09/07/2026
🦅 BAGUMBAYAN EASTERN RIZAL REGION VIII 🦅
REGIONAL ASSEMBLY MEETING & TEAM BUILDING 2026
“How good and pleasant it is when God’s people live together in unity!”
— Psalm 133:1
Ang Regional Assembly ay hindi lamang isang pagpupulong—ito ay pagkakataon upang lalo nating patatagin ang ating Brotherhood, Leadership, at Commitment to Service.
Inaanyayahan namin ang lahat ng Regional Officers, Club Presidents, at mga miyembro ng Bagumbayan Eastern Rizal Region VIII na makiisa sa ating Regional Assembly Meeting & Team Building 2026.
Sama-sama nating pag-usapan ang mga plano para sa ating Rehiyon, magbahagi ng mga ideya, at higit sa lahat, patibayin ang ating pagkakaisa bilang magkakapatid sa The Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles, Inc.
Nawa’y magsilbing inspirasyon sa atin ang Salita ng Diyos:
“Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisa na dulot ng Espiritu sa pamamagitan ng bigkis ng kapayapaan.”
— Efeso 4:3
Magkita-kita tayo at sama-sama nating ipagpatuloy ang ating adhikaing “Service Through Strong Brotherhood.”
United in Brotherhood. Committed to Service. Guided by God.
Mabuhay ang Bagumbayan Eastern Rizal Region VIII! 🦅🇵🇭🙏