16/08/2026
๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ ๐๐-๐๐๐ฅ๐๐ ๐ก๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐ฆ ๐๐๐ง๐ฌ ๐จ๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐-๐๐ฆ๐ง๐จ๐๐ฌ๐๐ก๐ง๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ง๐จ๐๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ง ๐ ๐๐ฆ๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ข๐ก
Para sa Angeles City Local Government Unit (AC LGU) at sa mga pamunuan ng mga pamantasan, higit pa sa class suspension ang hinihingi namin: sapat na konsiderasyon, maagap na pagkilos, at mga desisyong nakabatay sa aktuwal na kalagayan ng mga mag-aaral.
Kami, ang mga hanay ng mga student council, organisasyon, at mamamahayag na kumakatawan sa mga mag-aaral sa Angeles City, ay nagkakaisang nananawagan para sa mas maagap at maka-estudyanteng pagtugon ng Angeles City Local Government Unit (LGU) at ng mga pamunuan ng mga pamantasan sa patuloy na banta sa kaligtasan ng mga mag-aaral dulot ng matinding pag-ulan at pagbaha sa panahon ng Habagat.
Hindi na maituturing na panandalian lamang ang epekto ng matinding pag-ulan at pagbaha sa Pampanga. Noong Agosto 10, 2026, iniulat ng SunStar Pampanga na umabot sa 291 barangay ang binaha sa lalawigan, kaya nagsuspinde na ang mga karatig-lungsod, maliban sa Angeles City. Pagsapit ng Agosto 12, idineklara ng Sangguniang Panlalawigan ang Pampanga sa ilalim ng state of calamity kasunod ng pag-apruba ng Resolution No. 06, Series of 2026.
Noong Agosto 13, nag-anunsyo ang Malacaรฑang na suspendido ang klase simula alas-tres ng hapon. Kinabukasan, Agosto 14, nirekomenda rin nila ang pag-suspinde ng klase o pag-shift sa alternative learning modes simula alas-nuwebe ng umaga. Bago pa ang mga naturang araw, nailagay na sa Yellow Rainfall Warning ang ilang bayan sa Pampanga โ nangangahulugan na may diskresyon na ang mga pamantasan at ang LGU na magsuspinde ng klase.
Kung hindi man madalas makaranas ng pagbaha ang Angeles City, hindi nangangahulugang ligtas na ang mga mag-aaral. Bilang halimbawa, sa Holy Angel University, batay sa survey na nilahukan ng 3,716 na mag-aaral noong Hulyo, higit sa kalahati ng mga mag-aaral (2,197 o 59.12%) ang naninirahan sa labas ng Angeles. Sa parehong survey, 2,461 o 66.23% ang nagsabing apektado ng pagbaha ang kanilang tahanan at mga rutang dinaraanan, habang 3,353 o 90.23% ang nagsabing naaapektuhan ng tag-ulan ang kanilang pagbiyahe patungo sa pamantasan.
Ipinapakita ng mga datos na ang kaligtasan ng mga mag-aaral ay hindi maaaring masukat batay lamang sa kasalukuyang lagay ng panahon sa mismong lungsod o sa kawalan ng direktang rainfall warning. Ang panganib ay maaaring nasa tahanan, ruta, trapiko, o pampublikong transportasyong ginagamit ng mga mag-aaral bago pa man sila makarating sa pamantasan. Dahil dito, kinakailangan ang mas maagap na pagsusuri at pagpapasya na isinasaalang-alang ang aktuwal na kalagayan ng mga mag-aaral.
May sapat na policy basis para sa ganitong mga konsiderasyon. Sa ilalim ng CHED Memorandum Order No. 15, s. 2012, hindi lamang ang pagkakaroon ng Tropical Cyclone Wind Signal ang maaaring maging batayan sa pagsususpinde ng klase sa tertiary level. Kabilang din sa maaaring isaalang-alang ang mga espesyal na sitwasyon gaya ng pagbaha, pagkasira o pagiging hindi ligtas ng mga daan, at iba pang kondisyon na maaaring magdulot ng panganib sa mga mag-aaral. Sa ganitong mga pagkakataon, may discretion ang mga kinauukulang local chief executives o mga pamunuan ng higher education institutions na magsuspinde ng klase kung kinakailangan.
Nauunawaan namin na mahalagang mapanatili ang pagpapatuloy ng edukasyon sa kabila ng mga hamon ng panahon. Ngunit ang pagpapatuloy ng edukasyon ay hindi dapat magpasawalang-bahala sa kaligtasan ng mga taong pinaglilingkuran ng ating mga institusyon.
Para sa pamunuan ng aming pamantasan, nananawagan kami na gamitin nang maagap ang prerogatiba nitong magsuspinde ng klase o mag-shift sa alternative modes of learning kung kinakailangan. Hinihiling din namin ang pagtibayin ng mga ang komunikasyon sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang upang maipabatid at matukoy ang kanilang kalagayan tuwing masamang panahon. Dagdag pa rito, hinihiling namin ang malinaw at sapat na guidelines o framework para sa academic considerations sa tuwing ipinagpapatuloy ang klase sa kabila ng masamang panahon, upang matiyak na walang mag-aaral ang mapag-iiwanan dahil sa mga epekto nito.
Hinihimok namin ang Angeles City LGU na bukod pa sa mga weather signals, gawin ding batayan ang aktuwal na kalagayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng aktibong pakikipag-ugnayan sa mga paaralan at pamantasan. Hinihiling din namin na tiyaking sapat ang pampublikong transportasyon tuwing masamang panahon upang maiwasan ang pagkaka-stranded ng mga mag-aaral, kabilang ang pagpapatupad ng mga programang gaya ng libreng sakay para sa mga mag-aaral na nagmumula sa labas ng Angeles City.
Maaaring huminto na ang ulan, ngunit hindi nangangahulugang ligtas na ang lahat. Kumilos batay sa realidad, hindi lamang sa lagay ng panahon.
Tugunan ang kapakanan ng sangkaestudyantehan!
References:
https://www.sunstar.com.ph/pampanga/flooded-villages-reach-291-as-of-august-10
https://newsinfo.inquirer.net/2283055/pampanga-declares-state-of-calamity
Buong paninindigan na nakikiisa ang mga sumusunod na organisasyon:
Holy Angel University
Holy Angel University - University Student Council
HAU College of Criminal Justice Education and Forensics Student Council
HAU School of Arts and Sciences Student Council
HAU School of Business and Accountancy Student Council
HAU School of Engineering and Architecture Student Council
HAU School of Nursing and Allied Medical Sciences Student Council
HAU School of Computing Student Council
Commission on Financial Audit
High Court
University Senate
Commission on Elections
The Angelite
The Nexus
The Headquarters
The Enterprise
The Lifeline
The Reflection
The Access Point
Lualu
Sulung HAU
Tindig HAU
Google Developer Group on Campus - Holy Angel University
Code Geeks
College Red Cross Youth Council - Holy Angel University
Communicatorsโ League
Hospitality Management Association of the Philippines
Juris Orbis
Management Society
Psychology Society
Radiologic Technology Student Society
Scienzophiliacs
Society of Aerospace Engineers of the Philippines
Student Association of Forensics and Enthusiasts
The Kaleidoscope
United Architects of the Philippines Student Auxiliary
Angeles University Foundation
AUF - College of Criminal Justice Education Student Council
The Pioneer AUF
Local Organizations
The Playhouse Project