Gabu National High School

Directions Contact the organization

Gabu National High School A platform to broadcast school's undertakings, providing fast, accessible and reliable information.

GNHS Leads 612 Participants in Q4 NSEDNovember 5, 2026 — Demonstrating a culture of disaster preparedness and community ...
05/11/2026

GNHS Leads 612 Participants in Q4 NSED

November 5, 2026 — Demonstrating a culture of disaster preparedness and community collaboration, Gabu National High School (GNHS) mobilized 612 participants from the school and partner agencies for the Fourth Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED), reinforcing coordinated emergency response and the shared commitment to saving lives.

Participants were 406 learners, 43 school personnel, and 163 personnel from partner agencies composed of 13 Bureau of Fire Protection (BFP), 22 Philippine National Police (PNP), 16 City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), 10 City Health Office (CHO), 9 Department of Public Services (DPS) , 20 Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), 5 Philippine Coast Guard (PCG), 30 City Social Welfare and Development Office (CSWDO), and 38 barangay officials from Metro Gabu.

During the post-drill evaluation, PDRRMO Head Marcel Tabije commended GNHS for its active participation and impressive display of preparedness.

"I truly appreciate Gabu NHS for the presence of hard hats which are appropriate protective equipment during emergencies," Tabije commended.

Meanwhile, PMAJ Antonio Marzan Jr. of the Police Community Affairs and Development Unit (PCADU) encouraged the integration of regular earthquake and emergency drills into school activities. He also underscored the importance of preparing essential emergency supplies, particularly Go Bags, updated emergency contact details, and first aid kits, to ensure immediate response and assistance during disasters.

Punong Barangay Jovito Sablay of Barangay 34-B Gabu Norte congratulated the school for conducting a well-organized and well-coordinated drill. He also highlighted the significant roles and responsibilities of barangay officials in emergency situations, emphasizing the importance of strong collaboration between the school and the community in ensuring thek safety of everyone.

Adding to the positive assessment, Mary Joan Pasigui of the City Social Welfare and Development Office (CSWDO) expressed her excellent rating and commendation for GNHS, particularly recognizing the participants' proper ex*****on of the Duck, Cover, and Hold procedure.

Similarly, Mr. Michael Pe Benito of the PDRRMO recognized the participants for a job well done. However, he challenged school personnel to further strengthen the School Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Command through continuous capacity-building activities, specialized trainings, and regular emergency drills to enhance the school's readiness and response capabilities.

The successful conduct of the activity highlighted the importance of collective preparedness, coordinated response, and active community participation in minimizing disaster risks and protecting lives.

Through the continued partnership of the school, local government units, emergency response agencies, and community stakeholders, Gabu National High School remains steadfast in its commitment to building a safer, more resilient, and disaster-prepared school community.

At GNHS, preparedness is not just a drill—it is a shared commitment to save lives.

BALITA | GNHS Pinarangalan ang Serbisyo ni Mariano, Malugod na Tinanggap si Arrieta sa “Salute and Welcome”GNHS LAOAG CI...
21/10/2026

BALITA | GNHS Pinarangalan ang Serbisyo ni Mariano, Malugod na Tinanggap si Arrieta sa “Salute and Welcome”

GNHS LAOAG CITY, Ilocos Norte — Sa diwa ng pasasalamat, pagkilala, at panibagong pag-asa, nagsama-sama ang mga g**o, mag-aaral, magulang, alumni, at iba pang katuwang ng Gabu National High School (GNHS) sa programang “Salute and Welcome: A Jewel Moment of Gratitude and New Beginnings” noong Oktubre 21, 2026, ganap na alas-kuwatro ng hapon.

