12/10/2026
TABING ILOG
Katorse anyos na noon si Erik ng siya ay muntikan ng nalunod sa ilog sa kanilang baryo sa Albay habang siya ay namimingwit ng isda na kanilang pang-ulam. Buti na lang at tinulungan siya ng dalawang lalaki na noon ay nasa nasabi ding ilog na malapit lang sa kanya. Dahil sa utang na loob ay hinangaan ni Erik ang mga ito. Aniya, utang niya sa kanila ang kanyang pangalawang buhay.
Sa pagkakataon na iyon ay humingi ng pabor ang dalawang lalaki kay Erik na kung maari ay pwede ba siyang maging tagasundo at tagahatid ng kanilang mga kasama. Agad namang pumayag si Erik sa pabor ng dalawang lalaki.