Unang Hakbang Foundation Inc.

Unang Hakbang Foundation Inc. We help children from very poor communities nurture their ability to expand their life options and become the best they can be.
(1)

We mentor, empower, and inspire them to succeed. For contributions:
GCASH: 09618790502, Angelica G. Bank name: Philippine National Bank
Account name: Unang Hakbang Foundation Inc. Account number: 1231 7000 8138

For contributions from outside the Philippines:
Bank Swift Code: PNBMPHMM
Branch Code: 1231
Bank Address: 471 Shaw Blvd., Highway Hills, Mandaluyong City, Philippines

Isang pagpupugay sa lahat ng kabataan sa buong mundo! πŸŒπŸ’™Ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayanβ€”kayo ay katuwang s...
12/08/2026

Isang pagpupugay sa lahat ng kabataan sa buong mundo! πŸŒπŸ’™

Ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayanβ€”kayo ay katuwang sa paghubog ng mundo ngayon. πŸ’ͺ🌱
Happy International Youth Day! 🫢
Kabataan, may boses. Kabataan, may kakayahan. Kabataan, may ambag.

Kabataan, may boses. Kabataan, may lakas. Kabataan, may kakayahang magbago. πŸ’—βœŠ

Ngayong International Youth Day, ipinagdiriwang natin ang tapang, talento, at malasakit ng bawat kabataan na patuloy na nakikilahok at kumikilos para sa kanilang kapwa at komunidad.

Sa Pinagsamang Lakas ng Kabataan (PILAK), naniniwala kami na ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayanβ€”kasama tayo sa paghubog ng kinabukasan ngayon.

Patuloy tayong makilahok, magsalita, makinig, at kumilos. Dahil kapag pinagsama-sama ang ating lakas, mas malaki ang pagbabago na kaya nating simulan. 🌱✨

Happy International Youth Day, kabataan!

πŸ“š Every child deserves the chance to learn, grow, and succeed. πŸ’™Support the Unang Hakbang Foundation Tutorial Project 20...
26/07/2026

πŸ“š Every child deserves the chance to learn, grow, and succeed. πŸ’™
Support the Unang Hakbang Foundation Tutorial Project 2026–2027 by donating school supplies or making a monetary contribution. Together, we can help young learners build a brighter futureβ€”one child at a time.
Every donation makes a difference. Thank you for being part of their journey! ✨

πŸ’™ Empowering Children Through Their Rights! πŸ§’πŸ‘§Unang Hakbang Foundation is proud to support the Child Rights Discussion a...
22/07/2026

πŸ’™ Empowering Children Through Their Rights! πŸ§’πŸ‘§

Unang Hakbang Foundation is proud to support the Child Rights Discussion and Consultation: In-School Learning Session held at Andres Bonifacio Integrated School (ABIS) on July 20, 2026.

Congratulations and thank you to Pinagsamang Lakas ng Kabataan (PILAK) for leading this meaningful initiative. Nawa'y patuloy kayong maging boses ng bawat bata at isulong ang kanilang mga karapatan.

"Every child has a right. Every child has a voice." πŸ’™

Day 1 | NSTP02 Student Deployment at Unang Hakbang FoundationLast July 4 ( Saturday) successful Day 1 deployment of the ...
07/07/2026

Day 1 | NSTP02 Student Deployment at Unang Hakbang Foundation

Last July 4 ( Saturday) successful Day 1 deployment of the NSTP02 students from the College of Saint Benilde at Unang Hakbang Foundation. The students had the opportunity to meet and interact with 29 UHF children, youth, and parents, creating a warm and meaningful start to their community engagement journey.

The visit served as an orientation and immersion activity where the students listened to the stories, experiences, and aspirations of the families and young learners. Through these conversations, they gained a deeper understanding of the mission and impact of Unang Hakbang Foundation in the community.

As part of their NSTP02 project, the students aim to develop meaningful promotional and advocacy materials that will help amplify UHF’s programs, inspire community participation, and raise awareness about the importance of education, volunteerism, and child and youth empowerment.

We are grateful for this partnership with the College of Saint Benilde and excited to see the creative ideas and heartfelt advocacy outputs that will emerge from this collaboration. Together, we continue to build bridges of hope and opportunities for every child and young person we serve.

Thank you, Benildean volunteers, for choosing to walk with Unang Hakbang Foundation in making a differenceβ€”one story, one child, and one step at a time. πŸ’™πŸ“šβœ¨



.

