Anakbayan UP Clark

Anakbayan UP Clark Ang Anakbayan UP Clark ang pinakakomprehensibong pangmasang organisasyon ng kabataan sa UP Clark. SUMALI SA ANAKBAYAN UP CLARK!

KABATAAN NG PAMPANGA, LUMIKHA NG KASAYSAYAN! ANAKBAYAN @ 27!Isang mainit at mapulang pagbati ang ipinaaabot nating lahat...
30/11/2025

KABATAAN NG PAMPANGA, LUMIKHA NG KASAYSAYAN! ANAKBAYAN @ 27!

Isang mainit at mapulang pagbati ang ipinaaabot nating lahat sa mga kabataan, sa kanilang paggunita ng ika-27 na anibersaryo ng pinaka komprehensibong pangmasang organisasyon ng mga kabataan - ang ANAKBAYAN!

Kasama ang iba't ibang organisasyon ng mga mamamayan sa Gitnang Luzon, nakiisa ang Anakbayan Pampanga sa isang kilos protesta para tuligsain ang malawakang korapsyon sa gubyerno, manawagan ng pagpapatalsik sa rehimeng Marcos-Duterte, at pananawagan ng pagsusulong ng pambansang demokrasya.

Si Marcos at Duterte ang hari at reyna ng korap! Walang anumang ghost projects ang maaaprubahan nang walang aprubal mula sa kanila, laluna kay Marcos! Sila ang pasimuno ng karagapalan sa gubyerno!

Ang pagkilos para pataksilin hindi lang si Marcos, kundi maging si Duterte, at pagtatayo ng isang transition council, ang pinakawastong panawagan sa harap ng sistematikong pagpapahirap ng burukrata kapitalismo, imperyalismo at pyudalismo sa sambayanan.

Sa pangunguna ng Anakbayan Pampanga, tiyak na maipagtatagumpay ng mga kabataan ang ubos-lakas na pagpapalawak, pagpapalakas at paglaban — para sa pagbagsak ng rehimeng Marcos-Duterte at sa pagsusulong ng pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba!

Sa probinsya ng Pampanga, nagsisilbing isang tanglaw sa mga kabataan ang pagkakatayo at muling pagpapalakas ng hanay ng Anakbayan Pampanga. Sa pamamagitan ng AB Pampanga, muling nagkaroon ng daluyan ang mga kabataan para ibayong magmulat, mag-organisa at magpakilos ng kapwa mga kabataan.

Mula sa AB Pampanga, nagbunga ang pagsisikap ng mga kabataan na itayo ang Anakbayan sa paglitaw ng kanyang mga balangay sa DHVSU, UP Clark at AUF. Sa kasalukuyan, ang tatlong balangay na ito at ang probinsyal na balangay, ay mga patunay sa kagustuhan ng mga kabataang sumapi sa Anakbayan.

Sa pamamagitan ng AB DHVSU, nailantad ng mga Honorians ang kanilang mga hinaing laban sa korap at abusadong pamamahala sa pamantasan, at ang anti-demokratikong mga atake mula sa berdugong NTF-ELCAC at NICA.

Bitbit ang kaparehong militansya, inirehistro ng mga iskolar ng bayan ng Anakbayan UP Clark ang kanilang panawagan para sa mas mataas na badyet sa edukasyon at ang pagkakaroon ng mga batayang serbisyong pang-estudyante sa kanilang pamantasan.

At ang pinakahuling naitatag, mapagpasyang naibwelo ng mga Angeleneans ng AB Angeles University Foundation ang pagtatatag ng kanilang balangay sa pamamagitan ng pananawagan ng mas makataong pagtugon sa kagalingan at kalagayan ng mga estudyante at ang pagbibigay ng abot-kayang edukasyon para sa lahat.

Malawak at malayo na ang naabot ng Anakbayan Pampanga sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos ng mga kabataan. Ngunit marami pa ang kailangang trabauhin at malayo pa ang daan na kailangang tahakin.

Sa rebolusyong diwa ng Katipunan at militanteng tradisyon ng Kabataang Makabayan, mapagpasyang palalakasin ng mga kabataan ang Anakbayan sa buong probinsya at rehiyon! Itatatag natin ang Anakbayan saanman may konsentrasyon ng kabataan, at sa pagsuong natin sa anumang kahirapan, buong-lakas nating ipagtatagumpay ang lahat ng ating kampanya at panawagan!

ISABUHAY ANG REBOLUSYUNARYONG DIWA NG KATIPUNAN AT KABATAANG MAKABAYAN!

KABATAAN, PAG-ARALAN ANG LIPUNAN! PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN!

LUMALAKAS, LUMALAWAK, LUMABAN!
ANAKBAYAN!

