4S Share A Secret Spread Success Inc.

4S Share A Secret Spread Success Inc. Share A Secret Spread Success Layunin din nitong ibahagi ang saya kapag nakakapagbigay. ..
Paano nagsimula ang 4S? Kailan nagsimula ang 4S? Isa rito ay ang AG.

Ano ang 4S?

4S o Share a Secret Spread Success ay isang organization na naglalayong makatulong sa mga kabataang may pangarap na makatapos ng pag-aaral ngunit kapos sa pananalapi. Ang founder ay galing din sa mahirap na pamilya. Halos araw-araw ay nangungutang ang nanay niya para lang mapag-aral silang magkakapatid. Ipinangako niya sa sarili na balang araw ay babawasan niya ang mga nanay na nangungutang. Nagsimulang sumuporta ang founder sa ilang kabataang malalapit sa kanya noong 2008. Inilaunch ang 4S noong May 21, 2010. Sa June 2010 naman magsisimulang sumuporta ang 4S sa isang full scholar at isang half scholar. Sinu-sino ang mga bumubuo? Through blog, nahikayat ng founder ang kanyang mga kaibigan na samahan siya sa kanyang adhikain. Ito ay binubuo ng kanyang mga ka-pamilya, mga kaibigan, mga kaklase at mga katrabaho. Anu-ano ang mga tulong na ibinibigay ng 4S? Spiritual, Emotional at Financial support sa napiling scholar. Nagbibigay din ang 4S ng mga school supplies. Tuition fee – maximum of Php5,000
Uniform allowance – Php2,000
Book allowance – Php1,000
Monthly allowance – Php1,000

Paano makakatulong? Ang 4S ay binubuo ng 3 grupo – Time, Talent and Treasure groups. Maaaring sumali sa isa o higit pa sa mga gurpong ito. Time – ang grupong ito ay naatasang ipagdasal regularly ang mga sponsors, scholars at supporters ng 4S. Talent – Ang grupong ito ay nglalayong mangalap ng sponsors. Sa bawat Php50 na mabigay nila ay kapalit ng isang lapis/bookmark bilang pasasalamat sa kanila pagsuporta. Treasure – ang grupong ito ay binubuo ng mga taong willing magpledge once o monthly. Halimbawa ay minsanang pagbibgay ng Php1,000.00 o buwang pagbibigay ng Php50.00/Php100.00


Sino ang nangangalaga ng pondo? Ang pondo ay nasa pangangalaga ni Nelileen Sawali, isa sa mga members ng 4S Core group. Bank Name – BDO
Account Name – Nelileen A. Sawali
Account Number - 5330057532

Anu-ano pa ang mga gawaing nakapalibot sa 4S? Karamihan sa bumubuo ng 4S Core group ay PYM members. Kaya’t related ang mga activities ng 4S sa mga gawain ng PYM. Alaga Ko, Gabay Ko – ito ay paggabay sa mga bata sa kanilang paglaki sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga mabubuting asal. FACTS:

Kapag ipinanganak kang mahirap, mamamatay kang mahirap puwera na lang kung makakapag-asawa ka ng MMMM (matandang mayamang malapit ng mamatay) o magsisikap kang magtapos sa pag-aaral para magkaroon ng magandang buhay. Ang mga mayayamang pamilya ay 0-2 lamang ang bilang ng mga anak. ang mga nasa average family gaya namin ay 5-6 at ang mga sobrang mahihirap ay 7-sawa. Abala sa trabaho trabaho at ibang bagay ang mga mayayamang magulang samantalang ang mga mahihirap na magulang ay walang ibang masyadong magawa kaya palaging nagkakaumpugan sa loob ng bahay. In other words, may permanenteng trabaho ang mga mayayamang/average magulang dahil nakapagtapos ng pag-aaral samantalang ang mahihirap ay palaging contractual dahil kulang sa pinag-aralan. Kapag nakapagtapos sa pag-aaral ang panganay, malaki ang chance na makakapagtapos din ang mga kasunod na kapatid. Kapag hindi nakapagtapos sa pag-aaral ang panganay, malaki rin ang chance na hindi na makakapag-aral ang mga kasunod. Worst pa ay nag-aasawa ng maaga kaya mas nadadagdagan ang populasyon ng mahihirap. Karaniwwang naiinvolve sa krimen ang mga out-of-school youth. Dahil sa hindi naman kayang tustusan ng mga magulang ang pag-aaral, nagiging tambay na lang ang iba., nagmamarijuana o di kaya'y nagdodroga. Ang lahat ng problema ay may solusyon. Hindi man ultimate solution ang naiisip namin, naniniwala kami na malaking factor ang edukasyon sa mga facts na nabanggit. Hinihikayat namin kayong suportahan ang aming LABIS = LAPIS. Hinihiling namin ang inyong financial assistance galling sa inyong mga labis (excess money) na nagkakahalagang Php50.00 (or more) at bilang pasasalamat ay bibigyan namin kayo ng lapis sa bawat Php50.00 na ibibigay niyo, itong lapis ay may tatak na Share a Secret Spread Success. Ang pondong malilikom ay pagsasama-samahin pangsuporta sa pag-aaral ng mga piling scholars. Gagamitin din namin ang pondo sa pagbili ng school supplies na ipapamigay sa darating na pasukan. Maliit mang halaga kapag pinag-sama-sama ay malaki ang maidudulot na ligaya. Halos lahat po ng bumubuo ng 4S Core Team ay galling din sa mahirap na pamilya. Ngunit dahil sa pagsisikap nila at pagsuporta ng pamilya, nagawa nilang makapagtapos ng pag-aaral. Naging beneficiaries din sila ng mga government scholarship foundations. Ito po ay ginagawa namin para maibalik sa iba ang mga biyayang natanggap namin noong kami ay nag-aaral. Marahil, ikaw ay kagaya rin naming pinagsikapang ipangutang ng mga magulang ang tuition fees at allowance para lang magkaroon ng magandang kinabukasan. Ito na ang chance mong makatulong din sa iba. Makakatulong ka rin na mabawasan ang mga magulang na halos tuliro na sa araw-araw na pangungutang. SHARE A SECRET, SPREAD SUCCESS.

19/08/2026

Is life just a giant game of chess? ♟️

Coach Shiela Cancino , an ex-finance exec, Chess Olympiad player, and FIDE Woman Candidate Master, found the chessboard holds lessons for life.

She’s now behind the 4S Scholarship Foundation, Pinoy Impact Community, and Pinoy Chess Community Hong Kong.

In her UNCHARTED talk “The Smallest Piece,” Shiela shares the “Pawn to Queen” journey on how overlooked people can rise with strategy and self-belief. 👑

Come play with us on 2 October 2026. Get your early bird tickets now (link in bio) 🎟️

人生係唔係就好似一場國際象棋對局?♟️

前金融高管、國際象棋奧林匹克選手,並獲 FIDE「女子候補大師」稱號既Shiela Cancino在棋盤中領悟人生智慧。

她創辦左 4S 獎學金基金會、Pinoy 影響力社群及香港 Pinoy 國際象棋社群。🤝

在 UNCHARTED 演講“The Smallest Piece” 中,Shiela 分享「從小卒到王后」的旅程:被忽視的人如何憑策略與自信翻轉未來。👑

2026 年 10 月 2 日,同我們「對局」!🔗 用Bio 連結搶購早鳥門票!🎟️

Shiela Cancino Khey Cie Chazell Joy Creencia-Goboy  Precy Cancino Nympha Cancino-Maduli Yuan Yan Yana Rhai M. Cancino
06/07/2026

Shiela Cancino Khey Cie Chazell Joy Creencia-Goboy Precy Cancino Nympha Cancino-Maduli Yuan Yan Yana Rhai M. Cancino

Address

Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 4S Share A Secret Spread Success Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share