πŸ“š Support a Child's Journey to Learning! πŸ’™Every child deserves the opportunity to learn, grow, and succeed. Through the ...
29/06/2026

πŸ“š Support a Child's Journey to Learning! πŸ’™

Every child deserves the opportunity to learn, grow, and succeed. Through the Unang Hakbang Foundation Community Peer Tutorial Program 2026–2027, we provide free reading, writing, and mathematics tutorials to help young learners recover from learning loss and build a strong foundation for the future.

You can make a difference by donating school supplies or through a monetary contribution. Every donation helps equip our learners with the resources they need to thrive.

Together, let's give every child their Unang Hakbang toward a brighter future. ❀️

πŸ‡΅πŸ‡­ Happy Independence Day! πŸ‡΅πŸ‡­Sa pagdiriwang ng kalayaan ng ating bayan, nawa'y patuloy nating mahalin, igalang, at pagli...
12/06/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ Happy Independence Day! πŸ‡΅πŸ‡­

Sa pagdiriwang ng kalayaan ng ating bayan, nawa'y patuloy nating mahalin, igalang, at paglingkuran ang Pilipinas. Sama-sama tayong magtulungan upang makabuo ng mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat batang Pilipino.

Maligayang Araw ng Kalayaan! β€οΈπŸ’™πŸ’›

Pagbati mula sa Unang Hakbang Foundation, Inc. ✨

πŸŒ§οΈπŸ“š UHF Pampanga Centers Recognition Day 2026 πŸŽ“βœ¨Noong Hunyo 5, 2026, matagumpay na naisagawa ang Recognition Day Celebra...
08/06/2026

πŸŒ§οΈπŸ“š UHF Pampanga Centers Recognition Day 2026 πŸŽ“βœ¨

Noong Hunyo 5, 2026, matagumpay na naisagawa ang Recognition Day Celebration ng ating mga Pampanga Centers sa Bale ning Pandacaqui (Pandacaqui, Mexico), Bale ning San Isidro (Bacolor), at Bale ning Sta. Teresa (Lubao) bilang pagtatapos ng ating 12-Day Community Summer Peer Tutorial Program.

Kahit na maulan ang panahon, hindi ito naging hadlang upang maipagdiwang ang tagumpay ng ating mga mag-aaral at peer tutors. Punong-puno ng saya, galak, at pasasalamat ang araw na ito habang sama-samang ipinagdiriwang ang kanilang mga natutunan at pagsisikap.

Malaking pasasalamat sa ating mga partner barangay at sa Star Touring Motorcycle Club Philippines sa kanilang pagbibigay ng school supplies para sa ating mga kabataan. Ang ilan sa mga natitirang school supplies mula sa kanilang 60th National Charity Ride Celebration ay naipamahagi sa ating mga benepisyaryo. Dahil dito, ang ating 42 Peer Tutors ay nakatanggap ng mga school bags at karagdagang school supplies mula sa Unang Hakbang Foundation, habang ang ating 105 Tutees/Learners ay nabigyan naman ng school supplies sa tulong ng ating mga partner barangay.

Nagkaroon ng maikli ngunit makabuluhang programa kung saan ginawaran ng pagkilala ang 105 mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 3 bilang pagkilala sa kanilang matagumpay na pagtatapos ng 12 araw na tutorial sessions. Nagbigay rin tayo ng Certificates of Appreciation sa ating mga partner barangay bilang pasasalamat sa kanilang patuloy na suporta sa edukasyon ng mga bata.

