Bahaghari

Bahaghari Bahaghari (Rainbow) is a Philippine alliance of LGBTIQ organizations, desks, and Pride formations.

Ang Bahaghari ay isang pambansa-demokratikong organisasyon ng mga militante at makabayang lesbiyana, bakla, biseksuwal, transgender, at iba pa (LGBT+) sa Pilipinas. Nakikibaka itong kahanay ng sambayanang-api para sa pambansang emansipasyon sa larangan ng ekonomiya, pulitika, at kultura. Unang naitatag ang Bahaghari sa Probinsiya ng Quezon noong Hunyo 26, 2013 kasabay ng paggunita sa kauna-unahang

Pride March sa Pilipinas at Asya na inilungsad ng ProGay at Metropolitan Community Church-Quezon City noong 1994. Samantala, Oktubre 14, 2015, isang taon matapos ang karumal-dumal na pagpaslang ng sundalong Amerikano sa Pilipinang si Jennifer Laude, ay nagtipon at nakapagmobilisa ang Bahaghari ng mga estudyante at manggagawang LGBT para sa Vaklash. Isa itong kilos-protesta laban sa ibaโ€™t ibang anyo ng karahasan sa sektor ng LGBT na lalo pang tumitindi dahil sa mga imperyalistang polisiyang ipinatutupad sa bansa at sa mga di-pantay na kasunduang bilateral tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA) at ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Naninindigan ang Bahaghari bilang organisasyong anti-heteropatriyarka, anti-pyudal, anti-kolonyal, at anti-imperyalista. Inspirasyon nito ang Stonewall Riots na naging panandang-bato sa pakikibaka ng sektor ng LGBT. Gayon din, mahigpit nitong tinatanganan ang prinsipyong rebolusyonaryong isinabuhay ng mga babaylan na lumaban para sa kalayaan ng bansa mula sa mga mananakop. Sa mga militanteng tradisyong ito iniuugat ng Bahaghari ang sarili bilang organisasyon, at kahanay ng iba pang inaaping sektor, ay nakikibaka para sa makabuluhang pagbabago ng lipunang Pilipino.

๐ŸŒพTUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLAVARN!๐ŸŒˆMay baklang magsasaka, lesbiyanang manggagawang bukid, trans na mangingisda, at l...
20/10/2025

๐ŸŒพTUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLAVARN!๐ŸŒˆ

May baklang magsasaka, lesbiyanang manggagawang bukid, trans na mangingisda, at lahat ng LGBT ay pinapakain ng mga magsasaka.

Kaya mga beki ng bayan, samahan ang pangunahing pwersa para ipaglavarn ang LUPA at PAGKAIN!

Wiz mananahimik kaya muling bahain ng panawagan at sigaw ang Liwasan.

โ—๏ธBUKASโ—๏ธ
๐Ÿ“9am @ Liwasang Bonifacio

ISKOLAR NG BAYAN, WALANG MANAHIMIK! TULOY-TULOY ANG GALIT!Ilang buwan na ang imbestigasyon, ngunit hanggang ngayon, wala...
16/10/2025

ISKOLAR NG BAYAN, WALANG MANAHIMIK! TULOY-TULOY ANG GALIT!

Ilang buwan na ang imbestigasyon, ngunit hanggang ngayon, wala pa ring nananagot at nakukulong na mga korap at pahirap na politiko! Patunay ito na nagbibingi-bingihan ang gobyerno ni Marcos Jr. sa protesta ng libo-libong PUPian, mga kabataan, at sambayanan!

Kaya naman, sa darating na Oktubre 17, babahain muli ng mga Iskolar ng Bayan ang Mendiola! Sabay-sabay tayong tutungo sa Mendiola upang ipamalas kung kanino nakatuon ang ating galit: sa Magnanakaw-in-Chief na si Marcos Jr.

Malinaw ang hamon ngayon sa buong komunidad ng PUP: walang manahimik, tuloy-tuloy dapat ang galit! Sisiguraduhin natin na ang mga kilos-protesta ay tuloy-tuloy hanggaโ€™t walang nananagot!

