18/09/2025
๐๐๐๐ฆ๐จ๐๐๐ก๐ฌ๐ข๐ฆ, ๐ฃ๐จ๐๐ฆ๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐ฅ๐๐ ๐๐ข๐ก๐!
Hindi lingid sa atin ang kasalukuyang kalagayan โ sunod-sunod na budget cut sa edukasyon, kasama na ang ating sariling pamantasan. Sa halip na dagdagan ang suporta sa mga estudyanteng hirap nang makaraos, walang habas na binawasan ang pondo ng CvSU. Kasabay nito, patuloy ang pandarambong ng iilan sa kaban ng bayan, habang milyon-milyong Pilipino ang lalong nilulugmok sa kahirapan.
Ang sangkabaklaan, ang kabataan, ang masa โ lahat tayo biktima ng sistemang mapang-api at mapagsamantala. Hindi tayo ligtas sa epekto ng korapsyon at kapabayaan. Ngunit hindi tayo mananatiling tahimik!
Kaya ngayong September 19, 2025 โ 1PM, tayoโy lalabas ng mga silid-aralan! at sa darating na linggo September 21, 2025 โ 9AM tutungo tayo sa Luneta!
Hindi sapat ang pagkadismaya. Panahon na para kumilos. Sa bawat hakbang, sa bawat sigaw โ isinusulong natin ang panibagong umaga.
ALL STUDENTS UNITE!