TUCP It was founded on December 14, 1975 by 23
(1)

The Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), with 480,000 members, is the biggest confederation of labor federations in the Philippines both in membership and in number of Collective Bargaining Agreements.

23/08/2026

TULOY ANG LABAN PARA SA DAGDAG-SAHOD SA METRO MANILA, KAHIT SAANG KORTE PA!

WALANG KALIMUTAN sa LABAN natin para IPATUPAD ang ₱85 DAGDAG-SAHOD sa METRO MANILA hindi lang para I-LIFT ang INJUNCTION ng PASIG RTC dahil sa R-II Builders at Readycon, kundi para IBASURA ang KASO sa NAVOTAS RTC na inihain naman ng ALLIANCE OF PHILIPPINE FISHING FEDERATIONS na gusto pang HARANGIN ulit ang UMENTONG NAHARANG na nga!

22/08/2026

DAGDAG-SAHOD SA MGA PROBINSYA, MAGSISIMULA NA!

NEXT WEEK, sisiklab na ang WAGE HIKE PUBLIC HEARINGS sa REGION 4A-CALABARZON at REGION 7-CENTRAL VISAYAS! Pero BAKIT NGAYON LANG?! At huwag tayong paloloko: WALANG MIDYEAR WAGE REVIEW ng DOLE ang MAKAKABURA sa KAILANGANG DAGDAG-SAHOD AGAD sa BUONG BANSA dahil WALA pa sa KALAHATI ng LIVING WAGE ang SAHOD nating mga manggagawa at ordinaryong Pilipino!

21/08/2026

₱98/DAY LANG, HINDI KA NA MAHIRAP?! KAYA PALA PINAKAMABABANG POVERTY RATE!

Saan bang PLANETA galing ang GOBYERNONG nagyayabang na PINAKAMABABANG POVERTY RATE na 9.7% o ISA LANG SA BAWAT SAMPUNG PILIPINO ang mahirap?! Eh mismong gobyerno ang nagsasabing sapat na ang ₱98 KADA ARAW para hindi ka na maituring na MAHIRAP. Sa SOBRANG TAAS NG BILIHIN at SOBRANG BABA NG SAHOD, hindi natin masisisi ang ating mga kababayan kung isipin nilang ISA NA NAMANG NAPAKALAKING KALOKOHAN ang ipinagmamalaking “pinakamababang” poverty rate!

𝐍𝐈𝐍𝐎𝐘 𝐀𝐐𝐔𝐈𝐍𝐎 𝐃𝐀𝐘! 🇵🇭Ngayong Ninoy Aquino Day, sa bisa ng Republic Act No. 9256, na nagdedeklara sa Agosto 21 bilang spec...
21/08/2026

𝐍𝐈𝐍𝐎𝐘 𝐀𝐐𝐔𝐈𝐍𝐎 𝐃𝐀𝐘! 🇵🇭

Ngayong Ninoy Aquino Day, sa bisa ng Republic Act No. 9256, na nagdedeklara sa Agosto 21 bilang special non-working holiday, ginugunita natin ang anibersaryo ng pagpanaw ni dating Senador Benigno “Ninoy” S. Aquino Jr.

43 taon na ang nakalipas mula nang ialay ni Ninoy Aquino ang kanyang buhay para sa kalayaan at demokrasya. Sa kabila ng panganib ng pagkakakulong o kamatayan, pinili niyang umuwi dahil naniniwala siyang ang bayan ay dapat ipaglaban.

Sa araw na ito, inaalala natin ang kanyang buhay, tapang, at sakripisyo. Tulad ng kanyang sinabi, “The Filipino is worth dying for", binibigyang-diin natin na ang manggagawa ay karapat-dapat ding ipaglaban.

ALU NORTHERN MINDANAO HOLDS ALL PRESIDENTS’ MEETING IN CAGAYAN DE ORO CITYNagtipon ngayong araw ang mga Presidente ng As...
20/08/2026

ALU NORTHERN MINDANAO HOLDS ALL PRESIDENTS’ MEETING IN CAGAYAN DE ORO CITY

Nagtipon ngayong araw ang mga Presidente ng Associated Labor Unions (ALU) Northern Mindanao Region sa All Presidents’ Meeting sa Cagayan de Oro City upang talakayin ang mahahalagang usapin ng mga manggagawa at palakasin ang pagkakaisa ng mga labor organizations sa rehiyon.

Dumalo sa pagpupulong si TUCP President at House Deputy Speaker Raymond Democrito Cañete Mendoza, kasama ang mga National Officials ng Associated Labor Unions (ALU), upang makiisa sa talakayan at patuloy na suportahan ang mga manggagawa at kanilang mga organisasyon.