Marcos-Duterte, walang pinag-iba! Parehong kurakot, pasista, at pahirap sa masa! Komunidad ng PUP, baguhin ang bulok na sistema!

Sumall sa coordination GC ng Bahaghari PUP:
๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ https://m.me/j/AbY04lbZzss7nB-M/

Sumali sa PUP Coordination GC:
๐Ÿ“Œ https://m.me/j/AbaRKImefl6rvgsB/





๐™‡๐™‚๐˜ฝ๐™๐™Œ๐™„๐˜ผ+ ๐™๐™๐™ˆ๐˜ผ๐™ˆ๐™‹๐˜ผ ๐™‰๐˜ผ!๐ŸŒˆSa patuloy na imbestigasyon sa mga sangkot sa korapsyon, wala pa rin ni isa ang nakukulong. Malinaw...
14/10/2025

๐™‡๐™‚๐˜ฝ๐™๐™Œ๐™„๐˜ผ+ ๐™๐™๐™ˆ๐˜ผ๐™ˆ๐™‹๐˜ผ ๐™‰๐˜ผ!๐ŸŒˆ

Sa patuloy na imbestigasyon sa mga sangkot sa korapsyon, wala pa rin ni isa ang nakukulong. Malinaw ang kabulukan ng estado na mayroon tayo.

Ipinasa ang 2026 National Budget na naglalaman ng bilyon-bilyong Unprogrammed Appropriations o pork barrel ni Marcos Jr. habang ang kalagayan ng mamamayang Pilipino at LGBTQIA+ Community ay sadlak sa kahirapan at hindi makatanggap ng mga serbosyo publiko na dapat ay natatamasa natin.

Komunidad ng LGBTQIA+ at mamamayang Pilipino magkaisa! Kumilos tayo para panagutin ang lahat ng kurakot!

Lahat ng kurakot, dapat managot!
Baguhin ang bulok na sistema!

Magkita kita tayo, ๐Ÿฎ:๐Ÿฏ๐Ÿฌ๐—ฃ๐—  ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ผ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ๐Ÿณ!



๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐ž๐š๐ฌ๐š๐ง๐ญ ๐€๐๐ฏ๐จ๐œ๐š๐ญ๐ž๐ฌ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ถ๐—ฑ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ...
14/10/2025

๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐ž๐š๐ฌ๐š๐ง๐ญ ๐€๐๐ฏ๐จ๐œ๐š๐ญ๐ž๐ฌ

๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ถ๐—ฑ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ! ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐˜„๐—ถ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ๐˜, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐˜, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฟ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—จ๐—ฆ-๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—๐—ฟ.!

Sa kasalukuyang paghahari ng rehimeng US-Marcos Jr., lantad na lantad na ang masangsang at bangkaroteng sistemang pampulitikang matagal nang nakaugat sa katiwalian, pandarambong, at tahasang pagpapailalim sa interes ng imperyalismo. Higit ding lumulubha ang kronikong krisis pang-ekonomiya na nagpapahirap sa sambayanang Pilipino. Dagdag pa rito ang pagyurak sa karapatan ng mamamayan sa patuloy na krimen laban sa sangkatauhan ng estado sa kanayunan. Bunsod nito, lalong tumitibay ang kagustuhan ng mamamayan na baguhin ang bulok at makauring sistemang nagkokonsentra ng kapangyarihan at kayamanan sa iilang mga panginoong maylupa, burukrata kapitalista, mga political dynasty, at mga imperyalista. Ang sistemang ito ang naglulugmok sa sektor ng agrikultura dahil sa pagpapatindi ng kawalan ng lupa, at lalong nagpapahirap din sa mga kabataan dahil sa neoliberal na kaayusan ng edukasyon.

Sa ating paggunita sa Buwan ng Magbubukid, nararapat na isentro ang usapin ng tunay na reporma sa lupa bilang solusyon sa napakaraming suliranin na kinakaharap ng ating bayan. Ang problema sa pagkain, kawalan ng trabaho, krisis sa klima, at maski ang laganap na korapsyon mula sa mga programang imprastruktura tulad ng farm-to-market roads ay matutugunan kung libreng ipamamahagi ang lupa sa nagbubungkal at kung bibigyan din sila ng sapat na tulong at ayuda upang gawing produktibo ito.

