25/09/2026
BASAHIN: Noong Setyembre 23, 2026, nagsagawa ng pagbisita at GAD Program ang MCB sa PRRD-KILALA Permanent Shelter, Brgy. Sultan Panoroganan, sa pakikipagtulungan ng Provincial Agriculture Office. Dinaluhan ito ng 25 kababaihang residente ng shelter. Nagkaroon ng lecture tungkol sa BACKYARD GARDENING na may temang "Livelihood Strategies to Promote Women's Economic Empowerment," at namahagi rin ang Provincial Agriculture Office ng buto ng gulay, itak, pala, seedling trays, at pataba para sa mga kalahok. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta! 💚🌱
Sultan Panoroganan
.SultanPanoroganan
𝗕𝗮𝗰𝗸𝘆𝗮𝗿𝗱 𝗴𝗮𝗿𝗱𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴, 𝗶𝘁𝗶𝗻𝘂𝗿𝗼 𝘀𝗮 𝟮𝟱 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝗶𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗣𝗮𝗻𝗼𝗿𝗼𝗴𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴-𝗸𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆𝗮𝗻
Dalawampu’t limang kababaihan mula sa Barangay Sultan Panoroganan, Marawi City ang nabigyan ng kaalaman at panimulang kagamitan para sa backyard gardening bilang posibleng dagdag na pagkain at pagkakakitaan ng kanilang mga pamilya.
Isinagawa noong Setyembre 23,2026 ang Gender and Development (GAD) training ng Marawi Compensation Board (MCB) sa pakikipagtulungan ng Provincial Agriculture Office, na nakatuon sa temang “Livelihood Strategies to Promote Women’s Economic Empowerment.”
Itinuro sa 25 na kalahok ang mga pangunahing kaalaman sa pagtatanim at pag-aalaga ng gulay gamit ang espasyong mayroon sa kanilang mga tahanan. Tinalakay rin ang mga paraan upang mapakinabangan ang backyard gardening hindi lamang para sa sariling konsumo kundi bilang posibleng dagdag na pinagkakakitaan.
Binigyan din ang bawat isa sa 25 beneficiaries ng mga panimulang kagamitan at farm inputs, kabilang ang mga buto ng gulay, itak, pala, seedling trays at fertilizer upang maisagawa agad ang mga natutunan sa kanilang mga tahanan.
Ayon sa Provincial Agriculture Office, nakatakda silang muling bumisita sa shelter upang tingnan ang kalagayan ng mga itinanim na seedlings at kamustahin ang mga benepisyaryo. Kung magiging maayos ang resulta ng unang batch, maaari pang maglaan ng karagdagang supplies para maipagpatuloy ang backyard gardening ng mga kababaihan.
Ito ang unang GAD training na isinagawa ng MCB para sa mga kababaihan sa isang shelter. Matagal na umanong naihain ang panukalang aktibidad ngunit ngayon lamang ito naaprubahan at nabigyan ng pondo.
Bukod sa GAD training, kabilang din sa mga programang isinagawa ng MCB para sa mga komunidad ang mga serbisyong pangkalusugan gaya ng medical mission.
Sa ngayon,sakop ng unang batch ang PRRD-KILALA Permanent Shelter para sa backyard gardening activity na ito ngunit iminungkahi rin ng Provincial Agriculture Office ang posibilidad na mabigyan ng kaparehong pagkakataon ang mga kababaihan mula sa iba pang shelters sa Marawi City. Pag-uusapan at titingnan ng tanggapan ang kanilang kapasidad para sa posibleng pagpapalawak ng programa.
Binuksan din nito ang posibilidad ng pakikipag-ugnayan sa mga organisasyon o grupo na maaaring tumulong sa pag-coordinate ng mga susunod na shelter-based activities, upang mas mapadali ang pag-abot ng agricultural support sa mas maraming kababaihan.
✍📷Ulat at mga kuha ni Najma Daromimbang, S'bang Ka Marawi Reporter