Akbayanihan

Akbayanihan Rooted around the principles of service delivery through participatory, communication and monitoring

  UPDATE: Severe weather effects are expected to expand across the country. Please stay vigilant and prepared.⚠️ Affecte...
07/07/2026

UPDATE:

Severe weather effects are expected to expand across the country. Please stay vigilant and prepared.

⚠️ Affected Areas:

Today (July 7): Effects are felt across most of Mindanao.

Tomorrow (July 8): Impacts will expand significantly to include most of Visayas, parts of Luzon (Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, most of MIMAROPA, most of Bicol, Central Luzon, and most of Metro Manila), and Mindanao.

🚨 Mga Mahalagang Paalala (Safety Reminders):

Makinig sa opisyal na abiso mula sa PAGASA at sa inyong lokal na pamahalaan.

Maghanda ng emergency kit na naglalaman ng sapat na tubig, pagkain, gamot, flashlight, at ekstrang baterya.

Makipag-ugnayan sa inyong barangay para sa mga posibleng evacuation protocols, lalo na kung kayo ay nakatira sa mga low-lying o landslide-prone areas.

Stay safe, everyone!
Monitor the weather closely and share this to keep your loved ones informed.

Ang Akbayanihan Foundation ay buong nakikiramay sa pamilya, mga mahal sa buhay, at sa buong bayan ng Daanbantayan sa pag...
30/06/2026

Ang Akbayanihan Foundation ay buong nakikiramay sa pamilya, mga mahal sa buhay, at sa buong bayan ng Daanbantayan sa pagpanaw ni Konsi Chona De Leon.

Mananatiling buhay ang alaala ng kanyang tapang, malasakit, at walang sawang dedikasyon sa paglilingkod sa komunidad. Sa bawat pamilyang kanyang natulungan at sa bawat boses na kanyang ipinaglaban, nag-iwan siya ng pamana ng tunay na serbisyong may puso.

Maraming salamat, Konsi Chona, sa iyong buhay na inialay para sa kapakanan ng iba. Hindi ka malilimutan.

Nakikiramay kami sa inyong pagdadalamhati. Nawa'y matagpuan ninyo ang lakas at kapanatagan sa panahong ito.

Nakapaghatid po tayo muli ng tulong sa 200 pamilya sa GenSan!Patuloy po ang ating akbayanihan sa mga kababayan nating pa...
29/06/2026

Nakapaghatid po tayo muli ng tulong sa 200 pamilya sa GenSan!

Patuloy po ang ating akbayanihan sa mga kababayan nating patuloy na bumabangon mula sa lindol. Nagpapasalamat pa rin po tayo sa ating mga donors at partners na hanggang ngayon ay nagbibigay tulong sa atin!

Ngayong araw, patuloy tayong naghahatid ng tulong sa ating mga kababayan sa General Santos City, lalo na sa mga komunida...
24/06/2026

Ngayong araw, patuloy tayong naghahatid ng tulong sa ating mga kababayan sa General Santos City, lalo na sa mga komunidad ng Barangay Fatima, Barangay San Jose, Barangay Labangal, Barangay East, at Barangay West.

Sa bawat relief pack at bawat kamay na umaabot, dala natin ang mensahe na hindi sila nag-iisa sa pagbangon.

Hindi pa po tayo tapos. Patuloy pa rin ang ating pagpapaabot ng tulong at marami pa tayong pamilyang kailangang maabot.

Maraming salamat sa lahat ng donors, volunteers, at partners na patuloy na nakikiisa!

Maraming maraming salamat sa lahat ng aming partners, volunteers, at donors!Dahil sa inyong suporta, nakapaghatid tayo n...
23/06/2026

Maraming maraming salamat sa lahat ng aming partners, volunteers, at donors!

Dahil sa inyong suporta, nakapaghatid tayo ng tulong sa General Santos City, Davao Occidental, Sarangani, at Sultan Kudaratβ€”at patuloy pang lumalawak ang ating naaabot.

Hindi pa po tayo tapos! Marami pa ring komunidad ang nangangailangan ng tulong at sama-samang pagkilos.