Naniniwala ang mga kabataan at estudyante na ang laban ng magbubukid ay hindi hiwalay sa laban ng kabataan, bagkus, ito rin ang pundasyon ng lipunang malaya sa kontrol ng lokal at dayuhang naghaharing-uri. Kaya naman nagkakaisa ang katipunan ng mga organisasyon at samahan ng mga kabataan at estudyante upang ibayong palakasin at suportahan ang pakikibaka ng magbubukid para isulong ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon. Mahigpit na makipagkapitbisig sa iba pang sektor para ganap na makamit ang kalayaan at pambansang demokrasya.

Kaya, hinihikayat namin ang mga kapwa naming mga kabataan na ibayong imulat ang sarili, magmulat, mag-organisa, at magpakilos nang sa gayon ay maitutok ang nagliliyab na damdamin ng mamamayan sa pagpanday ng lipunang pinamumunuan ng masang anakpawis. Kabataan, lumabas sa apat na sulok ng silid-aralan, sumama sa pakikibakang magbubukid at tumungo sa kanayunan! Pag-aralan ang lipunan, pagsilbihan ang sambayanan!

Singilin at itakwil ang kurakot, pahirap, peste, papet at pasistang rehimeng US-Marcos Jr.! Lupa sa magbubukid at Pilipino, hindi sa dayuhan at komprador!



๐’๐ˆ๐†๐๐€๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐„๐’
National Network of Agrarian Reform Advocates Youth (NNARA Youth)
Sining na Naglilingkod sa Bayan (SINAGBAYAN)
Rural Women Advocates (RUWA)
Sama-samang Artista Para sa Kilusang Agraryo (SAKA)
Artista ng Rebolusyong Pangkultura (ARPAK)
UP Visayas Public Health Pub
Gabriela Youth UP Manila
Gabriela Youth UP Diliman
UP Manila CAS Freshmen, Shiftees, and Transferees Council
UP Manila Development Studies Society
UP Pharmacy Junior Ambassadors of Music
SALiGan
UP Manila University Student Council
Anakbayan UPD KAL
Agham Youth
Agham Youth UP Manila
Agham Youth PUP
All UP Academic Employees Union
Bahaghari PUP
Bahaghari UP Diliman
Bayan Muna Youth PUP
UP Manila CAS Student Council
UP Community Development Circle
Sigma Kappa Pi Fraternity
ESC
UP Health Sciences and Pre-Medicine Society
UP Diliman Junior Philippine Geographical Society
Kabataan para sa Tribung Pilipino (KATRIBU) UP Manila
Kabataan para sa Tribung Pilipino (KATRIBU) PUP
Kabataan Partylist UP Manila
League of Filipino Students UP Manila
Liga ng Kabataang Propagandista - PUP
UP Manila Organization of Area Studies Majors
UP Peer Empowering Peers Society (PEPS)
Pangkalusugang Lingkod Bayan
UP Manila Pre-Law Society
Rise for Education UP Diliman
Rise for Education UPD College of Science
Sandig
SANDIGAN NCPAG
Scientia
UP Diliman Student Christian Movement of the Philippines
Sigma Delta Pi Sorority UP Manila
Sulong UP Manila
Saribuhay UP Diliman
Tambisan sa Sining - Sta. Mesa
UP Design Core
UP Engineering Society
UP Lipunang Pangkasasayan
UP Diliman CAL Student Council
UP Medicine Student Council
UP Manila Political Science Society
UP Manila SANDIGAN
Sinagbayan UPD
UP BAC
UP Diliman CSSC
UP Diliman School of Library and Information Studies Student Council
UP Diliman DSS
UP Manila Nursing Student Council
UP Manila Organizational Communication Society
UP Organization for Shiftees and Transferees
UPPhA SC
UP JPIA
YACAP

ALERT! Demolisyon sa Agora, Marikina, nakaamba sa Oktubre 15! Suporta sa kampuhan, ipinanawaganHumaharap sa demolisyon a...
14/10/2025

ALERT! Demolisyon sa Agora, Marikina, nakaamba sa Oktubre 15! Suporta sa kampuhan, ipinanawagan

Humaharap sa demolisyon ang nasa 53 maralitang pamilya sa Agora "harap", Brgy. Sto. Nino, Marikina kahit walang malinaw na relokasyon sa kanila. Nakatakdang walisin ang kanilang mga tirahan kahit na mahigit apat na dekada na silang naninirahan doon.

