04/05/2026
Maligayang ika-19 na Anibersaryo, Sharjah Triskelion ng Triskelion International - United Arab Emirates! ๐
Sa kabila ng mga pagsubok at kasalukuyang sitwasyon sa rehiyon, patuloy ninyong pinapatunayan ang tunay na diwa ng pagiging Triskelion, ang walang sawang pagtulong at malasakit sa ating mga kapwa Pilipino. Ang inyong mga kontribusyon ay hindi lamang kapuri-puri, kundi malinaw na pagsasabuhay ng ating mga prinsipyo at paniniwala na nakaugat sa ating Tenets at Code of Conduct, at sumasalamin sa mga aral ng ating Founding Fathers.
Sa bawat sakripisyo, serbisyo, at pagkakaisa na inyong ipinapakita, kayo ay nagsisilbing inspirasyon sa iba pang mga kapatid sa buong mundo. Nawaโy patuloy kayong maging matatag, nagkakaisa, at maging gabay ng tunay na diwa ng kapatiran, para sa kapwa, para sa Kapatiran.
Muli, binabati natin ang TI-UAE Sharjah Chapter sa pangunguna ng inyong Chapter GT, Brod John Aben JJ Abn, na bukod sa napakahusay ay kamukha pa ni Piolo Pascual, kasama ang inyong buong Grand Council at mga residente, katuwang ang buong Konseho ng TI-UAE na dumalo rin sa inyong pagdiriwang sa pamumuno ni UAE GT Brod Bonn Lozano, kasama rin ang Tau Gamma Phi Global Eastern Overseas Governor, Brod Ace Quijada.
Mabuhay ang Sharjah Triskelion! Mabuhay ang Tau Gamma Phi at Tau Gamma Sigma!