28/09/2026
TINGNAN | Kabataan ng Kyusi, Nagtipon para sa EDJOP The Movie 🎬
Ang EDJOP ay isang historical family drama na hango sa totoong kuwento ni Edgar “Edjop” Jopson, isang student leader at aktibista noong panahon ng Martial Law. Tampok sa pelikula ang kanyang paglalakbay bilang kabataan, lider, at aktibista, pati na rin ang epekto ng kanyang buhay at mga pinili sa kanyang pamilya. Pinagbibidahan ito ni Elijah Canlas bilang Edgar “Edjop” Jopson. (EDJOP)
Noong Setyembre 27, nagsagawa si Atty. Jose Christopher “Kit” Belmonte ng isang espesyal na movie screening para sa mga kabataang Kyusi, na naging pagkakataon upang magsama-sama ang mga kabataan mula sa iba’t ibang paaralan at organisasyon sa Quezon City, kabilang ang Kabataan In Action (KIA).
Dinaluhan ang screening ng mga young leaders mula sa senior high school at Quezon City University, kasama ang SK Federation of Quezon City. Nakiisa rin sina Elijah Canlas at Joyette Jopson sa pagtitipon kasama ang mga kabataang Kyusi.
Higit pa sa panonood ng pelikula, naging pagkakataon ang aktibidad upang magkaroon ng masayang samahan, makapagpalitan ng kwento at karanasan, at makabuo ng panibagong ugnayan ang mga kabataan mula sa iba’t ibang grupo.
Para sa KIA, naging makabuluhan ang pagkakataong ito upang mapanood at mapag-isipan ang isang kuwentong may mahalagang bahagi sa kasaysayan ng kabataan at ng bansa, habang nakikibahagi rin sa isang pagtitipon na naglalapit sa mga kabataang Kyusi sa isa’t isa.
Maraming salamat kay Atty. Jose Christopher “Kit” Belmonte at QC Mayor Joy Belmonte, gayundin kina Elijah Canlas at Joyette Jopson ng EDJOP The Movie, sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na maging bahagi ng espesyal na pagtitipong ito. 🤝🎬