Anakbayan Cavite State University

Anakbayan Cavite State University SUMALI SA ANAKBAYAN CvSU!

The comprehensive national democratic mass organization of the Filipino youth fighting for decent work, land reform, education, rights, and social services.

Pre-register: tinyurl.com/joinANAKBAYANCVSU Ang Anakbayan CvSU ay ang pamantasang balangay ng Anakbayan, ang komprehensibong organisasyon ng mga kabataang Pilipino na may Pambansa Demokratiko at Maka-masang linyang pampulitika.

Layunin nitong magmulat, mag-organisa, magpakilos ng mga kabataan sa Cavite State University upang ipaglaban ang lupa, trabaho, edukasyon, karapatang pantao at iba pang batayang seribisyong panlipunan.

๐™๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‚-๐˜ฟ๐™Š๐™‰๐˜ผ๐™Ž๐™”๐™Š๐™‰ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™‰๐˜ผ๐™‹๐™„๐™‰๐™Ž๐˜ผ๐™‡๐˜ผ ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‚๐™”๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐˜ผ๐™”๐™ˆ๐˜ผ๐™” ๐™Ž๐˜ผ ๐˜พ๐˜ผ๐™‘๐™„๐™๐™€Isang karumal-dumal na pinsala ang iniwan ng nagdaang bagyon...
23/08/2026

๐™๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‚-๐˜ฟ๐™Š๐™‰๐˜ผ๐™Ž๐™”๐™Š๐™‰ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™‰๐˜ผ๐™‹๐™„๐™‰๐™Ž๐˜ผ๐™‡๐˜ผ ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‚๐™”๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐˜ผ๐™”๐™ˆ๐˜ผ๐™” ๐™Ž๐˜ผ ๐˜พ๐˜ผ๐™‘๐™„๐™๐™€

Isang karumal-dumal na pinsala ang iniwan ng nagdaang bagyong Maymay sa bansa partikular sa bahagi ng Caviteโ€”nariyang nasira ang mga panananim ng nga magsasaka sa Lupang Ramos sa Dasmariรฑas, lubog ang mga ilang bayan sa Bacoor at iba pang mga karatig-lugar nito.

Habang nagkakandarapa at sinusubukang bumangon ng mamamayan sa iba't ibang parte ng ating lipunan patuloy naman ang pagkikibit-balikat ng mga burukrata kapitalista upang busugin at magpakasasa sa kanilang puwesto upang punan ang kanilang mga pansariling interes.

Sa ganitong kaso, hindi tayo tatahimik upang mas ipagpanawagan ang mga palpak na proyekto ng flood control, at mga panandaliang solusyon ng gobyerno. Sa kabila ng mga panawagan ay hindi rin tayo titigil upang tulungan ang mga nasa laylayan.

Kaya, kumakatok ang pangmasang organisasyon ng bukal sa loob na donasyon upang saklolohan ang mga kasama natin sa probinsiya ng Cavite. Maaring magbigay ng tulong-salapi, pagkain, tubig, toiletries, at gamot.

๐— ๐—”๐—ก๐—›๐—œ๐—— ๐—”๐—ง ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—š ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—š๐—จ, ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น. โ€Žโ€ŽHabang lubog na sa baha ang il...
10/08/2026

