07/08/2026
ITIGIL ANG PAGPAPATAYO NG NORTH-SOUTH HARBOR BRIDGE! DPWH, LAYAS SA PAROLA!
Pagkatapos ng malawak na sunog na pininsala ang mahigit 1,200 na kabahayan at lugar-paninirahan ng mamamayan mula sa Binondo Side ng Parola, sa halip na paunlarin ang kalagayan ng mga paninirahan, ay itinuon pa rin ng DPWH at NHA ang pagpapatayo ng mapaminsalang tulay na magpapalayas sa mahigit 1,300 na mga kabahayan sa Parola.
โMaari pa ring magtayo ng bahay dahil sa 2028 pa maitatayo ang tulayโ ani ng NHA sa ilang mga residente hinggil sa pagpapatayo ng mga bahay matapos ang sunog. Malinaw na walang malasakit ang pamahalaan sa mga tatamaan ng demolisyon at mawawalan ng paninirahan, walang tiyak na programang nakahapag para mabigyan ng maayos na tirahan ang mga tao. Sobra-sobra ang prayoridad nitong ipatayo ang tulay na pagsisilbihan ng mga malalaking negosyo samantalang nasa bingit ng kawalan ng bahay ang mamamayan ng Parola.
Kasabay nito, hindi naman libre at dekalidad ang mga inaalok na pabahay sa mga residente. Nawalan na ng bahay, trabaho at hanapbuhay, pagbabayarin pa ng matataas na upa sa mga lugar na malalayo sa mga paaralan, ospital, at hanapbuhay!
Proklamado na sa mamamayan ng Binondo side ang lupang tinitirikan. Illegal ang pamantayan ng DPWH para itulak ang pagpapatayo ng North-South Harbor Bridge at sapilitang palalayasin ang mamamayan sa kanilang karampatang mga tahanan! Direktang sinasagasaan nito ang ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ฎ๐น ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฐ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฑ๐ณ๐ญ ๐ฎ๐ ๐๐
๐ฒ๐ฐ๐๐๐ถ๐๐ฒ ๐ข๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ญ๐ฌ๐ด na ipinoproklama ang lupa ng Binondo side sa mamamayan nito.
Hindi sagot sa krisis sa paninirahan ang tulay na pakikinabangan lamang ng iilan!
MAMAMAYAN, TUTULAN ANG NORTH-SOUTH HARBOR BRIDGE! KARAPATAN SA PANINIRAHAN, IPAGLABAN! RESPETUHIN ANG PROKLAMASYONG 571!
Pagtibayin ang ating pagkakaisa para sa karapatan sa paninirahan! sumali sa PAMATU! โ
https://forms.gle/ozbxVzjFRFTBoyJA9
https://forms.gle/ozbxVzjFRFTBoyJA9
https://forms.gle/ozbxVzjFRFTBoyJA9