16/08/2026
Pakikiisa sa mga apektado ng sa Hagonoy, Bulacan
Sa San Miguel sa Hagonoy naman nagpaabot ng relief packs ang One Meralco Foundation. Dito, halos hindi na madaanan ng mga sasakyan ang mga kalsada mapasok lang ang lugar na isang linggo na ring binaha.
Isa sa mga apektadong residente si Lilibeth Roberto, na nahinto ang pinagkakakitaang pagbebenta ng lutong pagkain dahil nalubog sa baha ang lugawan nโya. โMalaking bagay dahil wala akong kabuhayan ngayon, ito lang pinagkakakitaan ko,โ kuwento pa ni Lilibeth, na isang single mom na may anak na PWD.
Nagpapasalamat kami kay Gelvien Montalla na siyang nakipag-ugnayan sa OMF para maabutan ng tulong ang mga residente doon.
Bahagi ito ng disaster response activities ng Foundation na layong makatulong sa mga kababayang apektado ng mga kalamidad.