๐— ๐—”๐—ก๐—›๐—œ๐—— ๐—”๐—ง ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—š ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—š๐—จ, ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น.
โ€Ž
โ€ŽHabang lubog na sa baha ang ilang karatig-bayan, maraming kabataan ang nangangamba sa kanilang pagpasok, at nananatiling hindi tiyak ang kondisyon ng mga kalsadang kanilang daraanan. Hindi dapat ganito tratuhin ang kaligtasan ng kabataan!
โ€Ž
โ€ŽAng mga estudyante sa high school at kolehiyo ay dumadaan sa parehong mga kalsada, sumasakay sa parehong pampublikong transportasyon, at nagmumula sa mga komunidad na maaaring maapektuhan ng baha, landslide, at patuloy na pag-ulan.
โ€ŽKabilang dito ang mga kabataang pumapasok sa Cavite State Universityโ€“Indang Campus at iba pang paaralan sa Bayan.
โ€Ž
โ€ŽSa Cavite State University pa lamang na halos karamihan ng mga mag-aaral na hindi nakatira sa Indang ay napipilitang lumusong sa baha at harapin ang sunud-sunod na bugso ng malalakas na bagyo bago pa man makarating sa pamantasan.
โ€Ž
โ€ŽHabang nasa komportableng pamumuhay ang mga korap triple ang nagiging dagok sa mga kabataang hirap na hirap na makapagtapos dahil sa bigat na kagagawan ng mga naghaharing-uri.
โ€Ž
โ€ŽHinahamon namin ang LGU Indang na isama ang highschool at kolehiyo na kinasasaklawan ng buong bayan kung totoong nagsisilbi ito sa mamamayan!!
โ€Ž
โ€Ž๐—Ÿ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐˜ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ณ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—น ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐˜€! ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—น๐˜€๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ๐˜. ๐˜š๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ. ๐—œ๐˜€๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฒ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ, ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ธ๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป!
โ€Ž

โ€Ž๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป!

๐— ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—œ๐—š๐—ช๐—”๐—ฆ ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก!Sa pagbubukas ng panibagong akademikong taon, hin...
09/08/2026

๐— ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—œ๐—š๐—ช๐—”๐—ฆ ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก!

Sa pagbubukas ng panibagong akademikong taon, hindi lamang matataas na bayarin, krisis sa edukasyon at serbisyong panlipunan ang sasalubong sa mga Iskolar ng Bayan. Kasabay ng unang araw ng klase ay ang patuloy na pag-iral ng pasismo at panunupil sa ilalim ng rehimeng US-Marcos-Duterte, isang sistemang ginagamit ang makinarya ng estado upang patahimikin ang mga boses na naghahangad ng tunay na panlipunang pagbabago.

Ang pamantasan na dapat sana ay malaya at ligtas na espasyo para sa mapanuring pag-iisip at pagpapahayag ay patuloy na binabantaan at kinikitilan ng kalayaan. Sa labas at loob ng pamantasan, tahasang ginagawang normal ang red-tagging, militarisasyon sa mga komunidad, at intimidasyon laban sa mga progresibong indibidwal at lider-estudyante. Ginagamit ng pasistang estado ang dahas at pananakot upang ikubli ang kanilang kapabayaan sa sektor ng edukasyon, at upang protektahan ang mga dayuhan at dambuhalang pandarambong na walang-habas na ninanakaw ang kaban ng bayan.

Bilang kabataan, hindi kailanman naging sagot ang pananahimik sa harap ng karahasan. Ang edukasyon natin ay mawawalan ng saysay kung mananatili lamang tayo sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan habang ang ating mga kapwa kabataan, magsasaka, mangingisda, at manggagawa ay pinapaslang, kinakamkaman ng lupa, at ginigipit.

Ang First Day Rage ay hindi lamang simpleng pagtitipon; ito ay lunsaran ng ating nag-aalab na galit at matatag na paninindigan laban sa atake ng estado! Ito ang ating espasyo upang igiit na ang Kabsuhenyo ay hindi kailanman yuyuko sa anumang porma ng panunupil.

Labanan ang pandarahas! Ipagtanggol ang kalayaang akademiko, lansagin ang pasismo at imperyalismo!

Makiisa at Lumaban!

โœŠ Dumalo at magpadalo sa gaganaping First Day Rage sa ating pamantasan!

๐Ÿ”ฅ Sumapi sa Anakbayan-CvSU:
โœŠ tinyurl.com/AnakbayanCvSU
โœŠ tinyurl.com/AnakbayanCvSU
โœŠ tinyurl.com/AnakbayanCvSU




๐—›๐—”๐—š๐—จ๐—ฃ๐—œ๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก, ๐—›๐—”๐—š๐—จ๐—ฃ๐—œ๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—”๐—ก!BASAHIN | ๐˜–๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜—๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ฃ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜š๐˜–๐˜•๐˜ˆ 2026 ๐˜ฏ๐˜ช ...
26/07/2026

๐—›๐—”๐—š๐—จ๐—ฃ๐—œ๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก, ๐—›๐—”๐—š๐—จ๐—ฃ๐—œ๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—”๐—ก!
BASAHIN | ๐˜–๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜—๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ฃ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜š๐˜–๐˜•๐˜ˆ 2026 ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ด ๐˜‘๐˜ณ.

