31/08/2026
๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ ๐ฎ๐ ๐ด๐ผ๐ฏ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ผ, ๐บ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐๐๐น๐ฎ๐ฑ?
๐ayani ang taong marunong lumaban para sa bayan, lalo na sa panahong sinusubok ang dangal, kinabukasan, at kalayaan ng mga Pilipino.
๐ng paggunita ngayong Araw Ng Mga Bayani o National Heroes Day ay nag-ugat noong 1931 Act No. 3827, na unang nagtakda ng National Heroes Day tuwing huling Linggo ng Agosto. Noong 2007, sa bisa ng Republic Act No. 9492, inilipat ang paggunita sa huling Lunes ng Agosto. Binibigyang pugay nito ang mga Pilipinong nagbuhat ng umaalab na sagisag ng watawat ng Pilipinas nang may tapang, sakripisyo, at tunay na paglilingkod para sa bayan. โ
๐ฌaman kung tawagin, sapagkat hindi lamang iisang pangalan ang ating ginugunita ngayong araw. Naiiba ang National Heroes Day sa Rizal Day at Bonifacio Day. Kinikilala natin ngayon ang lahat ng Pilipinong naging bahagi ng pakikibaka para sa tunay na kinabukasan at kalayaan.
Bayani at gobyerno, magkatulad? Sa totoong buhay, walang hero na bababa mula sa langit upang iligtas tayo. Ang mayroon tayo ay mga โbayaniโ ng institusyong binigyan ng kapangyarihang maglingkod at ang mga lider na pinagkatiwalaan ng bayan sa halalan.
๐t sa kasalukuyan, ngayong tayo ay nasa gitna ng baha, sakuna, at krisis na paulit-ulit na kinakaharap ng mamamayan, muling lumilitaw ang mga tunay na bayani: ang mga kapitbahay na nagsasagip, mga volunteer na namamahagi ng tulong, mga manggagawang patuloy na naglilingkod, at mga ordinaryong Pilipinong inuuna ang kapwa bago ang sarili.
๐กgunit hindi dapat maging normal na ang mamamayan ang laging unang sumasagip, huling umaasa, at lumulubog sa sistema. Walang saysay ang kapa ng โbayaniโ kung sa oras ng sakuna, ang mamamayan pa rin ang kailangang lumangoy upang iligtas ang sarili.
๐pinapaalala ng mga bayani ng kasaysayan sa araw na ito, na ang pagmamahal sa bayan ay may kasamang tunay na paglilingkod at paninindigan. Kaya ngayon, kami ay saludo sa kabayanihan ng bawat Pilipinong patuloy na naglilingkod at gumagawa ng kabutihan para sa kaniyang bayan. ๐ต๐ญ
Ngayon ay ang paalala na ang tunay na bayani ay ang sambayanang Pilipino, hindi ang gobyerno nito.
Isinulat ni KARL VINCENT M. NACUA
Iginuhit at Inianyo ni JAYCE AVRIEL R. SALUDEZ