21/08/2026
Opisyal na pahayag ng Panday Sining ukol sa panghihimasok ng AFP-PNP sa konsultahang kabataan ng Kabataan Partylist sa Kalinga State University
August 21, 2026
Noong nakaraang araw (August 14), Walang pakundangan ginipit ng pwersa ng estado ang mga kabataan na nakiisa at sumama sa Konsultahang Kabataan sa Kalinga State University. Kasama ni Congresswomen Renee Co ang ilan sa mga lider estudyante para ilapit at makipagtalakayan sa kahirapan na hinaharap ng mga Kabataang Estudyante sa KSU, ngunit ng walang koordinasyon ay nagsisulputan ang mga pulis kalinga at sundalo ng 5th Infantry Battalion.
Mapagsamantala at walang pakundangan ginamit ito para sa kanilang black propaganda na nakikipag kaisa ang KPL sa AFP-PNP. Pinabulaanan mismo ni Congreswomen Renee Co ang pahayag ng 5th IB at agarang kinundena ang paglabag sa demokrating kalayaan ng mga kabataan upang maghayag sa mga nararanasan nila sa kasalukuyan. Pinatibay pa yan ng pahayag mula sa mga estudyante at g**o na dumalo na ibinahagi ang katotohanan sa social media sa kung paano ginawang katatawanan ng sundalo at pulis ang ating kalayaan sa malaya at ligtas na espasyo.
"Kung babalikan natin ang kasaysayan, ika-21 ng setyembre ay naganap ang baha sa luneta. Marahas na dinahas ng mga pulis ang mga kabataan at mula doon ay magtutukoy sila ng mga lider estudyante upang sampahan ng gawa gawang kaso. Nitong taon ay nanghimasok sa UST ang PAF at nakipagugnayan sa DND kasabwat ang admin upang patahimikin ang mga lider estudyante na nagsasalita para sa karapatan ng mga kapwa nila estudyante. Sunod sunod din ang ginagawang exhibit sa mga pamantasan na pinapakita at pinapasubok pa ang mga armas pang digma. Parte ito ng counterinsurgency program ng US sa ating bansa upang supilin ang kahit ano mang pakikibaka. Ngunit ang labis labis na pagsasamantala ay magbubunga ng lubos lubos na paglaban ng mamamayang pinagsasamantalahan" Paunang sabi ni Kean Peralta, ang kasalukuyang Pambansang Taggapangulo ng Panday Sining
"Ang Red tagging, vilification, labeling, at guilt by association ay nagpapanganib sa Karapatan mabuhay ng isang tao, sa kanyang Kalayaan o seguridad" Yan ay dineklara ng Korte Suprema noong Mayo, 2024 at ang ginawa ng mga pulis at sundalo ay pamamaraan upang bulag na manukoy ng mga taong tingin nila kahit walang ebidensya ay banta sa kanila na nagpapahamak lamang sa buhay ng mga kabataang estudyante.
"Patunay ito na walang pinagiba hindi lang ang lahat ng mga pangulo pero si Marcos Jr kay Marcos Sr. mismo. Kung ang dapat ligtas na espasyo ay pinapasok ng mismong nagdudulot ng kapahamakan, matatawag pa ba itong pangalawang tahanan? Ngunit kung tama ang pamamahala bakit may hindi makataong pagsasamantala at kailangan daanin sa pagiintimida? Ang ganitong harap harapang na pagyurak sa karapatan naming mga kabataang estudyante ay sampal mismo sa mga unang mga lumaban para sa ating demokratikong kalayaan upang magpahayag, maging kritikal at suriin ang lipunang ating ginagalawan." Dadag pa ni Peralta.
Mariing kinukundena ng Panday Sining at ng malawak ng hanay ng mga kabataang artista ng bayan ang pagbalewala sa karapatan sa ligtas at malayang edukasyon sa Kalinga State University dahil sa sapilitang pagpasok at pagpapakalat ng kasinungalingan upang maghasik ng takot.
"Walang puwang ang pwersa ng estado sa mga paaralan. Ganito rin nagsimula ang war on drugs ni Duterte, ang school shooting sa Amerika hanggang sa naging normal na ang mga ito. Kung hindi na ligtas sa kanilang mga bahay at pangalawang tahanan, saan na ba ligtas ang bata sa lipunang pinamumunuan ng mga pasistang berdugong nagpapakatuta kahit kapwa na ang pinapahirapan. Kung hindi dedepensahan ng mga ahensya ng edukasyon ating kalayaan, ang mga estudyante mismo ang magbubuhat ng mga upuan para harangan ang mga bulwagan, sila mismo ang lilikha ng mga panawagan na dadagundong sa iba iba pang pamantasan. Tayong mga kabataang estudyante mismo ang titindig at lalaban para sa ating mga karapatan." Pagtatapos ni Peralta