04/08/2026
๐๐๐ฃ ๐ ๐ผ๐๐ผ๐ฟ๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐, ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ ๐ผ๐๐ผ๐ฟ๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ ๐๐ต๐ฎ๐บ๐ฝ๐ถ๐ผ๐ป๐๐ต๐ถ๐ฝ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฆ๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ (๐ฆ๐๐ ) ๐ฅ๐ฎ๐ฐ๐ฒ๐ฟ๐
PARAรAQUE CITY, Philippines โ Inilunsad ng Automobile Association Philippines (AAP) noong Agosto 1 ang 2026 AAP Motorsport Championship, na may mga bagong kategorya at format ng kompetisyon upang matuklasan ang mas maraming mahuhusay na Pilipinong sim racers at mabigyan sila ng pagkakataong makipagsabayan sa internasyonal na entablado.
Kabilang sa mga tampok ngayong taon ang Formula 4, One Make Racing, GT3, Multi-Grid, Rally, Endurance Racing, Influencer vs. Media Race, at All-Women's Edition. Ayon sa AAP, layunin nitong palawakin ang oportunidad para sa mga nagnanais pumasok sa sim racing at mapaunlad ang esports motorsports sa bansa.
Magkakaroon din ng pagkakataong katawanin ang Pilipinas sa Thailand ang mga kampeon sa Formula 4, Pro Class, at One Make Racing. Samantala, mananatiling online ang kompetisyon upang maging mas accessible sa mga kalahok mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Sa pamamagitan ng kampeonato, hangad ng AAP na matuklasan ang mga bagong talento at makapaglinang ng mas maraming Pilipinong sim racers na handang makipagsabayan sa pandaigdigang entablado.
-
Ito ang ๐ข๐ป๐ฒ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐, ang inyong bagong ๐๐ฎ-๐๐ฆ๐ sa tapat na pagbabalita. Nag-uulat para sa nagkakaisang Pilipinas.
Para sa iba pang balita, i-like & follow lang ang One Pilipinas sa Tiktok: .pilipinas, Facebook: , Spotify: One Pilipinas, at YouTube: ๐ต๐ญ