27/08/2026
Mariing na kinukundena ng SPARK PLM ang pagbibigay ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ng Honorary Doctorate Degree in Law kay Bongbong Marcos sa araw ng pagdaraos ng ika-58 Commencement Exercise. Anong kredibilidad ang meron siya upang makatanggap nito?
Para gawaran ang isang tao ng Honorary Doctorate degree ay dapat may malaking kontribusyon sa pamumuno o may integridad at kagalang-galang na katayuan sa lipunan. Ni isa rito ay hindi kwalipikado si BBM.
Sa ilang taong pamumuno ni BBM, wala siyang ibang nagawa para paunlarin ang buhay ng masaβt manggagawa. Patuloy pa rin tayong sadlak sa kahirapan. Lagapak na ang ekonomiya ng bansa, at padausdos ang kalidad ng edukasyon at pampublikong serbisyo. Laya pa rin ang mga kurakot, at inuna pa niyang magpakaalipin sa interes ng US sa mapangwasak na Pax Silica.
Isang makasaysayang kahihiyan itong paggawad ng PLM ng Honorary Doctorate Degree para sa mga estudyanteng lumalaban, lalo na kina Liliosa Hilao at Jerlyn Doydora, mga estudyanteng namatay sa ilalim ng rehimeng Marcos Sr. at Marcos Jr.
Binubulag ng administrasyon ng PLM ang kanilang sarili kung naniniwala silang nararapat kilalanin at gawaran ang isang anak ng diktador at pulitikong sangkot sa korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan.
Kung may degree nababagay para kay BBM, ito ay Honorary Doctorate Degree in Corruption at hindi in Law!