24/05/2026
Muling umarangkada ngayong araw ang Liwanag Kyusi Kalinga Caravan Para sa mga Tsuper. Umikot sa iba't ibang lugar sa QC District 1, District 2, at District 4 ang mga LK volunteers upang magpamahagi ng mga KALINGA BAGS na may lamang sari-saring gulay at mga itlog na maalat sa mga jeepney at tricycle driver. Kabilang sa mga nabahaginan ang mga tsuper sa Batasan TODA, Commonwealth Avenue, Doña Juana TODA, Brgy. Sikatuna Village TODA, at Bago Bantay TODA.
Ang Kalinga Caravan ay relief effort sa ilalim ng Calamity Preparedness and Response program ng Liwanag Kyusi. Adhikain nito ay makapagbigay ng agarang tulong sa mga komunidad na apektado ng mga krisis at kalamidad.
Nagpapasalamat kami sa mga kasamang tumindig sa panahon ng pangangailangan:
Ms. Joanne Kelly Javier
Mr. Berbo Jinno Benitez
Mr. & Mrs. Roel & Elena Rullan
Sa mga nais magpaabot ng tulong (cash or in-kind) at sa mga gustong maging bahagi ng aming mga advocacies and initiatives, maaari po kayong magpadala ng message dito sa aming page.
Patuloy tayong lumaban, tumindig, at magbahagi ng liwanag.
Photo credits: Roel Rullan Jr., Qwyn Rivera, Veronica Peralta, Xavier Jadulco, Gari Calvendra
Angat Buhay