21/09/2026
WALKOUT | Nakiisa ang UP Variates kasama ang lumalawak na balangkas ng STAT sa ikinasang Walkout noong Biyernes, ika-18 ng Setyembre.
Bilang paghanda sa ika-54 na Martial Law Commemoration, lumabas ang higit 3000 Iskolar ng Bayan upang labanan ang iisang muka ng korapsyon at katiwalian. Bilang pokus, bitbit ng mga Iskolar-estadistiko ng bayan ang nagkakaisang tindig laban sa Pax Silica. Naniniwala kami na hindi kailanman angkop ang ganitong inisyatiba na inuuna ang interes ng mga dayuhan, patay-gutom na investors habang patuloy na kinakamkam ang lupa ng katutubo't magsasaka, walang seguridad sa paggamit sa hilaw na rekurso, at panganib sa sekuridad ng area. Gayundin, isang taon na nang unang paigtingin ang laban sa korapsyon sa porma ng wokawt. Hindi lamang ang hilaw na rekurso at lupa ang ninanakaw ng korapsyon. Saklaw nito ang pagseguro sa kalidad at aksesibleng edukasyon para sa lahat na susi sa kinabukasan ng kabataan at ng sambayanan.
Patuloy na isisigaw ng UP Variates ang panawagang supilin na ang kurapsyon sa kahit anong porma, na dapat simulan sa paniningil at pagpapanagot sa tuta at hari ng korap na si Marcos Jr. Lalaban, muling babaha sa lansangan, at aalingawngaw ang sigaw ng taumbayan laban sa korap at pahirap na rehimen.