Sa darating na Hulyo 27, muling haharap si Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino para sa kanyang ikalimang State of the Nation Address. Muli na naman nating maririnig ang mga pangakong pag-unlad, paglago, at pagbabago mula sa isang administrasyong pilit itinatago ang tunay na kalagayan ng bansa.

Ngunit para sa kabataan, malinaw ang tunay na estado ng bayan.

Ang tunay na SONA ay nasa mga estudyanteng nagsisikap makapagtapos habang pinoproblema ang gastusin sa pag-aaral. Nasa mga pamilyang kinakapos sa araw-araw na pangangailangan. Nasa mga kabataang naghahanap ng oportunidad ngunit humaharap sa kawalan ng trabaho, mababang sahod, at walang kasiguraduhan sa kinabukasan.

Bilang mga Kabsuhenyos, hindi natin nakikita ang pag-unlad na ipinapangako sa loob ng mga talumpati. Ang nakikita natin ay isang sistemang patuloy na nagpapabigat sa buhay ng mamamayan at nagkakait sa kabataan ng isang ligtas at makatarungang kinabukasan.

Sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr., patuloy na lumalala ang krisis sa trabaho at kabuhayan. Ayon sa datos, umabot sa 4.8% ang unemployment rate nitong Mayo 2026, katumbas ng humigit-kumulang 2.50 milyong Pilipinong walang trabaho. Pinakamasakit dito ang pagkawala ng daan-daang libong trabaho sa sektor ng agrikultura at iba pang pangunahing industriya.

Habang sinasabing lumalago ang ekonomiya, nananatiling tanong ng kabataan: para kanino ang pag-unlad kung marami pa rin ang walang disenteng trabaho, hindi makapag-aral nang maayos, at nangangamba kung may naghihintay bang oportunidad pagkatapos ng pagtatapos?

Ang krisis na ito ay hindi hiwalay sa patuloy na kapabayaan at maling prayoridad ng pamahalaan. Habang kinukulang ang suporta para sa edukasyon at serbisyong panlipunan, patuloy namang nawawala ang bilyon-bilyong pondo ng bayan dahil sa korapsyon at pandarambong.

Ang mga anomalya sa flood control projects ay malinaw na halimbawa kung paano ninanakaw ang pondong dapat sanaโ€™y nagsisilbi sa kapakanan ng mamamayan. Sa halip na mapunta sa proteksyon ng mga komunidad laban sa sakuna at pagbabago ng klima, ang kaban ng bayan ay nagiging kasangkapan ng pansariling interes ng mga nasa kapangyarihan.

Kaya naninindigan tayo na ang lahat ng sangkot sa korapsyon at pandarambong ay dapat managot! Walang dapat maging ligtas sa pananagutan, anuman ang apelyido, posisyon, o impluwensya!

Kasama rito ang paniningil para sa hustisya at pananagutan sa mga usaping kinakaharap ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan, kabilang ang impeachment ni Sara Duterte. Ang anumang pag-abuso sa kapangyarihan at pagtataksil sa tiwala ng mamamayan ay dapat harapin nang walang pagtatangi.

Bilang kabataan, hindi tayo maaaring manahimik habang ang mga pondong dapat sanaโ€™y para sa ating kinabukasan ay nawawala sa kamay ng mga naghahari. Sa loob naman ng mga pampublikong pamantasan tulad ng CvSU, ramdam ang epekto ng sistemang hindi sapat ang pagpapahalaga sa edukasyon. Ang 50M Budget Cut sa CvSU System, limitadong pasilidad, at patuloy na pagtaas ng gastusin sa pag-aaral ay dagdag na pasanin sa mga estudyante at kanilang pamilya! Ang anumang pagbawas sa suporta para sa mga pampublikong unibersidad ay hindi lamang numero sa badyet. Ito ay katumbas ng nabawasang oportunidad, serbisyong hindi naibibigay, at mga pangarap na lalong nahihirapang abutin.