TINGNAN: BayaniONE Clark Against CorruptionNagtipon at nagmartsa ang mga Nationalians, mga Iskolar ng Bayan, kasama ang ...
21/11/2025

TINGNAN: BayaniONE Clark Against Corruption

Nagtipon at nagmartsa ang mga Nationalians, mga Iskolar ng Bayan, kasama ang iba pang mag-aaral ng Angeles, sa Bayanihan Terminal upang tumindig laban sa korapsyon na patuloy na nagpapahirap sa mamamayang Pilipino.

Ang BayaniONE Clark Against Corruption ay tipunan ng mga mag-aaral na layuning lumaban sa malawakang korapsyon at ipaglaban ang karapatan ng mga mamamayang Pilipino. Sa pangaabuso ng mga nasa posisyon sa kanilang kapangyarihan, ating ipinapakita na ngayon higit kailanman, hinding hindi matatahimik ang tinig ng pakikibaka.

Sa malawakang pagkilos na ito, ipinamalas ng kabataan na hindi sila basta-basta magpapatinag sa katiwalian at pang-aapi. Patuloy nilang isusulong ang pananagutan, at tunay na paglilingkod-bayan. Sa pag-iingay ng kanilang tinig at pag-angkin ng kanilang lakas, patuloy nilang ipinapakita na ang kabataan ang tunay na lakas ng pagbabago.

EDUKASYON, KARAPATAN NG MAMAMAYAN!
PATALSAKIN ANG BULOK NA REHIMENG MARCOS-DUTERTE!

IPAGLABAN ANG KARAPATAN SA EDUKASYON! PATALSIKIN ANG KORAP AT PASISTANG REHIMENG MARCOS-DUTERTE! ISULONG ANG PAMBANSANG ...
20/11/2025

IPAGLABAN ANG KARAPATAN SA EDUKASYON! PATALSIKIN ANG KORAP AT PASISTANG REHIMENG MARCOS-DUTERTE! ISULONG ANG PAMBANSANG DEMOKRASYA!

Sa harap ng kakulangan sa badyet sa edukasyon, at patuloy na paglala ng korapsyon, tungkulin nating ipagtanggol ang edukasyon bilang isang pangunahing karapatan at hindi pribilehiyo. Sa UP Clark lamang, danas ng mga mag-aaral ang pisikal na manipestasyon ng pangungurakot sa badyet ng edukasyon. Nagsisiksikan ang mga mag-aaral sa iilang espasyong pang-estudyante at nagtitiis sa kawalan ng genuine psychological services. Ang bawat kabataan ay dapat magkaroon ng akses sa dekalidad na edukasyon—edukasyong nagbibigay-laya, at hindi naglilimita sa kinabukasan.

Sa ilalim ng bulok, korap, at mapanupil na pamumuno ng rehimeng Marcos–Duterte, lalong luminaw kung paanong pinahihina ang sektor ng edukasyon: kaltas sa badyet, pag-atake sa mga progresibong organisasyon, at pagpapatahimik sa mga kritisismo.

Hindi karapat-dapat ang pamahalaang inuuna ang pansariling interes kaysa sa kapakanan ng kabataan at mamamayan. Sa gitna nito, kailangang maging matatag ang ating paninindigan: wakasan na ang abusadong pamamahala, at panagutin ang mga nasa poder ng kapangyarihan.

Kaya ngayon higit kailanman, kailangan natin ang sama-samang pagkilos. Patalsikin ang korap at pasistang rehimeng Marcos–Duterte na patuloy na nagpapahirap at nagpapatahimik sa bayan. Tanging sa pagsulong ng pambansang demokrasya natin matatamasa ang tunay na kalayaan. Sa pagkakaisa ng kabataan, g**o, manggagawa, at buong sambayanan, maipagpapatuloy natin ang laban para sa isang lipunang may hustisya, may pananagutan, at may edukasyong tunay na para sa lahat. Ang laban para sa edukasyon ay laban para sa kinabukasan, at hindi tayo titigil hanggang makamit ito.

Kaya UPDEPPO, WALK OUT NA! Makilahok sa salubungan sa Bayanihan Terminal!
Pagpanagutin ang mga kurakot! Lumikha ng kasaysayan!

UPDEPPO WALKOUT
📅 November 21, 2025
🕚 11:00 AM
Route:
Start – Snake Rally from the 3rd Floor
➡️ Lobby – Gather up
➡️ Covered Court – End point
➡️ Ride jeepneys to Maingate

BAYANI-ONE CLARK AGAINST CORRUPTION
📅 November 21, 2025
🕛 12:00 NN
📍 Gather at Maingate (in front of Green Jeep Sakayan/Yumcha)

💬SUMALI SA COORDINATION GC:
https://m.me/j/AbaEvN6PdQma4ORp/
https://m.me/j/AbaEvN6PdQma4ORp/

❗CALL FOR DONATIONS❗Binubukas po ng Anakbayan Pampanga ang donasyon sa sinumang nais tumulong sa mga sinalanta ng bagyon...
10/11/2025

❗CALL FOR DONATIONS❗

Binubukas po ng Anakbayan Pampanga ang donasyon sa sinumang nais tumulong sa mga sinalanta ng bagyong Uwan sa Pampanga. Tumatanggap po kami ng in-kind at in-cash na mga donasyon para sa ating mga kababayan.

