13/08/2026
๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐ข ๐๐ง ๐๐: ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐๐๐ฃ๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐๐๐๐ฆ๐๐ ๐๐ง ๐ง๐จ๐๐๐ฌ ๐ฆ๐ ๐ฌ๐๐ ๐๐ก ๐ก๐ ๐๐ ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก
Sa paglipas ng panahon, nagbago man ang paraan ng paghahanap at pagbabahagi ng impormasyon, nananatili ang tungkulin ng wika bilang tulay ng kaalaman. Kasabay ng Wikang Filipino ang Artificial Intelligence o AI bilang makabagong kasangkapan sa pananaliksik. Ang AI ay isang teknolohiyang tumutulong sa atin upang mas mabilis na makuha, maunawaan, at mapalawak ang impormasyon.
Ngunit tulad ng kalayaan na ipinaglaban ng ating mga ninuno, ang paggamit ng teknolohiya ay may kaakibat ding pananagutan. Sa bawat impormasyong ating hinahanap at ibinabahagi, mahalaga na ito ay ating kinikilatis nang mabuti, ginagamitan ng wastong wika, at nagpapahalaga sa katotohanan.
Ang teknolohiya ay maaaring magbukas ng maraming pintuan tungo sa kaalaman, ngunit ang wikang Filipino ang nagbibigay sa atin ng tinig, pagkakakilanlan, at ugnayan sa ating sariling kasaysayan.
Mula sa nakaraan, tungo sa kasalukuyan, at patungo sa hinaharapโpatuloy nating gamitin ang wika at teknolohiya bilang kasangkapan sa pananaliksik at tulay sa mas malawak na yaman ng impormasyon.
_____
๐๐ฎ๐ฝ๐๐ถ๐ผ๐ป | Mae Margareth Villamor
๐๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ต๐ถ๐ฐ๐ | Gabriel Albis