Ang edukasyon ay hindi negosyo, ITO AY KARAPATAN.

Ngunit habang ipinagkakait ang sapat na suporta sa kabataan at mamamayan, patuloy namang itinutulak ng administrasyong Marcos Jr. ang mga patakarang naglalapit sa bansa sa interes ng dayuhang kapangyarihan.

Sa pamamagitan ng mga kasunduang tulad ng Pax Silica at iba pang inisyatiba kasama ang Estados Unidos, inilalagay sa panganib ang ating likas na yaman, soberanya, at kapakanan ng mga komunidad upang pagsilbihan ang interes militar at pang-ekonomiya ng imperyalistang US.

Hindi kaunlaran ang paggamit sa ating bansa bilang lunsaran ng tensyon at tunggalian ng mga dayuhan. Hindi seguridad ang pagiging bahagi ng mga paghahandang nagtutulak sa posibilidad ng gera.

Ang kabataan ay hindi dapat ihanda para mamuhay sa isang lipunang puno ng kahirapan, takot, at kawalan ng oportunidad. Ang kabataan ay nararapat magkaroon ng edukasyon, disenteng trabaho, ligtas na komunidad, at kinabukasang hindi nakatali sa interes ng iilan.

Kaya sa harap ng huwad na SONA ni Marcos Jr., maninindigan TAYO na ang kabataan ay hindi mananatiling tahimik!

๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฑ.
๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—น.
๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜€.

Nagbabadya na ang HAGUPIT ng kabataan at sambayanan!

Inaanyayahan natin ang lahat ng Kabsuhenyo na makiisa sa ๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—” ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ค๐˜‚๐—ฒ๐˜‡๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿณ! Sama-sama nating dalhin ang boses ng kabataan at ipakita na ang ating henerasyon ay hindi papayag na manatiling tahimik habang ninanakaw ang ating kinabukasan.

Ang tunay na estado ng bayan ay hindi matatagpuan sa mga pangako ng mga nasa kapangyarihan. Matatagpuan ito sa pagkilos ng mamamayan. CvSU, Kilos Na!

๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐——๐—”๐—ฅ๐—”๐— ๐—•๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก, ๐—”๐—ง ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—ก! ๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—ข๐—ฆ ๐—”๐—ง ๐——๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—ฆ๐—œ๐—ž๐—œ๐—ก! โœŠ๐Ÿผ๐Ÿ”ฅ

๐Ÿ”ป JOIN THE SONA NG BAYAN 2026 CvSU DELEGATION GC: https://m.me/j/AbaAmTJ_Yd1EdgL1/?send_source=gc%3Acopy_invite_link_c


๐—›๐—”๐—ก๐——๐—ฆ ๐—ข๐—™๐—™ ๐—š๐—˜๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—— ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ง๐—”!Mariing kinokondena ng Anakbayan Cavite State University (CvSU) ang patuloy at tahasang paninikt...
24/07/2026

๐—›๐—”๐—ก๐——๐—ฆ ๐—ข๐—™๐—™ ๐—š๐—˜๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—— ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ง๐—”!

Mariing kinokondena ng Anakbayan Cavite State University (CvSU) ang patuloy at tahasang paniniktik ng mga ahente ng estado kay Central Student Government (CSG) President Gerald Ambata. Ang pag-aligid at paghahanap ng mga nagpakilalang miyembro ng militar sa kanyang barangay ay isang malinaw na desperadong hakbang ng rehimeng US-Marcos upang patahimikin ang lumalakas na kilusang kabataan sa loob at labas ng pamantasan.

Hindi tayo magpapalinlang sa mga ganitong taktika. Ang sunod-sunod na atake sa mga progresibong lider-estudyante ay hindi mga simpleng insidente ng "harassment." Ito ay sistematikong militarisasyon na pinopondohan ng kaban ng bayan upang protektahan ang interes ng mga naghaharing-uri.

Sa halip na tugunan ang patuloy na krisis sa edukasyon, pagtaas ng matrikula't bayarin, at ang kawalan ng nakabubuhay na sahod para sa ating mga magulang, pasismo, bala, at paniniktik ang isinasagot ng rehimeng Marcos.

