10/09/2026
TOTOONG FLOOD CONTROL, TOTOONG SOLUSYON SA BAHA! 🌧️🇵🇭
Naniniwala tayo na panahon na para sa pangmatagalan, maayos at totoong flood control projects upang tuluyang matugunan ang problema sa pagbaha—hindi lamang sa Maynila kundi sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kasabay nito, patuloy nating pinaiigting ang maagap at maayos na pagkolekta ng basura upang maiwasan ang pagbabara ng mga daluyan ng tubig. Sa pangunguna ng Department of Environment and Public Services (DEPS), tuloy-tuloy ang paglilinis at clearing operations sa mga kalsada at drainage areas.
Hindi sapat ang pansamantalang solusyon. Kailangan ang konkretong proyekto, maayos na sistema at tuloy-tuloy na aksyon para sa isang mas ligtas at mas handang Maynila.