Patuloy na pinagtitibay ng TUCP at ALU ang pagkakaisa ng labor movement at ang pagsusulong ng karapatan, kapakanan, at dignidad ng bawat manggagawa.

Sa pagkakaisa, mas malakas ang boses ng manggagawa.

20/08/2026

ANYARE SA HINARANG NA DAGDAG-SAHOD?! MAGHANDA SA MALAWAKANG PAGKILOS!

ISANG LINGGO pa lang mula nang maglabas ang PASIG RTC ng INJUNCTION o INDEFINITE SUSPENSION laban sa WAGE HIKE SA METRO MANILA. Pero halos KALAHATING BILYONG PISO na ang NAWALA sa bulsa ng higit isang milyong minimum wage earners! Kaya kung patuloy na HAHARANGIN ang DAGDAG-SAHOD natin mula pa JULY 25, kailangan MAGHANDA TAYO para sa MALAWAK at MAPAYAPANG PAGKILOS para iparating ang ating galit at panawagan: IBASURA ang KASO! ISABATAS ang DAGDAG-SAHOD sa BUONG BANSA!

19/08/2026

WALANG PASOK NA NAMAN BUKAS?! BAHA PINALALA NG BUWAYA! KAYA BUMOTO NG TAMA!

WALANG PASOK na naman bukas sa GOBYERNO. Pero sa maraming manggagawa sa PRIBADO? NO WORK, NO PAY! Habang ang bawat manggagawa at ordinaryong Pilipino ay LULUSONG SA BAHA para lang makapasok at kumita, ang mga BUWAYA na nagnanakaw sa kaban ng bayan ay SARAP-BUHAY sa MANSION at LUXURY CARS! Kaya dapat tayong BUMOTO NG TAMA!

TUCP LEADERS VISIT THE WAKE OF SIS. CHIT DODDPinangunahan ni TUCP President at House Deputy Speaker Raymond Democrito Me...
19/08/2026

TUCP LEADERS VISIT THE WAKE OF SIS. CHIT DODD

Pinangunahan ni TUCP President at House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza kasama ang mga opisyal at staff ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pagbisita sa funeral wake ng yumaong TUCP Vice President at CLASS National President Sis. Concepcion “Chit” Dodd.

Sa kanilang pagdalaw, nagpaabot ang TUCP ng pakikiramay at pakikiisa sa pamilya, mga kaibigan, at mga kasamahan ni Sis. Chit sa labor movement.
Isang minamahal na lider, kasamahan, at mapagmahal na ina, iniwan ni Sis. Chit ang isang makabuluhang pamana sa pagsusulong ng kapakanan at karapatan ng mga manggagawa.

Maraming salamat, Sis. Chit, sa iyong walang sawang serbisyo at paglilingkod. Mananatili ang iyong alaala at pamana sa puso ng labor movement.

May your soul rest in eternal peace. 🙏

19/08/2026

WALA NA NAMANG PASOK NGAYON! PERO NO WORK NO PAY PA RIN SA PRIVATE! I-TAG KUMPANYA NIYO!

SUSPENDED na pati IMPEACHMENT kaya naman magkaroon ng KONSIDERASYON at PUSO ang mga BOSS natin sa PRIBADONG SEKTOR dahil walang manggagawa at ordinaryong Pilipino na WATER-PROOF at BAHA-PROOF lalo na HINDI CORRUPTION-PROOF ang Pilipinas!

18/08/2026

DAPAT LIGTAS ANG LAHAT NG PAARALAN PARA LIGTAS DIN MAGTRABAHO!

Ang SCHOOL SAFETY ay hindi lamang usapin ng kaligtasan ng mga estudyante. Usapin din ito ng kaligtasan, kalusugan, at karapatan ng LAHAT NG MANGGAGAWA sa paaralan mula sa TEACHERS, STAFF, GUIDANCE COUNSELORS, CANTEEN WORKERS, JANITORS, hanggang SECURITY GUARDS. Dapat mayroon silang SAPAT NA SAHOD, BENEPISYO, at DISENTENG KONDISYON SA TRABAHO! Dahil ang usapin ng SCHOOL SAFETY ay usapin din ng occupational safety and health (OSH), manggagawa ka man o mag-aaral, WALA DAPAT MAIIWAN sa usapin ng KALIGTASAN!

Address

2nd Floor, TUCP Building, TUCP-PGEA Compound, Elliptical Road, Diliman
Quezon City

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TUCP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to TUCP:

Shortcuts

Share