ACT Private Schools U-Belt

ACT Private Schools U-Belt A militant, progressive, and nationalist organization of private school teachers around the University Belt area.

NEVER FORGET, NEVER AGAIN TO MARTIAL LAW! Ngayong araw, ginunita ng mga g**o mula sa University Belt ang ika-54 na anibe...
21/09/2026

NEVER FORGET, NEVER AGAIN TO MARTIAL LAW!

Ngayong araw, ginunita ng mga g**o mula sa University Belt ang ika-54 na anibersaryo ng Martial Law sa bansa. Saksi ang mga kalsada ng U-Belt sa taon-taong hindi pagkalimot ng sambayanan sa diktadurya ni Marcos Sr. Saksi rin ito sa patuloy na pagsingil ng mamamayan sa mga pondong kinurakot ni Marcos Jr at ng mga kasapakat nito. Hindi makakalimot ang mga taumbayan hangga't hindi napapanagot ang lahat ng sangkot hanggang sa tuktok!

Mula noon hanggang ngayon, patuloy pa rin ang korapsyon, pandarambong, at panunupil ng pamilyang Marcos. Walang kahit anong pambabaluktot sa kasaysayan ang makakabura nito.

LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!
IKULONG LAHAT NG KURAKOT!



21/09/2026
21/09/2026
21/09/2026
𝗨-π—•π—˜π—Ÿπ—§, 𝗛𝗨π—ͺπ—”π—š π— π—”π—žπ—”π—Ÿπ—œπ— π—’π—§! π—œπ—žπ—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š π—Ÿπ—”π—›π—”π—§ π—‘π—š π—¦π—”π—‘π—šπ—žπ—’π—§!Deka-dekada nang pasakit ang matinding pagbaha sa erya ng University B...
20/09/2026

𝗨-π—•π—˜π—Ÿπ—§, 𝗛𝗨π—ͺπ—”π—š π— π—”π—žπ—”π—Ÿπ—œπ— π—’π—§! π—œπ—žπ—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š π—Ÿπ—”π—›π—”π—§ π—‘π—š π—¦π—”π—‘π—šπ—žπ—’π—§!

Deka-dekada nang pasakit ang matinding pagbaha sa erya ng University Belt. Tuwing umuulan, kaba at pag-aalala ang nararamdaman ng mga estudyante, g**o, kawani, manggagawa, manininda, komyuter, at mga ordinaryong mamamayang araw-araw na bumabagtas sa mga kalsada ng U-Belt. Paano makakapasok? Paano makakauwi? Pagkatapos ng napakaraming taon at bilyun-bilyong ibinuhos na pondo, hindi ba dapat nasolusyonan na ng gobyerno ang matinding pagbaha rito?

Hindi dapat maging normal na lamang ang paulit-ulit na pagkalubog sa baha ng University Belt. Hindi dapat magtiis at tanggapin na lamang ang mga pasakit at pwerwisyo nito sa buhay, kabuhayan at edukasyon.

Setyembre 21 noong nakaraang taon, makasaysayan ang naging pagkilos ng mamamayan para panagutin ang lahat ng sangkot sa malawakang pandarambong sa flood-control. Kalahok dito ang maraming g**o, kawani, estudyante at mamamayan ng U-belt. Hindi na lamang tayo mga nagtitiis na biktima ng pagbaha, o mga pasibong saksi sa mga rali na nagaganap sa Mendiola. Aktibo tayong kumilos at naningil ng pagpapanagot at hustisya.

Sa Setyembre 21, 2026, tuloy ang ating paniningil at pagpapanagot sa mga kawatan. Bahain natin muli ng protesta ang mga kalsada ng Mendiola upang iggit ang ating mga panawagan. Hindi tayo nakakalimot! Hindi tayo nananahimik! Hindi natin matatanggap ang walang katapusang pagbaha habang kinukurakot ang pondong bayan!