✨ π‘¨π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’˜π’‚π’• π’ƒπ’‚π’•π’‚π’π’ˆ 𝒏𝒂𝒕𝒖𝒕𝒖𝒓𝒖𝒂𝒏 π’π’ˆπ’‚π’šπ’π’ π’‚π’š π’Šπ’”π’‚π’π’ˆ π’‰π’‚π’Œπ’ƒπ’‚π’π’ˆ π’•π’–π’π’ˆπ’ 𝒔𝒂 π’Žπ’‚π’” π’Žπ’‚π’π’Šπ’˜π’‚π’π’‚π’ˆ 𝒏𝒂 π’Œπ’Šπ’π’‚π’ƒπ’–π’Œπ’‚π’”π’‚π’. 𝑺𝒂 π’ƒπ’‚π’˜π’‚π’• π’”π’‚π’π’Šπ’•π’‚π’π’ˆ 𝒏𝒂𝒃𝒂𝒃𝒂𝒔𝒂, π’‘π’“π’π’ƒπ’π’†π’Žπ’‚π’π’ˆ π’π’‚π’”π’π’”π’π’π’–π’”π’šπ’–π’π’‚π’, 𝒂𝒕 π’‘π’‚π’π’ˆπ’‚π’“π’‚π’‘ 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒃𝒖𝒃𝒖𝒐, π’”π’‚π’Žπ’‚-π’”π’‚π’Žπ’‚ π’π’‚π’•π’Šπ’π’ˆ π’‰π’Šπ’π’–π’‰π’–π’ƒπ’π’ˆ π’‚π’π’ˆ 𝒔𝒖𝒔𝒖𝒏𝒐𝒅 𝒏𝒂 π’‰π’†π’π’†π’“π’‚π’”π’šπ’π’ π’π’ˆ π’Žπ’ˆπ’‚ π’π’Šπ’…π’†π’“ 𝒂𝒕 π’Žπ’‚π’ƒπ’–π’ƒπ’–π’•π’Šπ’π’ˆ π’Žπ’ˆπ’‚ π’Žπ’‚π’Žπ’‚π’Žπ’‚π’šπ’‚π’.

Maraming salamat sa lahat ng ating volunteers, peer tutors, partner barangays, donors, at supporters na naging bahagi ng programang ito. Ang inyong malasakit at pagtutulungan ay nagbibigay ng pag-asa at oportunidad sa mas maraming bata.

Patuloy tayong magtulungan upang maitaguyod ang edukasyon at mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang bawat bata. πŸ’™πŸ“–βœ¨

Maraming salamat din sa ating mga magigiting na staff ng Unang Hakbang Foundation sa mga sentro sa Pampanga na patuloy na nagsisilbi nang may puso at dedikasyon. πŸ’™

πŸ’™πŸ“šπŸŒŸ

Isang matagumpay at makabuluhang selebrasyon ng Pagtatapos ng 12-Day Summer Community Peer Tutorial 2026 ng Mandaluyong ...
04/06/2026

Isang matagumpay at makabuluhang selebrasyon ng Pagtatapos ng 12-Day Summer Community Peer Tutorial 2026 ng Mandaluyong Centers (BNJ & BSF) ng Unang Hakbang Foundation, Inc.!

Sa loob ng labindalawang araw, sama-sama nating nasaksihan ang pag-unlad ng ating mga 95 na mga batang mag-aaral/ Tutees sa kanilang pagbasa, pagsulat, at pagkatuto. Ang programang ito ay hindi lamang naging daan upang mapalakas ang kanilang kakayahan sa akademiko, kundi naging pagkakataon din upang mabuo ang kanilang tiwala sa sarili, disiplina, at pagmamahal sa pag-aaral.

Malaking pasasalamat sa ating mga katuwang at sumusuporta sa programang ito:

βœ“ Barangay Addition Hills Mandaluyong City, sa pangunguna ni Punong Barangay Capt. Carlito Cernal at sa buong Barangay Council;
βœ“Sanggunian Kabataan Sangguniang Kabataan Addition Hills, sa pangunguna ni SK Chairperson JV HoseΓ±a at sa buong konseho, lalo na kay SK Kagawad Sophie Hermosa;
βœ“ Barangay Highway Hills-Mandaluyong, sa pangunguna ni Punong Barangay Maria Corazon De Castro Abalos at sa buong Barangay Council, lalo na kay Kagawad Ria Blanco Apuada
βœ“Sangguniang Kabataan of Brgy. Wack Wack Greenhills East , sa pangunguna ni SK Chairperson Anna Laura L. De Myer;

At sa lahat ng ating magigiting na 41 volunteer Peer Tutors, center heads, magulang, donors, at iba pang indibidwal na naglaan ng kanilang oras, suporta, at malasakit upang maging matagumpay ang programang ito.

Nagkaroon tayo ng pagkakataong kilalanin at gawaran ng parangal ang ating mga learners na matagumpay na nakapagtapos ng programa, gayundin ang ating mga Volunteer Peer Tutors na buong pusong nagbahagi ng kanilang oras, kaalaman, at tiyaga sa pagtuturo sa loob ng 12 araw. Kinilala rin natin ang ating mga partners at supporters na naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng programang ito.

Isa sa mga pinakamasayang bahagi ng programa ay ang pagbabahagi ng ating mga learner/tutee ng kanilang mga karanasan at natutunan. Marami sa kanila ang nagkuwento kung paano sila natutong magbasa nang mas mahusay, magkaroon ng bagong mga kaibigan, at mas maging kumpiyansa sa kanilang sarili. Ibinahagi rin nila ang kanilang pasasalamat sa mga tutor na naging gabay, inspirasyon, at kaagapay nila sa bawat araw ng pagkatuto.

Higit sa lahat, ipinakita ng programang ito na ang kabataan ay may kakayahang maging mga lider at instrumento ng pagbabago sa kanilang komunidad. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, bolunterismo, at malasakit sa edukasyon, mas marami pa tayong batang maaabot at matutulungang magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng 12-Day Summer Community Peer Tutorial 2026. Ang bawat oras na inyong inilaan, bawat aral na ibinahagi, at bawat suportang inyong ibinigay ay nag-iwan ng positibong epekto sa buhay ng ating mga kabataan.

Patuloy tayong magtulungan para sa edukasyon at pag-angat ng ating mga komunidad. Hanggang sa muli, at sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbibigay ng pag-asa at pagkakataon sa bawat batang Pilipino. πŸ’™πŸ“š

πŸ“šβœ¨ Every Word Learned is a Step Toward a Brighter Future! βœ¨πŸ“šSince May 18, the Unang Hakbang Foundation's 12-Day Communit...
30/05/2026

πŸ“šβœ¨ Every Word Learned is a Step Toward
a Brighter Future! βœ¨πŸ“š

Since May 18, the Unang Hakbang Foundation's 12-Day Community Summer Peer Tutorial Program has been empowering young learners across two communities in Mandaluyong and three communities in Pampanga.

Through reading exercises, writing activities, and interactive learning sessions, children entering Grades 1 to 3 are strengthening their basic literacy skills and building a strong foundation for the upcoming school year. Every letter recognized, every word read, and every sentence written reflects growing confidence and meaningful progress in their learning journey.

What makes this program even more inspiring is the dedication of our trained Peer Tutorsβ€”children and youth volunteers who generously share their time, knowledge, and passion for learning. Through peer-to-peer learning, our young learners are guided by mentors who understand their experiences, creating a supportive, encouraging, and relatable environment where learning can thrive.

As we continue our sessions until the first week of June, we celebrate not only the achievements of our learners but also the commitment of our peer tutors, parents, volunteers, and community partners who make this initiative possible.

Together, we are building stronger readers, more confident learners, and brighter futuresβ€”one child at a time. ❀️







Ang ating mga magigiting at matatapang na Batang Leaders ng Unang Hakbang Foundation at Pinagsamang Lakas ng Kabataan - ...
27/05/2026

Ang ating mga magigiting at matatapang na Batang Leaders ng Unang Hakbang Foundation at Pinagsamang Lakas ng Kabataan - PILAK ay naging boses upang ipaalam at ibahagi ang mga isyu at hamong kinakaharap ng kapwa nilang kabataan. Sa pamamagitan ng kanilang tapang, talino, at malasakit, sila ay aktibong nakilahok, nakinig, natuto, at nagbahagi ng kanilang mga pananaw sa ginanap na Philippine National Children’s Meeting noong ika-19 hanggang ika-22 ng Mayo sa The Bellevue Manila. Hindi lamang ito naging pagkakataon upang maipahayag ang kanilang saloobin, kundi isa ring mahalagang hakbang upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman sa karapatan ng mga bata, pamumuno, pakikilahok, at pagbibigay-solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng kabataan sa ating komunidad.
Kami sa Unang Hakbang Foundation ay lubos na ipinagmamalaki ang ating Batang Leaders na patuloy na nagiging inspirasyon at ehemplo ng kabataang may malasakit, paninindigan, at tapang na magsalita para sa kapakanan ng iba.
Patuloy kayong maging ilaw at pag-asa ng susunod na henerasyon.
Ang boses ng kabataan ay mahalaga, at sa bawat hakbang nila, mas pinatitibay nila ang kinabukasan ng bawat batang Pilipino.





Address

161 Lopez-Rizal Street, Highway Hills
Mandaluyong
1552

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 3pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Unang Hakbang Foundation Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Unang Hakbang Foundation Inc.:

Shortcuts

Share