Sa kabila ng serye ng kanilang pakikipag-usap at paggigiit sa lokal na pamahalaan, naka-direksyon ang LGU na ituloy ang demolisyon, kapalit ang kakarampot na P20,000 na iniaalok sa mga pamilyang apektado.

Bago ito, mahigit 30 pamilya na ang nademolish noong 2023 sa likod ng Agora at kasalukuyang nagsisiksikan sa tent sa Agora. Nanganganib din ang 55 pamilya sa looban ng Agora na mawalan din ng tirahan lalo kung matutuloy ang demolisyon sa harap.

Panawagan ng mga pamilya sa Agora: Walang demolisyon hangga't walang relokasyon! Ipaglaban ang katiyakan sa paninirahan sa Marikina! Suportahan ang ititindig na kampuhan para igiit ang karapatan sa paninirahan!

*Ang Agora compound ay ang kahabayan sa tabi ng Marikina Engineering Office at Marikina Transportation Office sa Gil Fernando Avenue.

12/10/2025
12/10/2025
๐ˆ๐-๐Ÿ๐ŸŽ-๐’๐ˆ๐…๐˜:Today marks the 11th death anniversary of trans sibling Jennifer Laude, and in this context, we reflect on th...
11/10/2025

๐ˆ๐-๐Ÿ๐ŸŽ-๐’๐ˆ๐…๐˜:

Today marks the 11th death anniversary of trans sibling Jennifer Laude, and in this context, we reflect on the political moment that helped establish Bahaghari into a people's organization. The murder of Gandaโ€”a crime executed by an American soldier based in the Philippine soil through the Visiting Forces Agreement and the Mutual Defense Treatyโ€”revealed the violent nexus of imperialist policy, state complicity, and transphobic violence. Her murder was not an isolated event, but rather symptomatic of an entire system that privileges foreign military presence over the lives and dignity of Filipino LGBTQIA+ community.

In the face of this injustice, LGBTQIA+ activists began taking steps to organize outside the limits of representation and reformism, and on June 26, 2013, Bahaghari was officially formed in Quezon Province, on the occasion of the 19th anniversary of Stonewall Manila, considered to be the first Pride March in the Asia and Pacific region. Bahaghari had already started organizing LGBTQIA+ youth, students, and workers. However, on October 11, 2015, exactly one year after the killing of Jennifer Laude, Bahaghari led an indignation protest against US imperialism and the unequal military agreements that upheld violence against Filipino women and LGBTQIA+ people. This transformed Bahaghari into an anti-imperialist mass organization, aligned in the national-democratic programme of uprooting our societal ills: namely imperialist, feudalism, and bureaucrat capitalism.

On its 10th founding anniversary, Bahaghari stands firm as the national-democratic mass organization for militant and nationalist LGBTQIA+ Filipinos, mobilizing in universities, communities, and on the streets. We do not simply advocate for legal protection, as is our continuing campaign for the immediate passage of SOGIESC Equality Bill. We fight for structural change: one founded on equality, inclusion, justice and human rights.

Bahaghari reaffirms our convictions and principles to fight for the national-democratic aspirations of the Filipino people. As we look toward a new decade of people's resistance, we vow to intensity the fight for SOGIESC Equality Bill and marriage equality, for genuine agrarian reform and national industrialization, for truly independent foreign policy. We remain steadfast in building our collective power in universities, workplaces, communities nationwide, united in our shared goal of liberation and emancipation. # # #





"NONE OF US ARE FREE, UNTIL ALL OF US ARE FREE" Today, Ateneo De Manila celebrates One Big Pride. Students inside are ca...
10/10/2025

"NONE OF US ARE FREE, UNTIL ALL OF US ARE FREE"

Today, Ateneo De Manila celebrates One Big Pride. Students inside are calling for an inclusive society, not just in terms of gender but for a system free from the systematic oppression experienced by the oppressed Filipino people.