Pinarangalan sa pagtitipon si Gng. Susan A. Mariano para sa kaniyang 20 buwang paglilingkod bilang punongg**o IV ng paaralan, kasabay ng mainit na pagtanggap kay G. Jerrimie A. Arrieta bilang bagong punongg**o II. Naging mahalagang bahagi ng programa ang pagpapahayag ng pasasalamat sa mga naiambag ni Gng. Mariano at ang pagpapakita ng suporta sa panibagong yugto ng pamumuno ni G. Arrieta.

Sa kaniyang mensahe, taos-puso ngunit emosyonal na ipinahayag ni Gng. Mariano ang pasasalamat sa mga educational partner na patuloy na naging katuwang ng paaralan sa iba’t ibang gawain at programa.

“Lubos ang aking pasasalamat sa ating educational partners na hindi nagsawang sumuporta sa lahat ng mga gawain ng paaralan. Kayo ang higit kong ipinagmamalaki sa lahat ng oras. Hindi ko man masuklian ang inyong mga sakripisyo ay baon ko naman sa panibagong istasyon ang pagmamahal, suporta at pag-asa; pihadong ipagpapatuloy ninyo ang ating mga nasimulang adhikain para sa mahal nating Gabu NHS,” pahayag ni Gng. Mariano.

Binigyang-diin ng kaniyang mensahe ang mahalagang papel ng mga katuwang ng paaralan sa pagsasakatuparan ng mga layuning pang-edukasyon. Sa kabila ng pagtatapos ng kaniyang panunungkulan sa GNHS, ipinahayag niya ang pag-asang magpapatuloy ang mga nasimulang programa at adhikain sa tulong ng mga taong patuloy na naniniwala sa kakayahan ng paaralan.

Samantala, nagpahayag naman ng pagkagulat at pasasalamat si G. Arrieta sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng komunidad ng GNHS, lalo na ng mga stakeholder na inaasahang magiging katuwang niya sa pamumuno.

“Hindi ko inakala na napakainit ng inyong pagtanggap sa akin, lalo na sa mga katuwang at kasama nating stakeholders. Sa inyong mga mensahe na tila hamon sa susunod na yapak ni Mam Susan ay maaabot nating sabay-sabay ang anomang naisin para sa ikauunlad ng Gabu NHS, lalo na sa mga mag-aaral,” ani G. Arrieta.

Ipinakita ng kaniyang pahayag ang pagkilala sa mga naunang pagsisikap ni Gng. Mariano at ang kahandaang makipagtulungan sa mga stakeholder upang maipagpatuloy at higit pang mapahusay ang mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Nakiisa rin sa pagbibigay-pugay at pagtanggap sina Supreme Secondary Learner Government (SSLG) President Daniella Jhade Rosales, Teaching and Non-Teaching Association (TNTA) President Gerovic A.Chano, School Parent-Teacher Association (SPTA) President Jesusa Andres, School Governance Council (SGC) President Virgilio Calaro, Alumni Association President Emelson Retutal na kinatawanan ni Pastor Rafael Asuncion at mga opisyal ng mga barangay na katuwang ng paaralan na sina Punong Barangay Jovito Sablay (34B Gabu Norte) at Punong Barangay Jose Francisco Ranada Jr (35 Gabu Sur). Sa kanilang mga mensahe, ipinahayag nila ang pasasalamat kay Gng. Mariano sa kaniyang serbisyo at ang suporta kay G. Arrieta sa pagsisimula ng kaniyang panibagong tungkulin.

Binigyang-diin ng mga educational partner na ang pagkilala kay Gng. Mariano at pagtanggap kay G. Arrieta ay higit pa sa pagbabago ng liderato. Sumasalamin ito sa patuloy na pananagutan ng buong komunidad para sa pangarap, pag-asa, at pagkakaisang magpapatatag sa GNHS at magbibigay ng mas magandang kinabukasan sa mga mag-aaral.

Naging makabuluhan din ang programa sa pamamagitan ng mga pagtatanghal ng mga g**o sa Senior High School at Junior High School na pinamagatang “A Legacy of Service" para Kay Gng. Mariano at “A Future of Promise" para Kay G. Arrieta. Lalong naging emosyonal at makabuluhan nang sinundan ito ng pormal na paglilipat ng mga responsibilidad at iba pang mensahe ng pasasalamat at pagtanggap.

