapatan ng mga mag-aaral na matuto nang malalim at ng mga g**o na magturo nang marangal.
Kaugnay ng pagbabahagi ng mga tagapagsalita, inilunsad din ang 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗼𝘃𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗡𝗨 (GEM-PNU) bilang pagpapalawak ng espasyo at pagkilos sa loob ng pamantasan. Nagkaroon din ng nominasyon para sa mga magiging convenor na magsisilbing mga kinatawan ng 𝗚𝗘𝗠-𝗣𝗡𝗨 at tagapagpatuloy ng mga layunin nito.
Naging daan ang 𝗙𝗼𝗿𝘂𝗺 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘄𝗶𝗸𝗮 upang mapalalim ang pagtalakay sa espasyo, balakid, at tunguhin ng Wikang Filipino sa edukasyon at lipunan. Ipinakita rin ng mga tagapagsalita na ang kinabukasan ng Filipino ay nangangailangan hindi lamang ng kaalaman, kundi ng sama-samang pagkilos, pagsusuri, at paninindigan.
Nagtapos ang Forum sa panawagan na patuloy na 𝐩𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧, 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭𝐢𝐧, at 𝐢𝐭𝐚𝐠𝐮𝐲𝐨𝐝 ang Wikang Filipino bilang mahalagang bahagi ng edukasyon, kultura, at paghubog ng makabuluhang kamalayan.