18/07/2026
๐ต๐ญ BLESSED MOVEMENT INC.๐ต๐ญ
Maganda ang mga programa ng BLESSED MOVEMENT INC., pero ang tagumpay nito ay nasa ating lahat.
Mga BLESSED Officers at Members, tandaan natin na ang isang organisasyon ay hindi lamang umiikot sa paghihintay ng mga benepisyo. Ang tunay na lakas ng samahan ay nakikita kapag lahat ay nagtutulungan, nakikilahok, at nag-aambag.
๐ Huwag tayong maging "benefit seekers"** lamang.
๐ Maging "nation builders" at "community builders."
Ang bawat orientation na ating ina-attendan, bawat bagong miyembrong ating naiimbitahan, bawat proyektong ating sinusuportahan, at bawat oras na ating inilalaan ay malaking ambag sa paglago ng ating organisasyon.
Tandaan natin:
โ
Kung sama-sama tayong kikilos, mas mabilis darating ang mga resulta.
โ
Kung bawat isa ay may ambag, mas maraming Pilipino ang matutulungan.
โ
Ang benepisyo ay bunga ng sama-samang pagsisikap, hindi ng simpleng paghihintay.
Kaya mga Kasamang BLESSED, huwag lang tayong magtanong ng "Ano ang makukuha ko?" Mas mahalagang itanong natin, "Ano ang maiaambag ko para mas maraming Pilipino ang maabot ng BLESSED?"
Kapag nagtulungan ang Officers at Members, walang imposible.
๐ Together We Build. Together We Serve. Together We Are BLESSED.๐ต๐ญ๐ฅฐโคโ