04/06/2026
ππππππππππ ππ πππππ, ππππππ ππ πππππππ: ππππππππππ ππ ππππ πππππππ ππππππππππ
ππ ππππππ | Sa patuloy na pagsusulong ng kaligtasan at kahandaan ng ating komunidad, matagumpay na isinagawa ang paglalagay ng hose mapping tarpaulins sa iba't ibang piling sitio at purok sa Barangay Potrero sa ilalim ng pamumuno ni Kapitana Sheryl Nolasco.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Barangay Potrero Firefighters Squad, Bureau of Fire Protection (BFP) Malabon - BFP NCR Malabon City sa pangunguna ni FSUPT ERRICK S DERRO, City Fire Marshal, at ng Community Relations Unit sa pangunguna ni SFO1 Dave John J Hizon, Acting Chief, CRU, kasama ang pagmomonitor ni Barangay Ex-Officio Roldan Paraggua.
Layunin ng programang ito na maglagay ng mga hose mapping tarpaulins sa mga lugar na may makikitid na eskinita at daanan na hindi naaabot ng mga fire truck. Ang mga tarpaulin na ito ay magsisilbing gabay sa mga bumbero upang mabilis nilang matukoy ang mga itinakdang ruta ng hose at mga pinagkukunan ng tubig sakaling magkaroon ng sunog.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, higit nating napapalakas ang kahandaan ng ating barangay sa oras ng sakuna at naipapakita ang sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan, mga responder, at ng komunidad para sa mas ligtas at mas handang Barangay Potrero.