28/07/2026
๐๐๐๐ฅ๐ง | ๐ฆ๐ง๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐
Mariing tinutuligsa ng Kaya Natin! Youth - PUP ang serye ng iligal at arbitraryong pag-aresto ng Quezon City Police District sa 51 katao sa Feria, Commonwealth habang nagaganap ang SONA ng Bayan!
Makikita sa mga bidyo kung papaanong pinagdadampot at dinahas ng kapulisan ang mga artista ng bayan, kabilang na ang fliptop rapper na si Vitrum. Maging mga menor de edad at mga paraligal ay pinuntirya rin at kasamang dinala sa Kampo Karingal.
Ipinagkait sa kanila ng PNP ang karapatan sa due process at makalapit sa kanilang mga abogado.
Ito ang tunay na State of the Nation sa ilalim ng papet, pahirap, kurap at pasistang rehimeng US-Marcos! Malawakan ang pagsikil ng AFP-PNP sa mga demokratikong karapatan ng mamamayan samantalang walang nakukulong na dambuhalang isda, nagtatago pa rin si Bato dela Rosa at hindi pinapanagot ang hari at reyna ng kurapsyon na sina Marcos at Duterte.
Huwag nang magtaka si Marcos kung bakit patuloy lumalaban ang mulat at kritikal na sambayanang Pilipino, dahil habang patuloy ang pamamasismo ng bulok na estado, uusbong ang mga batayan para baguhin ang bulok na sistema!
๐๐๐จ๐๐ข๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ช๐๐ง๐๐ก, ๐๐๐ก๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐จ๐ ๐๐๐๐๐๐ก!