09/05/2026
๐๐๐ฉ๐๐ญ๐๐ค ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐๐ซ ๐โค๏ธโ๐ฅ
Nagkaisa ang GRPWN Organization sa isang araw ng pakikiisa at paglilingkod para sa mga tsuper sa kahabaan ng Espaรฑa, Manila sa pamamagitan ng pamamahagi ng tubig at pagkain.
Sa gitna ng patuloy na laban ng sektor ng transportasyon, muling pinatunayan ng kabataan na hindi nag-iisa ang mga tsuper at komyuter sa paniningil ng makatarungan at makataong pampublikong transportasyon.
Sa likod ng mga ngiti ng mga tsuper ang kanilang pagtitiis sa pagsirit ng presyo ng langis at pang-araw-araw na pangangailangan; ang kanilang laban sa nakabubuhay na โฑ1,200 na sahod at pagbasura ng Oil Deregulation Law at value-added taxes o VAT.
Ang panawagan ng kabataan:
Serbisyo sa tao, huwag gawing negosyo!
Sa laban ng tsuper, kasama ang komyuter!
Patuloy tayong manindigan at makiisa para sa karapatan at kabuhayan ng mga tsuper sapagkat ang laban nila ay laban din ng mamamayan. โ
Photos by Nine Fangki, Gavin Navarro
Pubmat by Jacob Bituin