11/06/2026
Dati kahit summer palang may kakaunti paring tubig ang Buruwisan falls kahit papaano (Left Image) ngayon ay talagang tuyong tuyo na at gapatak nalang (Right Image). Darating kaya ang araw na wala na itong tubig at aasa nalang sa ulan. Balita namin ay may mga nagtatayo na ng windmill sa mga bandang tuktok pa ng Buruwisan. Sana huwag dumating ang araw na hindi na natin maipasa ang ganda ng kalikasan dahil lang sa binayaran tayo ng mga malalaking kumpanya para gawin o itayo ang mga gusto nila sa ating mga kabundukan. Bandang huli yung binayaran lang ang nakinabang, yung mga umaasa sa kalikasan ang kawawa. Wag sana natin kalimutan kapag walang puno mawawala narin ang tubig.
-admin sonsi