16/07/2026
๐ โค๏ธโ๐ฉน ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐. ๐ก๐ด๐๐ป๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐, ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ฑ๐๐ฎ๐น ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐น๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป.
Sa likod ng bawat biktima ng karahasan ay isang kwento ng sakit, takot, at pakikipaglaban. Walang sinumanโanumang kasarian, edad, o pagkakakilanlanโang dapat mapilitang manatili sa isang mapang-abusong kapaligiran dahil lamang wala silang mapuntahan.
Kaya't buong puso naming sinusuportahan ang ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ถ๐น๐น ๐ก๐ผ. 10044 ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐น๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐๐ฐ๐ ๐ผ๐ณ 2026, isang panukalang magtatatag ng ligtas na mga halfway houses at shelters sa bawat lungsod at lalawigan sa bansa. Layunin nitong tiyakin na ang bawat survivor ng gender-based violence at iba pang anyo ng pang-aabuso ay may agarang access sa proteksyon, pansamantalang tirahan, serbisyong medikal, psychosocial support, at legal na tulong upang makapagsimulang muli.
Ang tunay na hustisya ay hindi lamang pagparusa sa nang-abusoโito rin ay ang pagbibigay ng ligtas na espasyo, dignidad, at panibagong pag-asa sa mga nakaligtas.
Hindi dapat tanungin ang isang survivor kung saan siya pupunta pagkatapos humingi ng tulong. Dapat ay may Bahay Kanlungan na naghihintay sa kanya.
โ๐ผ Protektahan ang mga survivor. Isabatas ang House Bill No. 10044.
๐ผ: Raphael Tuble | P.I.O
โ๏ธ: Toby Ledesma | JHS Chairman