Sa pagtatapos ng programa, muling namayani ang diwa ng “Salute and Welcome”—ang pagkilalang ang tunay na pamana ng isang pinuno ay hindi lamang nasusukat sa mga programang naipatupad, kundi sa mga ugnayang nabuo, tiwalang naitatag, at adhikaing naipagpapatuloy. Sinundan ito ng payak na salo-salo na repleksyon ng mabuting samahan at alyansa.

Sa GNHS, maaaring magbago ang namumuno, ngunit nananatiling buhay ang iisang layunin: ang sama-samang pagkilos para sa de-kalidad na edukasyon at mas magandang kinabukasan ng bawat mag-aaral.

GNHS Welcomes New School Head, Reinforces Learner SafetyGabu National High School welcomed School Principal II Jerrimie ...
19/10/2026

GNHS Welcomes New School Head, Reinforces Learner Safety

Gabu National High School welcomed School Principal II Jerrimie A. Arrieta during the Flag Raising Ceremony on October 19, 2026. In his message, Mr. Arrieta expressed his gratitude to the learners and school personnel for the warm welcome and for receiving him with open arms as he begins his new assignment. He acknowledged the importance of working together with the school community in carrying out the school’s programs and responsibilities.

The ceremony also highlighted learner safety through the talk of PCpl Khyrk Harrence Hangdanan, who emphasized the need to strengthen school safety protocols. His message underscored the importance of vigilance, cooperation, and compliance with established safety measures to help prevent untoward incidents and protect learners within the school premises.

The activity served as an opportunity to welcome new leadership while renewing the school community’s commitment to maintaining a safe, orderly, and learner-friendly environment.

With great joy, the Gabu National High School family warmly welcomes Mr. Jerrimie Arrieta!As you begin this new JEM: Jou...
16/10/2026

With great joy, the Gabu National High School family warmly welcomes Mr. Jerrimie Arrieta!

As you begin this new JEM: Journey to Excellence and Mastery of school leadership and service, may your presence inspire excellence, strengthen collaboration, and open new opportunities for our learners and the community. Together, let us build a stronger GNHS community grounded in shared vision, commitment, and hope in continuing the spirit of sharks as Jewel of the North.

Thank you, Ma'am Susan A. Mariano, for your years of dedicated service, your meaningful leadership, and your invaluable ...
16/10/2026

Thank you, Ma'am Susan A. Mariano, for your years of dedicated service, your meaningful leadership, and your invaluable contributions to Gabu National High School. Your name "SUSAN" will always mean to us Service, Unity, Strength, Aspiration, and a Never-ending legacy of gratitude...
The GNHS community is wishing you all the best and continue the spirit of shark at Ilocos Norte Regional School of Fisheries ma'am...

TINGNAN | GNHS, NAKIISA SA NATIONAL SCHOOL SAFETY WEEK; KAPULISAN, KAAGAPAY SA LIGTAS NA PAARALANLAOAG CITY, Oktubre 12,...
12/10/2026

TINGNAN | GNHS, NAKIISA SA NATIONAL SCHOOL SAFETY WEEK; KAPULISAN, KAAGAPAY SA LIGTAS NA PAARALAN

LAOAG CITY, Oktubre 12, 2026 — Nagpahayag ng pakikiisa ang Gabu National High School (GNHS) sa pagdiriwang ng National School Safety Week sa pamamagitan ng pagtataguyod ng ligtas, inklusibo, at protektadong kapaligiran para sa lahat ng mag-aaral at kawani ng paaralan.