Ang paniniktik ng militar sa mga komunidad at kampus ay tuwirang paglabag sa kalayaang akademiko at demokratikong karapatan ng bawat sibilyan. Tungkulin nating ipagtanggol ang pamantasan bilang isang ligtas na espasyo para sa malayang kaisipan at pag-oorganisa.

Ang bawat banta ay panggatong na mas nagpapaningas sa ating galit at determinasyong lumaban. Kaya't dapat nating mas palakasin ang panawagang palayasin ang anumang presensya ng militar na naghahasik ng takot sa loob at labas man ng pamantasan!



๐—š๐—จ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”, ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก! ๐— ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—ž๐—ข๐—— ๐—ž๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก!Sa papalapit na State of the Nation Address, kung saan muling ipipilit ng ...
10/07/2026

๐—š๐—จ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”, ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก! ๐— ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—ž๐—ข๐—— ๐—ž๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก!

Sa papalapit na State of the Nation Address, kung saan muling ipipilit ng rehimeng US-Marcos ang huwad na pag-unlad habang patuloy na naghihirap ang masang Pilipino.

Habang naghahanda ang estado sa paglalahad ng mga kasinungalingan, ramdam ng mga iskolar ng bayan ang tunay na kalagayan ng patuloy na komersyalisasyon ng edukasyon at ang 'di sapat na serbisyong panlipunan.

Ngayon, higit kailanman, kailangan ang nagkakaisang kabataang handang tumindig para sa edukasyon at para sa bayan! Pag-aralan ang lipunan! Paglingkuran ang sambayanan!

๐—ฆ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป:
โœŠ tinyurl.com/AnakbayanCvSU
โœŠ tinyurl.com/AnakbayanCvSU
โœŠ tinyurl.com/AnakbayanCvSU


๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก: ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ž๐—ข๐—ง ๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐— ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ก ...
04/05/2026

๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก: ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ž๐—ข๐—ง ๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐— ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—จ๐— ๐—”๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก! โœŠโค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

Nagliliyab ang galit ng hanay ng kabsuhenyo noong ๐€๐›๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” upang isulong ang ๐Š๐š๐›๐ฌ๐ฎ๐ก๐ž๐ง๐ฒ๐จ'๐ฌ ๐ƒ๐š๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐€๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง sa tapat ng Laya't Diwa. Tahasan nitong inirehistro ang mga panawagan na wakasan ang red-tagging sa mga progresibong lider estudyante at mga pangmasang organisasyong naninidigan para sa kapakanan nang marami. Dahil ang pagsasalita laban sa inhustisya ay hindi kailanman magiging mali! Iginiit din nito na ibasura ang pagpapatupad ng Flexible Learning Modality sa pamantasan na dumagdag lamang sa pasanin ng mga estudyante.

Sapagkat ang edukasyon ay dapat maging isang karapatan hindi lamang pribilehiyo nang iilan! Ang hungkag na memorandum na ipinatupad sa pamantasan ng Cavite State University ay nagpapatindi lamang sa krisis sa edukasyon at nag-iiwan sa mga maralitang estudyante. Gayundin, ipinaglaban ng mga progresibong grupo ang tunay na representasyon sa mga estudyante, marapat lamang na magkaroon ng lideratong tunay na naglilingkod at nagtatanggol sa interes ng mga Kabsuhenyo.

Subalit hindi nagtatapos ang laban sa loob ng loob ng pamantasan. Dahil ang krisis sa edukasyon ay direktang nakatali sa krisis ng lipunan.
Ang malawakang pagkilos noong ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐”๐ง๐จ ay buong-lakas na lumawakโ€”mula sa pamantasan tungo sa lansanganโ€” upang makiisa sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa ๐‚๐ซ๐จ๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐ , ๐‚๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐›๐š, ๐‹๐š๐ ๐ฎ๐ง๐š.

