22/09/2026
Good news! Antayin na lang natin ang final advise from Bureau of Customs (BoC)
DOF, INALIS ANG EXCISE TAX SA LPG AT KEROSENE
Inanunsyo ni Finance Secretary Frederick Go na nilagdaan na niya ang resolusyong nag-aalis ng excise tax sa LPG at kerosene, kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East.
Ayon kay Go, agad niyang nilagdaan ang resolusyon matapos itong makarating sa kanya.
Samantala, hindi muna aalisin ang excise tax sa diesel at gasolina, dahil sinabi ng Department of Finance na maaaring magresulta ito sa malaking bawas sa kita ng pamahalaan.
Sa halip, nakatuon ang gobyerno sa targeted fuel subsidies para matulungan ang mga sektor na higit na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo.