10/08/2026
Sa mga Mabubuting Puso at Mapagkawanggawa,
Kami po ay buong kababaang-loob na humihingi ng anumang tulong o assistance para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng halos isang linggong walang tigil na pag-ulan. Dahil sa patuloy na masamang panahon, marami sa aming mga kababayan ang nahihirapang makapaghanapbuhay at kumita ng sapat na pera para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang ilang pamilya ay halos wala nang kinikita dahil hindi makalabas upang magtrabaho o maghanapbuhay. Dahil dito, nahihirapan na silang makabili ng pagkain, tubig, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.
Kaya naman, kami po ay taimtim na kumakatok sa inyong mabubuting puso para sa 80-100 families. Anumang tulong—pagkain, bigas, de-lata, tubig, hygiene kits, gamot, pinansyal na ayuda, o iba pang pangunahing pangangailangan—ay malaking bagay na po para sa mga pamilyang nangangailangan.
Hindi man po kalakihan ang inyong maibibigay, ang bawat munting tulong ay maaaring maging malaking pag-asa para sa isang pamilya sa panahong sila ay dumaranas ng matinding pagsubok.
Para po sainyong donasyon maaari po kayong makipag unayan sa aming mga butihing officers po.
Habibi Jovy
Legis Sophia Ceynas
Angelica Llam's
Julieta Ceynas
Juliusmar Flores Dy
Dante G Flores
Ernie Ceynas
Maraming salamat po sa inyong malasakit, kabutihan at bukas-palad na pagtulong. Nawa'y patuloy kayong pagpalain at suklian ng Panginoon ang inyong kabutihan.
Maraming salamat po at nawa'y malampasan nating sama-sama ang pagsubok na ito.