LGBTQIA+ members also called for justice on the 11th anniversary of the death of Jennifer Laude who was killed by a US soldier, Joseph Scott Pemberton. The same country that backed Israel on the ongoing genocide in Palestine, continues to sow violence, among the Filipino people, women, farmers, workers, and LGBTQIA+




"Ang suliranin ng batayang sektor ay suliranin ng kababaihan at sangkabaklaan" Kahapon, Oktubre 8 ay nakiisa ang Bahagha...
09/10/2025

"Ang suliranin ng batayang sektor ay suliranin ng kababaihan at sangkabaklaan"

Kahapon, Oktubre 8 ay nakiisa ang Bahaghari sa seminar na inilunsad ng LPU-LAGUNA Dangal. Tinalakay sa "SDG 5 Gender EquALLity Pagsibol ng Makulay na Pagkapantay-pantay sa Lahat ng Kasarian!" ang kahalagahan ng pakikibaka ng kababaihan at LGBTQIA+ at paanong ang kolektibo nating lakas ang magtutulak para sa isang lipunan na walang diskriminasyon at pagsasamantala.


Sa ilaw ng kandila, makiisa sa pag-aalala kay Jennifer Laude at lahat ng LGBTQ+ na biktima ng state-sponsored violence.๐Ÿ“...
09/10/2025

Sa ilaw ng kandila, makiisa sa pag-aalala kay Jennifer Laude at lahat ng LGBTQ+ na biktima ng state-sponsored violence.

๐Ÿ“ Vinzons Hall, UP Diliman๏ฟฝ
๐Ÿ—“๏ธ October 10, Friday
โœŠ๐Ÿฝ Mass Up: 5:00PM
๐Ÿ“ฃ Program: 5:30PM

Justice for Jennifer Laude!
Justice for all LGBTQ+ victims of state-sponsored violence!๏ฟฝJunk VFA! Junk EDCA!
US troops, out NOW!




MGA ISKOLAR NG BAYAN, MAG-ALAY NG KANDILA PARA KAY JENNIFER LAUDE ๐Ÿณ๏ธโ€โšง๏ธโœŠ๐Ÿฝ

Bilang paggunita sa ika-11 anibersaryo ng pagpaslang kay Jennifer Laude, isang transpinay na walang-awang pinaslang ng US marine na si Joseph Scott Pemberton, ating sariwain hindi lang ang kanyang buhay, kundi ang lahat ng mga biktima ng gender-based violence sa kamay ng imperyalismong US at ang berdugong estado na kaalyado nito.

Ang pagpaslang kay Jennifer ay hindi hiwalay sa mas malawak na kasaysayan ng karahasan at pang-aabuso ng militar ng US sa ating bayan. Ang Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement ang nagpapahintulot sa panghihimasok ng mga dayuhan militar tulad ni Pemberton. Sa mga di-pantay na kasunduang ito, hindi napapanagot ang mga sundalong Amerikano na lumalabag sa karapatang pantao ng mga Pilipinoโ€”isang pagbabalewala sa ating pambansang soberanya.

Hanggaโ€™t nariyan pa rin ang VFA at EDCA, patuloy na nanganganib ang buhay ng mga Jennifer Laude sa bansa, dahil sa mga nagdaang administrasyon, mas nauuna ang interes ng Estados Unidos kaysa buhay at hustisya para sa mga kapatid nating LGBTQ+.

Sa ilaw ng kandila, makiisa sa pag-aalala kay Jennifer Laude at lahat ng LGBTQ+ na biktima ng state-sponsored violence.

๐Ÿ“ Vinzons Hall, UP Diliman
๐Ÿ—“๏ธ October 10, Friday
โœŠ๐Ÿฝ Mass Up: 5:00PM
๐Ÿ“ฃ Program: 5:30PM

Justice for Jennifer Laude!
Justice for all LGBTQ+ victims of state-sponsored violence!๏ฟฝJunk VFA! Junk EDCA!
US troops, out NOW!




Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bahaghari posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bahaghari:

Share