𝗦𝗨𝗠𝗔𝗠𝗔 𝗑𝗔 𝗦𝗔 𝗣π—₯π—’π—§π—˜π—¦π—§π—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑!
πŸ“Œ3PM, Liwasang Bonifacio
πŸ“Œ5PM, Mendiola

π—Ÿπ—”π—›π—”π—§ π—‘π—š π—¦π—”π—‘π—šπ—žπ—’π—§, 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 π— π—”π—‘π—”π—šπ—’π—§!
π—œπ—žπ—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š π—Ÿπ—”π—›π—”π—§ π—‘π—š π—žπ—¨π—₯π—”π—žπ—’π—§!


TINGNAN: Naglunsad ng Black Friday Protest ang mga mag-aaral mula sa University Belt tatlong araw bago ang ika-54 na kom...
20/09/2026

TINGNAN: Naglunsad ng Black Friday Protest ang mga mag-aaral mula sa University Belt tatlong araw bago ang ika-54 na komemorasyon ng Martial Law sa ating bansa.

Danas ng mga kabataan ang epekto ng korapsyon sa aming edukasyon. Madaling bumaha sa Espana at kahit sa loob ng mga campus. Ang paglulunsad ng online classes na rin ang normal na setup sa maraming pamantasan, kasabay ng pagtaas ng tuition taon-taon. Habang represyon sa mga mag-aaral na kritikal at lumalaban ang tugon ng mga administrasyon.

Sa kabila ng lahat ng ito, tumitindig kami sa aming karapatang magmulat, mag-organisa at magpakilos.

Sa September 21, imbitado ang lahat na dumalo at magpadalo sa gaganaping pagkilos:
12:30 Assembly @ P. Noval
1 pm Program @ P. Noval
2 pm march to Liwasang Bonifacio
3 pm Program @ Liwasang Bonifacio
5 pm Program @ Mendiola

Kitakits!




HINDING-HINDI MAKAKALIMOT ANG UNIVERSITY BELT! PATUMBAHIN ANG KORAPSYON AT IMPYUNIDAD! Nagsabit ang One UBelt ng banner ...
20/09/2026

HINDING-HINDI MAKAKALIMOT ANG UNIVERSITY BELT! PATUMBAHIN ANG KORAPSYON AT IMPYUNIDAD!

Nagsabit ang One UBelt ng banner sa Morayta footbridge bilang paghahanda at pag-imbita sa lahat ng mga kabataan sa mga University Belt area na makiisa sa pag-alala at pagkilos sa September 21. Nakalagay sa banner ang panawagang "UNIVERSITY BELT, TACKLE THE BARRICADE OF CORRUPTION AND IMPUNITY! STRUGGLE FOR A JUST SYSTEM! NEVER AGAIN! NEVER FORGET!

Sama-sama nating labanan ang mga komersyalisado at represibong polisiya sa ating mga pamantasan, katulad na lang ng nararanasang tuition increase sa FEU, FEU Institute of Technology, NTC; atake sa mga mag-aaral sa UST; penalty fees at Digital Communications policy sa Arellano at tila normalisadong presensya ng kapulisan sa loob at labas ng ating mga pamantasan.

Kung paano rin binenta ng kanyang diktador na ama ang ating yaman at lakas-paggawa, ganito rin ang ginagawa ngayon ni Marcos Jr. sa kanyang pagsali sa Pax Silica initiative ng Estados Unidos.

Kaya naman, iniimbitahan ang lahat sa September 21:
12:30 pm @ Jollibee P. Noval - Assembly
1 pm @ P. Noval - Program
2 pm March to Liwasang Bonifacio



17/09/2026

Bahain ng Protesta ang mga korap at pahirap!
Panagutin ang Sangkot Hanggang sa Tuktok!
21 Setyembre 2026 Liwasang Bonifacio 3:00 pm

Kita-kits! Unang anibersaryo ng Baha sa Luneta at Trillion Peso March. Tuloy ang laban sa baha, korapsyon, kahirapan, at kawalang pananagutan!

Mga g**o ng bayan, kumilos at makisangkot.



Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ACT Private Schools U-Belt posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share