29/07/2026
Celebrating 52 Years of Youth Empowerment! 🇵đź‡đź’™
Today, the Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP) Provincial Federation of Cavite proudly joins the nation in celebrating the 52nd Founding Anniversary of PYAP.
Sa loob ng 52 taon, naging daan ang PYAP upang hubugin ang mga kabataang may malasakit, integridad, at kahandaang maglingkod sa kanilang komunidad. Mula sa iba't ibang lungsod at bayan ng Cavite, patuloy nating pinatutunayan na ang pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng kabataan ay susi sa mas maunlad na kinabukasan.
Bilang PYAP Provincial Federation of Cavite, ipinagpapatuloy natin ang ating misyon na palakasin ang boses ng kabataan, linangin ang kanilang kakayahan, at magbigay ng mga oportunidad para sa makabuluhang paglilingkod at pamumuno.
Maraming salamat sa bawat PYAP member, chapter officer, city and municipal federation, partner agencies, at youth volunteers na naging bahagi ng ating paglalakbay. Ang inyong dedikasyon at serbisyo ang nagpapatibay sa ating organisasyon.
✨
52 years of inspiring young leaders. 52 years of meaningful service. 52 years of hope, unity, and empowerment.
Patuloy nating ipakita na ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan—hindi lamang sa salita, kundi sa ating mga gawa.
Happy 52nd Founding Anniversary, Pag-asa Youth Association of the Philippines! 💙💛
Mabuhay ang PYAP! Mabuhay ang Kabataang Caviteño! 🇵đź‡