Tuloy ang ating pag-akbayanihan. ❀️

AKBAYANIHAN SA MINDANAO UPDATE!Walang hanggang pasasalamat po sa ating mga partners at donors na patuloy na naghahatid n...
19/06/2026

AKBAYANIHAN SA MINDANAO UPDATE!

Walang hanggang pasasalamat po sa ating mga partners at donors na patuloy na naghahatid ng tulong mula sa iba't ibang sulok ng Pilipinas at mundo para sa mga kababayan natin sa Mindanao.

Nakapagpadala po tayo ng nagkakahalagang Php794,296.90 na cash at in-kind donations sa mga komyunidad upang makabawi at patuloy na bumangon.

Masayang-masaya po tayo na makapagbahagi ng tulong sa ating mga kasama sa Mindanao. Hindi pa po tayo natatapos dito, dahil tuloy tuloy po ang ating pag-aakbayanihan.

πŸ‡΅πŸ‡­ Habang inaalala natin ang ating kalayaan, may mga kababayan tayo sa Mindanao na patuloy na bumabangon matapos ang mal...
13/06/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ Habang inaalala natin ang ating kalayaan, may mga kababayan tayo sa Mindanao na patuloy na bumabangon matapos ang malakas na 7.8 magnitude na lindol.

Sa Sarangani, GenSan, Sultan Kudarat, at Davao Occidental, maraming pamilya ang nawalan ng bahay, kabuhayan, at seguridad. Habang ang iba sa atin ay kasama ang pamilya ngayong holiday, may mga pamilya pa ring nasa evacuation centers, tent, o temporary shelters.

Kaya ngayong araw, gusto naming imbitahan ang ating mga kasama at kaibigan na makiisa sa diwa ng tunay na bayanihan.

Sa pamamagitan ng Akbayanihan Foundation, katuwang ang mga lokal na komunidad, nagdadala tayo ng:

πŸ’› Grocery packs para sa mga apektadong pamilya

πŸ’› Tents at shelter materials

πŸ’› Water filtration systems para sa malinis na inuming tubig

πŸ’› Solar charging units para sa ilaw at komunikasyon

Minsan, ang pagmamahal sa bayan ay hindi lang pagwagayway ng bandila.

Minsan, ito ay ang simpleng pagpili na tumulong sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Kung may kakayahan, makiisa.

Maligayang Araw ng Kalayaan! At sama-sama nating patunayan na walang maiiwan.


AKBAYANIHAN PARA SA MINDANAO Sa gitna ng pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani, higit 145,000 kababayan natin...
09/06/2026

AKBAYANIHAN PARA SA MINDANAO

Sa gitna ng pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani, higit 145,000 kababayan natin ang apektado sa Mindanao.

Maraming pamilya ang nawalan ng tirahan. Marami ang natatakot pa rin dahil sa sunod-sunod na aftershocks.

Sa panahon ng sakuna, hindi dapat nag-iisa ang sinuman.

Ang Akbayanihan ay simpleng paniniwala na kapag may nangangailangan, may kapwa na handang umalalay.

Hinihikayat namin ang lahat:
🀝 Magbahagi ng tamang impormasyon
🀝 Kumustahin ang mga kamag-anak at kaibigan sa apektadong lugar
🀝 Suportahan ang mga relief efforts
🀝 Magbigay ayon sa kakayahan

Kapag sama-sama, mas mabilis ang pagbangon.

⚠️ EARTHQUAKE ADVISORY | GENERAL SANTOS CITYAftershocks may still occur in the coming hours or days. Stay calm, stay ale...
08/06/2026

⚠️ EARTHQUAKE ADVISORY | GENERAL SANTOS CITY

Aftershocks may still occur in the coming hours or days. Stay calm, stay alert, and follow official advisories from PHIVOLCS and local authorities.

βœ… Be prepared with an emergency go-bag
βœ… Stay away from damaged structures
βœ… Check on your family, neighbors, and vulnerable community members
βœ… Practice Duck, Cover, and Hold

Magkaisa. Mag-ingat. Magtulungan.

Address

Manila

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639273468795

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Akbayanihan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Akbayanihan:

Shortcuts

Share