14/06/2026
Sa bawat usaping may kinalaman sa kapakanan ng mga tao, mahalagang isama ang boses ng lahat. Kaya bago pa man magsimula ang Comprehensive Profiling Survey ng team ng Ako Bakwit, nagsagawa muna tayo ng public consultation para sa mga pamilyang maaapektuhan ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project Phase 4.
Ang PMRCIP Phase 4 ay isang proyekto ng DPWH at JICA, katuwang ang CTI Engineering bilang technical at engineering consultant nito.
Ayon sa direktiba at panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at sa pagpapatibay ni DPWH Secretary Vince Dizon, mahalaga rin ang partisipasyon ng mga NGO upang mapabuti at mapabilis ang mga proyekto ng gobyerno sa ilalim ng “whole-of-nation approach.”
Taos-pusong pasasalamat sa DPWH, NHA, PCUP, CTI Engineering, UP Institute of Human Rights, kay Rizal Governor Nina Ynares, kay Rizal 1st District Congressman Mia Ynares, kay Cainta Mayor Kit Nieto, sa Cainta PNP, kay Barangay San Juan, Cainta Kapitana Omee Felix, at sa lahat ng naging katuwang upang maisakatuparan nang maayos ang konsultasyong ito.