Bilang bahagi ng gawaing ito, nakibahagi ang mga kapulisan sa isang group picture kasama ang mga mag-aaral ng GNHS noong Oktubre 12, 2026, bilang pagpapakita ng pakikipagtulungan at pagkakaisa sa pagpapanatili ng kaligtasan sa loob at paligid ng paaralan.

Binibigyang-diin ng pakikiisang ito ang mahalagang papel ng kapulisan bilang katuwang ng paaralan sa pagpapaigting ng kamalayan ng mga mag-aaral sa seguridad, disiplina, at responsableng pakikilahok sa komunidad. Sa pamamagitan ng ugnayan ng paaralan at mga tagapagpatupad ng batas, mas napagtitibay ang sama-samang pananagutan sa pag-iwas sa mga panganib at pagprotekta sa kapakanan ng mga kabataan.

Samantala, patuloy na itinataguyod ng GNHS ang isang kapaligirang nagbibigay-halaga sa karapatan, dignidad, at kapakanan ng bawat mag-aaral, anoman ang kanilang kalagayan o pinagmulan. Kaugnay nito ang Project LIGTAS na nagsusulong ng isang paaralang walang puwang para sa karahasan, diskriminasyon, pananakot, at iba pang gawaing maaaring magbanta sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng National School Safety Week, muling pinagtitibay ng buong komunidad ng GNHS ang paniniwalang ang kaligtasan sa paaralan ay hindi lamang responsibilidad ng mga g**o at administrador, kundi isang pinagsasaluhang tungkulin ng mga mag-aaral, magulang, kapulisan, at buong pamayanan.

Sa GNHS, ang ligtas na paaralan ay sama-samang binubuo—para sa bawat batang may karapatang matuto, umunlad, at mangarap nang walang takot.

LATHALAIN | Sa Likod ng Bawat Tinta, Apat na Tinig ng Tagumpay: GNHS Journalists, Pasok sa Regional PressConSa bawat sal...
11/10/2026

LATHALAIN |

Sa Likod ng Bawat Tinta, Apat na Tinig ng Tagumpay: GNHS Journalists, Pasok sa Regional PressCon

Sa bawat salitang pinili, bawat opinyong ipinaglaban, at bawat katotohanang isiniwalat, apat na batang mamamahayag ng Gabu National High School (GNHS) ang nagpatunay na ang panulat ay hindi lamang kasangkapan sa pagsulat, kundi tinig ng mga taong nais marinig at kuwentong nararapat maibahagi.

Hindi man pare-pareho ang mga paksang kanilang tinatalakay, iisa ang layuning nagbuklod sa apat na mamamahayag ng GNHS—ang gamitin ang kapangyarihan ng panulat upang maghatid ng impormasyon, magpahayag ng paninindigan, at magbigay-boses sa nakararami.

Sa ginanap na Division Schools Press Conference (DSPC) noong Oktubre 3, 4, at 10, 2026, sa Northwestern University, nagbunga ang kanilang determinasyon at pagsisikap nang masungkit nina Aldrich Zeus Alonzo, Angel Ramos, Lance Cedrick Tungpalan, at Maxine Victoria Rapacon ang kani-kanilang puwesto sa kompetisyon at maging mga qualifier sa Regional Schools Press Conference (RSPC).

Hindi naging madali ang paglalakbay tungo sa tagumpay. Sa likod ng bawat piyesang kanilang isinulat ay mga oras ng pagsasanay, paulit-ulit na pagwawasto, masusing pagsusuri, at matatag na paninindigang ihatid ang mensaheng higit na mahalaga kaysa sa sariling pagkilala.

Sa larangan ng News Writing–Filipino, nakamit ni Aldrich Zeus Alonzo ang ikalawang puwesto sa pamamagitan ng husay sa paghabi ng mga katotohanan tungo sa isang makabuluhang balita. Sa bawat pamatnubay at talatang kaniyang binuo, namayani ang kahalagahan ng pagiging mapanuri, tumpak, at makatarungan sa paghahatid ng impormasyon.

Samantala, pinatunayan ni Angel Ramos, na nagkamit ng ikalawang puwesto sa Editorial Writing–Filipino, na ang panulat ay may kakayahang tumindig para sa isang paninindigan. Sa pamamagitan ng mapanuring pag-iisip at matapang na pagpapahayag ng pananaw, ipinakita niyang ang editoryal ay hindi lamang basta opinyon, kundi isang paanyaya sa lipunan upang magnilay, kumilos, at maghanap ng pagbabago.

Sa Column Writing–Filipino, nakamit naman ni Lance Cedrick Tungpalan ang ikatlong puwesto. Sa likod ng kaniyang kolum ay ang kakayahang tumingin sa mga pangyayari mula sa isang natatanging pananaw at bigyang-kahulugan ang mga isyung madalas hindi napapansin. Ipinamalas niya na ang isang matapang at makabuluhang tinig ay maaaring magmulat ng isip at maghamon sa nakasanayang pagtingin.

Hindi rin nagpahuli si Maxine Victoria Rapacon, na nagkamit ng ikatlong puwesto sa Science and Technology Writing–English. Sa kaniyang larangan, pinatunayan niyang mahalagang maipaliwanag ang mga usaping pang-agham at teknolohikal sa paraang nauunawaan ng publiko. Sa pamamagitan ng masusing pananaliksik at malinaw na paglalahad, naging bahagi siya ng pagsisikap na gawing higit na makabuluhan at kapaki-pakinabang ang kaalamang siyentipiko.

Magkakaiba man ang kanilang kategorya, pinag-isa sila ng iisang katangian—ang katapangang magsalita sa pamamagitan ng panulat. Hindi lamang ang kanilang husay sa pagsulat ang naging puhunan, kundi ang determinasyong maipahayag ang mga katotohanan, mailahad ang mga pananaw, at maisiwalat ang tinig ng nakararami. Sa bawat piyesang kanilang ipinaglaban, nagkaroon ng puwang ang mga kuwentong dapat marinig at mga ideyang dapat pag-isipan.

Ang kanilang pagkapanalo ay hindi lamang pagkilala sa indibidwal na kakayahan. Isa rin itong patunay ng patuloy na paglinang ng Gabu National High School sa mga kabataang mamamahayag na may paninindigan, pananagutan, at malasakit sa kapwa.

Nagpaabot ng pagkilala at pagbati si School Principal IV Susan A. Mariano sa mga kinatawan ng paaralan, lalo na sa mga nagwagi. Ang kanilang tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon sa buong pamayanan ng GNHS upang higit pang suportahan ang mga mag-aaral na nangangarap, nagsisikap, at naglilingkod sa pamamagitan ng pamamahayag.

Gayundin, ipinahayag ni SPTA President Jesusa S. Andres ang pagkilala sa mga mamamahayag at ang pagpapahalaga sa kanilang pagsisikap. Ang ganitong suporta mula sa pamunuan at mga magulang ay nagpapaalala na sa likod ng bawat batang nangangahas mangarap ay isang pamayanang handang umalalay at maniwala sa kanilang kakayahan.

Buong-pusong nagpapasalamat ang GNHS Kongkong Journalists at school paper advisers sa lahat ng indibidwal at grupong nagpaabot ng suporta, nagbigay ng gabay, at naging bahagi ng kanilang paglalakbay sa Division Schools Press Conference lalo na sa mga magulang ng bawat mamamahayag na kumatawan sa DSPC 2026. Ang bawat tulong, paghikayat, at paniniwala ay naging mahalagang bahagi ng kanilang paghahanda at pagharap sa hamon ng kompetisyon.

Sa apat na mamamahayag na ito, ang pagkapanalo ay hindi katapusan ng kanilang kuwento. Ito ay panibagong kabanata—isang pagkakataong higit pang patunayan ang kanilang kakayahan sa Regional Schools Press Conference. Bitbit nila hindi lamang ang karangalan ng kanilang pangalan, kundi ang tiwala ng kanilang paaralan at ang tinig ng pamayanang kanilang kinakatawan.

Sapagkat sa pamamahayag, ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa puwestong nakamit o medal-yang naiuwi. Nasusukat din ito sa katotohanang naipahayag, sa tinig na naiparinig, at sa kamalayang napukaw.

At para sa apat na mamamahayag ng GNHS, ang kanilang mga panulat ay patuloy na kikilos—hindi lamang upang manalo, kundi upang magmulat, magbigay-liwanag, at maghatid ng mga kuwentong may kabuluhan.

Mula sa Division hanggang sa Regional Schools Press Conference, patuloy na isusulat ng mga Kongkong Journalists ang kuwentong hindi lamang tungkol sa tagumpay, kundi tungkol sa katapangang magsalita para sa iba.


Gabu NHS Bags Best Practices in SGC; Teacher Earns Raniag Awards Finalist RecognitionOctober 9, 2026 — Strengthening its...
09/10/2026

Gabu NHS Bags Best Practices in SGC; Teacher Earns Raniag Awards Finalist Recognition

October 9, 2026 — Strengthening its commitment to participatory school governance and quality education, Gabu National High School (GNHS) was recognized for the Best Practices in School Governance Council (SGC) in the Schools Division of Laoag City, affirming the school community’s collective efforts toward building an inclusive, responsive, and learner-centered learning environment.

The recognition highlights school's commitment to making school governance a shared responsibility among school leaders, teachers, parents, learners, alumni, community members, and other education stakeholders with its SGC Elected President Virgilio Calaro. Through the School Governance Council, these partners are given opportunities to participate in school planning, decision-making, program implementation, and monitoring of initiatives that directly contribute to the welfare of learners, personnel, and the wider school community.

More than a consultative body, the SGC serves as a platform for meaningful collaboration, where different perspectives, resources, and expertise come together to address school needs and pursue common goals. By fostering transparency, accountability, and shared ownership, the council strengthens partnerships and encourages stakeholders to take an active role in creating a safe, supportive, and conducive environment for teaching and learning.

The award also recognizes the collective dedication of the GNHS community in sustaining programs and initiatives that respond to the needs of learners and personnel while promoting a culture of cooperation, trust, and continuous improvement.

Adding to the school’s achievement, Mr. Angelito B. Corpuz was named a finalist in the Raniag Awards under the Teacher Category, recognizing his exemplary dedication and commitment to serving learners with passion and purpose.

His recognition reflects the invaluable role of teachers in shaping learners’ knowledge, character, and future. Beyond classroom instruction, his commitment embodies the spirit of service that inspires learners to overcome challenges, discover their potential, and pursue meaningful opportunities for growth.

The school expressed its heartfelt gratitude to all stakeholders whose unending support, active participation, and shared commitment contributed to these milestones. The administration, teaching and non-teaching personnel, learners, parents, alumni, community partners, and other education advocates were recognized as essential partners in advancing the school’s mission and sustaining its programs.

Expressing her gratitude, School Principal IV Susan A. Mariano emphasized that these recognitions are not achievements of the school alone but victories shared with the entire community.

"Every contribution, whether through time, resources, expertise, or dedicated service, has helped strengthen the school’s pursuit of quality education and holistic learner development," stressed Mariano.

Indeed, the Best Practices in SGC recognition and the Raniag Awards finalist distinction stand as testaments to what a united community can accomplish when everyone works toward a common purpose.

The triumph of Gabu National High School is, without a doubt, the victory of the entire community—a consecrated effort rooted in shared responsibility, strengthened by partnership, and inspired by an enduring commitment to the welfare and future of every learner.

Address

Brgy. 34-B Gabu Norte
Laoag City
2900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gabu National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Gabu National High School:

Shortcuts

Share

Nearby non profit organizations