Sangguniang Kabataan ng Barangay UP Campus

Directions

Sangguniang Kabataan ng Barangay UP Campus Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan ng Barangay UP Campus, Youth Organization, Quezon City.

Official Page of Barangay UP Campus Sangguniang Kabataan.

🏆Finalist & Outstanding SK Project in QC SGYG (2026)

🏆National Finalist & National Most Outstanding SK Project in Human Development & Social Welfare Category (2026)

Mula Quezon City, hanggang sa buong Pilipinas—kilala ang kabataan ng UP Campus!Matapos kilalanin bilang Finalist & Outst...
13/09/2026

Mula Quezon City, hanggang sa buong Pilipinas—kilala ang kabataan ng UP Campus!

Matapos kilalanin bilang Finalist & Outstanding SK Project in QC SGYG 2026, ang ating proyekto ay nagpatuloy sa mas mataas na antas at napabilang bilang:

🏆 NATIONAL FINALIST & NATIONAL MOST OUTSTANDING SK PROJECT (Human Development & Social Welfare Category)

Ang pagkilala na nagsimula sa Quezon City ay umabot hanggang sa buong Pilipinas! Isang karangalan ang makarating sa national stage—dala ang kwento ng ating komunidad, ang lakas ng kabataan, at ang serbisyong para sa lahat.

Hindi lamang ito parangal ng isang konseho. Tagumpay ito ng buong kabataan ng UP Campus—ng bawat kabataang nakilahok, nakiisa, nagbigay ng suporta, at patuloy na naniniwala sa kapangyarihan ng kabataan na kumilos at maglingkod.

Ang tagumpay na ito ay atin. Tagumpay ito ng kabataan.

🎮🏆 GGWP, everyone!And that’s a wrap for our SK UP CAMPUS 1-DAY ML Tournament nakaraang Sabado! 🔥 Congrats sa ating mga w...
08/09/2026

🎮🏆 GGWP, everyone!

And that’s a wrap for our SK UP CAMPUS 1-DAY ML Tournament nakaraang Sabado! 🔥 Congrats sa ating mga winners and salute to all the teams who joined and gave it their all. 👏

Maraming salamat sa ating sponsor at official partnership in this event, Moonton 🎉

Hanggang sa next clash! ⚔️✨

05/09/2026

SK UP CAMPUS 1-DAY ML TOURNAMENT

CHAMPIONSHIP

XIA NIRVANA VS ONIC NGESPORTS

PAHAYAG NG SANGGUNIANG KABATAAN COUNCILMARAMING ISYU. MARAMING TANONG. PERO HUWAG NATING HAYAAN NA ANG FAKE NEWS ANG MAG...
04/09/2026

PAHAYAG NG SANGGUNIANG KABATAAN COUNCIL

MARAMING ISYU. MARAMING TANONG. PERO HUWAG NATING HAYAAN NA ANG FAKE NEWS ANG MAGING BATAYAN NG ATING PANGHUHUSGA.

Bilang Sangguniang Kabataan Council, kinikilala namin ang karapatan ng bawat kabataan na magtanong, magsuri, at humingi ng transparency at accountability mula sa kanilang mga kinatawan.

Ngunit ang accountability ay dapat nakabatay sa katotohanan. Kaya nais naming itama ang mga impormasyon na kumakalat tungkol sa budget ng SK UP Campus.

Ang 2026 approved annual budget ay ₱7,703,478.62—hindi eksaktong ₱8 milyon. Higit sa lahat, hindi nangangahulugan na ang approved budget ay kasalukuyang hawak o nailipat na sa SK.

Sa kasalukuyang status ng pondo:

₱1,594,427.90 — Transferred Budget

₱6,109,050.72 — Untransferred Budget from Mother Council

Samakatuwid, mahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng approved budget at aktuwal na transferred funds bago gumawa ng anumang konklusyon tungkol sa pera ng SK.

Tungkol naman sa mga programang may nakalaang budget, kabilang ang liga, ang mga ito ay budget allocations para sa pagpapatupad ng programa, at hindi personal na cash na maaaring basta-basta gamitin. Ang bawat paggamit ng pondo ay kinakailangang sumunod sa mga umiiral na procurement rules, dokumentasyon, at iba pang proseso.

At bilang isang Konseho, malinaw ang aming paninindigan:

WALANG SHARE.
WALANG PERCENTAGE.
WALANG PERSONAL NA KOMISYON.

Mayroong resolusyon ang aming Konseho na nagbabawal sa pagtanggap ng anumang ganitong personal na pakinabang mula sa mga transaksyon ng SK.

Hindi kami natatakot sa mga tanong.
Hindi kami natatakot sa pagsusuri.
Hindi kami natatakot sa dokumento.

Ang aming tinututulan ay ang pagkalat ng impormasyon na wala sa tamang konteksto, mga halagang inilalahad na tila aktuwal na hawak ng SK, at mga paratang na walang sapat na ebidensya.

Kung may alegasyon, ilabas ang ebidensya.
Kung may duda, suriin ang dokumento.
Kung may tanong, magtanong.

Ngunit huwag nating gawing katotohanan ang isang impormasyon dahil lamang ito ay paulit-ulit na ipinapakalat.

Bilang isang Sangguniang Kabataan Council, naninindigan kami sa TRANSPARENCY, ACCOUNTABILITY, DUE PROCESS, at RESPONSABLENG PAMAMAHALA.

Maraming isyu ang maaaring pag-usapan. Maraming tanong ang dapat sagutin. Pero sa bawat usapin, isang bagay ang hindi dapat mawala: ANG KATOTOHANAN.

Katotohanan bago paratang.
Ebidensya bago akusasyon.
Dokumento bago konklusyon.

— Sangguniang Kabataan Council, UP Campus

31/08/2026

SK UPC CUP 2026

BATTLE FOR CHAMPIONSHIP MEN’S DIVISION

UP vs DAAN TUBO

31/08/2026

SK UPC CUP 2026

BATTLE FOR 3RD MEN’S DIVISION

LIBIS vs CPG AURA

31/08/2026

SK UPC CUP 2026

WOMENS VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP GAME

MOIRA’S ANGELS vs LIBIS

31/08/2026

SK UPC CUP 2026

BATTLE FOR 3RD WOMENS DIVISION

RIPADA vs DAAN TUBO

30/08/2026

CHAMPIONSHIP

VILL B VS. FATIMA (JUNIOR)

30/08/2026

CHAMPIONSHIP

REKTA VS. VILLAGE B (MIDGET)

Address

Quezon City
1101

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay UP Campus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share