Para rin ho sa karagdagang tulong, maaari niyo po kaming padalhan ng mga litrado o video ng mga lugar na binaha o stranded na, alinmang sulok ng Pampanga. Makakatulong po ito para matukoy natin ang mga lugar na pinakanaapektuhan ng sakuna.

Maraming salamat po! ✊

KAPAHINGAHAN NG MGA ISKOLAR NG BAYAN, HINDI LUHO KUNDI KARAPATAN!UPDEPPO ADMIN, MAKINIG SA TINIG NG MGA MAG-AARAL!Kamaka...
03/11/2025

KAPAHINGAHAN NG MGA ISKOLAR NG BAYAN, HINDI LUHO KUNDI KARAPATAN!
UPDEPPO ADMIN, MAKINIG SA TINIG NG MGA MAG-AARAL!

Kamakailan lamang, nagpaabot ng petisyon ang UP Diliman University Student Council (USC) kasama ang University Freshie Council (UFC) at League of College Councils (LCC) kaugnay ng natanggap na humigit 5,000 estudyanteng umaapila sa pangangailangan ng health break. Kaugnay nito, humigit 7,000 estudyante ang lumagda sa naturang petisyon bilang simbolo ng pakikiisa sa panawagan ng mga mag-aaral. Subalit hindi napagbigyan ang naturang petisyon at iginiit na status quo ang mangyayari sa darating na linggo.

Matataandaan na nito lamang nakaraang buwan, Oktubre, naging talamak ang mga kaso ng flu at sumipa ang kaso ng mga estudyanteng nakararanas ng sintomas nito. Patuloy ang pagtaas ng banta sa kalusugan ng mga mag-aaral—sa pisikal at maging sa mental na kalusugan. Marami ring estudyante ang nagpaabot ng kanilang hinaing tungkol sa nararanasang pagod at dinaranas na anxiety at stress dulot ng patong-patong na trabaho. Patunay lamang ito ng paghihirap ng mga mag-aaral sa sistema ng edukasyon na hindi maka-estudyante at hindi prayoridad ang mga mag-aaral.

Natanggap na ng UP Clark-Subic Student Council ang opisyal na tugon ng administrasyon ng UPDEPPO hinggil sa panawagan ng mga estudyante para sa Wellness Break at Academic Leniency. Bagama’t ipinahayag ni Director Patrick De Leon ang kaniyang pag-unawa kuno sa kalagayan ng mga mag-aaral, nananatiling hindi pa rin natutugunan ang hinaing ng mga estudyanteng nananawagn para sa sapat na pahinga.

Sa halip na agarang tugunan at bigyan ng kaukulang pansin ang pasakit ng mga estudyante, mariing nanindigan ang administrador na kapwa ang mga estudyante, mga propesor, at mga kawani ng pamantasan ay nahihirapan at dinaranas din ang iniinda ng mga estudyante. Iginiit pa niya na maaari namang lumipat ng University of the Philippines Open University (UPOU) kung nahihirapang sumabay sa sistema at panuntunan ng pamantasan, o hindi kaya ay pansamantalang maghain ng Leave of Absence (LOA) kung hindi maginhawa ang pakiramdam at kailangan ng pahinga. Talaga nga namang sinusubok ng administrador ang hangganan ng kakayahan ng mga estudyante.

Hindi na nga napagbigyan ang hinaing ng mga iskolar, ipinataw pa sa mukha ng mga mag-aaral na ang tanging solusyon sa kanilang idinaraing ay palabas ng unibersidad. Nakapanghihilakbot tayain na tila tahasang binabalewala at isinasantabi ng administrasyon ang kalagyan ng mga iskolar. At higit sa lahat, mistulang walang pakundangan kung bastusin at yurakan ang panawagan ng sangkaestudyantehan!

Iskolar ng Bayan, magpatuloy sa paggigiit ng panawagan! Tumindig sa mga batayang karapatan para sa edukasyon at panagutin ang sistemang inuubos ang ating lakas para sa interes ng mga naghaharing-uri. Tara na’t makibaka para sa tunay na libreng edukasyon!

Address

University Of The Philippines Diliman Extension Program In Pampanga Ramon Magsaysay Highway Extension Clark Freeport Zone, Pampanga
Mabalacat
2010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anakbayan UP Clark posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share