20/09/2026
MARCOS AT MGA KORAP NA SANGKOT, DAPAT MANAGOT! HALINA’T RUMAMPA PARA PUKSAIN ANG REHIMENG MARCOS JR. SA SETYEMBRE 21!
Mula noon hanggang ngayon, hindi na bago sa mamamayang Pilipino ang karahasan, pang-aabuso, korapsyon, at pagpapahirap na dulot ng mga rehimeng naglilingkod sa interes ng iilan.
54 na taon na ang lumipas mula nang ideklara ang Batas Militar sa ilalim ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.—isang madilim na yugto ng kasaysayan na hindi maihihiwalay sa malawakang paglabag sa karapatang pantao, pagsupil sa demokratikong karapatan, at pagnanakaw sa kaban ng bayan. At hanggang ngayon, nananatili sa kapangyarihan ang pamilyang Marcos, habang patuloy na pinapasan ng mamamayan ang bigat ng krisis.
Sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr., lantad ang pagkabigo ng pamahalaan na tugunan ang lumalalang suliranin ng mamamayan. Habang patuloy na tumataas ang halaga ng mga bilihin, lumiliit ang badyet para sa mga serbisyong panlipunan, at nananatiling kapos ang kabataan at manggagawa sa oportunidad at seguridad, bilyun-bilyong pondo ng bayan ang nasasangkot sa mga maanomalyang proyekto at pang-sariling interes.
Hindi hiwalay ang korapsyon sa iba pang anyo ng pagsasamantala. Kapag ninanakaw ang pondo para sa serbisyo publiko, mamamayan ang nagdurusa. Kapag kinakaltasan ang edukasyon, kabataan ang nagigipit. Kapag ipinapasa sa masa ang bigat ng krisis, higit na naiipit ang mga kababaihan at LGBTQIA+ na matagal nang nakararanas ng diskriminasyon at kawalan ng pantay na oportunidad.
Kaya sa ika-21 ng Setyembre, hindi sapat ang pag-alala lamang sa nakaraan. Ating gawing buhay ang alaala ng paglaban ng mamamayan—sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos laban sa korapsyon, pang-aabuso, at mga patakarang lalong nagpapahirap sa taumbayan!
MULI NATING BABAHAIN ANG LANSANGAN UPANG PANAGUTIN ANG PAPET, PAHIRAP, PASISTA AT KORAP NA REHIMENG US-MARCOS JR!
MAKIBEKI, WAG MASHOKOT! 🏳️🌈
🔻 Kondukta:
📅 September 21 | Lunes
⏰ 2:30 PM
📍Liwasang Bonifacio