Takot ang estado sa nagkakaisang lakas ng kabataan at manggagawa! Upang pigilan ang pag-abante ng hanay ng kabsuhenyo patungong Laguna, ipinakita ng mga kapulisan at mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang tunay na anyo bilang mga pasista at galamay ng panunupil ng estado.
Tahasang hinarangan nang tatlong beses ang delegasyon ng CvSU. Sa halip na maglingkod sa mamamayan, nag-imbento ang mga pulis ng kung ano-anong bogus na violation upang pigilan na makadugsong ang hanay ng kabsuhenyo sa pakikiisa sa paggunita ng pandaigdigang araw ng mga manggawa.

Ginamit ng mga ito ang ng pananakot at sikolohikal na intimidasyon hanggang ang mismong tsuper na ang umatras dahil sa takot na mabaon sa mga gawa-gawang violation.
Ginamit nila ang kanilang mga posisyon upang harangan ang pag-usad ng delegasyon ng kabsuhenyo, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ผ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป!

Kailanman ay hindi matatakot at aatras ang sambayanang lumalaban sa anumang anyo ng pananakot at pasismo ng hanay ng kapulisan! Kung inaakala ng pasistang estado na mapatatahimik niyo ang panawagan ng taumbayan sa pamamagitan ng tiket, multa, at barikada, nagkakamali kayo! Ang bawat panghaharang ay nagsisilbi lamang na gatong sa nagliliyab na galit ng mamamayan na patuloy na pinagsasamantalahan. ๐—Ÿ๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป!

Ang Araw ng Paggawa ay hindi isang simpleng selebrasyonโ€”ito ay araw ng pag-aalsa! Ito ay pagpaparangal sa makasaysayan at madugong pakikibaka ng uring manggagawa laban sa pagsasamantala ng mga kapitalista. Ang sahod, trabaho, at karapatan ng mga manggagawa ay laban din ng kabataan. Ang mga magsasaka at manggagawa ang nagpapakain at nagpapatakbo sa bansa, ngunit sila ang pinagkakaitan.

Bawat sentimo ng pondo ng pamantasan ay nagmumula sa buwis na pinagpaguran ng ating mga manggagawa, kaya marapat lamang na manindigan ang bawat iskolar ng bayan sa kanilang mga karapatan kapag ito'y pinagsasamantalahan. Ang mga estudyante ngayon ay ang mga manggagawa sa hinaharap. Kung hahayaan ng kabataan na magpatuloy ang mababang pasahod, kontraktwalisasyon, at kawalan ng benepisyo, ang kanilang sariling kinabukasan ang isasakripisyo. Ang lakas ng kabataan at ang lakas ng manggagawa, kapag pinagsama, ay pinakamakapangyarihang sandata laban sa panggigipit ng estado. Ang laban para sa nakabubuhay na sahod ay laban din para sa dekalidad na edukasyon!

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ, ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฌ๐˜ณ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ด๐˜บ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข!

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ!
๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—ธ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ!

Mariing kinukundena ng Anakbayan - Cavite State University ang sunod-sunod  at laganap na pag-atake ng mga red-tagging p...
25/04/2026

Mariing kinukundena ng Anakbayan - Cavite State University ang sunod-sunod at laganap na pag-atake ng mga red-tagging pages sa mga lider-estudyante at organisador na sina Gerald Ambata, Ella Bajado, at Ken Dustine Manuel.

Ang red-tagging ay isang gasgas na taktikang pagpapakalat ng maling impormasyon at intimidasyon upang limitahan ang kritikal na pag-iisip at kamalayang panlipunan ng mga estudyante. Hindi ito simpleng akusasyon kundi isang sistematikong pag-atake sa seguridad at kalayaan ng mga progresibong mga kabataan.

Malinaw sa ating mga kabataan ang importansya ng demokratikong pagkilos at kolektibong pagtindig. Kaya naman, sa panahong pilit tayong pinapatahimik ng sistemang mapang-api ay may patuloy na uusbong na mga kabataang nagnanais lumaban para sa kalayaan, karapatan, at hustisyang panlipunan.

HANDS OFF STUDENT LEADERS! NO TO RED TAGGING!

Address

Cavite State University
Indang

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anakbayan Cavite State University posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Anakbayan Cavite State University:

Shortcuts

Share